Part 17

9.8K 309 11
                                    

Lumambot ang ekspresyon sa mga mata ni Randall at humaplos ang hinlalaki nito sa pisngi niya. Humilig ito hanggang magkadikit ang mga noo nila. "Pareho lang tayo. Dahil ang nararamdaman ko para sa iyo hindi nawala. I can't sleep at night because I always think of you. Even in my dreams you were there. Sa umaga pag gising ko, mukha mo ang una kong naiisip. And I know, that what I feel is not mere like."

Bahagya nitong inilayo ang mukha at ginawaran ng masuyong halik ang noo niya. "Alaina," usal nito na puno ng emosyon. Napapikit siya at sunod nitong ginawaran ng halik ang kaniyang mga mata. "Alaina," muli ay tawag nito sa pangalan niya. Bumaba ang halik nito sa tungki ng ilong niya. "Alaina." And then he softly kissed her lips.

Tuluyang tumulo ang mga luha niya subalit buong puso niyang tinanggap ang halik na iyon. Paulit-ulit lamang nitong tinatawag ang pangalan niya. But to her it sounded like a confession of love.

"Randall," ganti niya sa pagitan ng magaang na halik nito sa mga labi niya. "Randall," pahikbing ulit niya at iniyakap ang mga braso sa katawan nito. "Ngayon ko lang uli natawag ng malakas ang pangalan mo."

Iminulat niya ang mga mata nang bahagya nitong ilayo ang mga labi sa kaniya. Hinaplos nito ang mukha niya at sinalubong ng tingin ang mga mata niya. "From now on, stop resisting me, Alaina. Because it's too late. For the both of us, huli na ang umiwas. We're in too deep and you know it."

May bumikig sa lalamunan niya dahil alam niyang tama si Randall. "Pero hindi puwede. They will never accept us. Sasabihin nila na bata pa tayo at hindi totoo ang nararamdaman natin. Ang sabi ni papa, kapag umalis na kami rito, siguradong mawawala na ang nararamdaman ko para sa iyo. Na infatuated lang ako sa iyo dahil hindi ka tulad ng mga normal na lalaking nakakasalamuha ko. At paano kung ganoon ka rin? What if I'm just a novelty to you?"

Tumiim ang mga bagang ni Randall. "Yes, you are different. But you are not just a novelty na pagsasawaan ko kapag na-bore na ako. Dahil kung oo, I will not take a risk of dragging you here habang marami pang tao sa mansiyon, my parents included. Dahil kung oo, dapat hindi na ako nagkakaganito ngayon dahil sa iyo. So tell me, do you really think I'm just seeing you as a novelty?"

Umiling si Alaina. "Pero –"

"Alaina, I know it's not going to be easy for us. Pero gusto kong magtiwala ka sa akin na gagawin ko ang lahat para masigurong matatanggap nila tayong dalawa. It might be a long battle, but as long as I know our feelings are the same, as long as you won't give up on me, kakayanin ko ang lahat. All your worries, all your doubts, I want you to share to me. Ako ang mas matanda sa atin, ako ang lalaki, at higit sa lahat ay mga magulang ko ang siguradong magiging problema natin, kaya ako ang gagawa ng paraan para matanggap nila tayo. All I ask of you is to just smile for me and tell me you will stay with me no matter how difficult it will be for us," seryosong sabi ni Randall.

Tila mainit na haplos sa puso niya ang mga sinabi ng lalaki. May takot at alinlangan pa rin si Alaina subalit hindi na iyon kasing tindi ng dati. Kung si Randall ay handang panindigan ang pagtitinginan nilang dalawa, dapat ganoon din siya. Kailangan niyang magtiwala sa lalaki. Higit sa lahat, hindi niya dapat iasa dito ang lahat. Dapat kahit siya maging matatag. Ngumiti na si Alaina at humigpit ang yakap kay Randall. "Okay. Hindi ako bibitaw. Kahit pa dumating na ang sandaling kailangan na namin umalis ni papa, ang nararamdaman ko para sa iyo, hindi magbabago. Kahit alam kong hindi magiging madali para sa ating dalawa, lalakasan ko ang loob ko. Because I love you, Randall."

Pagkatapos ay tinawid niya ang pagitan ng kanilang mga labi at sa unang pagkakataon ay nagkusang halikan ang lalaki. Tiningnan niya sa mga mata si Randall at ngumiti. "That's why I'm happy to be this close to you today kahit sandali lang. Happy birthday."

May sumilay na ring ngiti sa mga labi ni Randall at niyakap rin siya ng mahigpit. "You just made my birthday wish come true."

Umangat ang mga kilay ni Alaina kahit nakangiti pa rin. "Ano ba ang wish mo?"

Inilapit ni Randall ang mga labi sa tainga niya at bumulong. "To hear you say 'I love you'".

Napangiti si Alaina at magsasalita pa sana nang makarinig siya ng ingay mula sa kusina. Natigilan sila ni Randall at nawala ang ngiti niyang napatitig sa nakapinid na pinto. Halos mapaigtad siya nang may kumatok sa pinto ng banyo.

"Sorry, occupied!" mabilis na sagot ni Alaina.

"Alaina? Ikaw ba iyan?"

Narekognisa niya ang tinig ni Elisa. "Oo." Sumulyap siya kay Randall bago marahang kumalas dito at sinenyasan itong umusog para hindi ito makita ni Elisa kapag binuksan niya ang pinto. Tahimik namang tumalima ang lalaki. Marahang binuksan ni Alaina ang pinto at nakita ang nagtatakang si Elisa sa labas. Pilit siyang ngumiti. "Sorry, medyo masakit ang tiyan ko. Bakit?"

"Itatanong ko lang kung kailangan mo pa ba ng tulong dito sa kusina. Tapos na kami sa labas eh."

"Hindi na. Kaya ko na iyan. Magpahinga na kayo."

"Sigurado ka?"

Ngumiti si Alaina at tumango. Hindi siya puwedeng magpatulong dahil kapag may ibang tao roon hindi makakalabas si Randall. "Okay lang. Promise."

"Sige. Nagpahinga na rin si Ma'am Yolly kaya ikaw na lang mag-isa rito. Goodnight," paalam ni Elisa.

Hinintay muna ni Alaina na tuluyang makalabas ng kusina ang babae bago pabuntong hiningang isinara uli ang pinto ng banyo at tiningala si Randall. "Sorry. You have to go back now," bulong niya rito.

Hinawakan ni Randall ang mukha niya at hinalikan siya sa mga labi. "I still want to be with you."

Bahagyang natawa si Alaina. "Hindi tayo puwedeng manatili dito hanggang umaga. Kahit pa maganda ang mga banyo dito, hindi pa rin ako komportable," pabirong sagot niya.

"Then go to my room," mabilis na sabi ni Randall.

Nag-init ang mukha niya at napamaang sa lalaki. "R-randall, hindi pa ako handa para sa ganiyan," nahihiyang usal niya.

Kumunot ang noo nito na parang hindi naintindihan ang sinabi niya. Pagkatapos ay kumislap ang mga mata ni Randall sa pag-unawa at bahagyang natawa. "I'm not talking about that, silly girl. I know you're too young for that. Gusto ko lang na makasama at makausap ka pa ng mas matagal dahil ilang araw mo akong iniwasan."

"Ah." Lalong uminit ang mukha niya. Sa pagkakataong iyon ay sa labis na pagkapahiya dahil nilagyan niya ng malisya ang imbitasyon ni Randall. "Pero baka may makakita sa akin."

"Ipapasundo kita kay Salem. Nandito ka lang sa kusina hindi ba? Kapag dumating siya para sunduin ka, ibig sabihin wala nang tao sa paligid. Pagkatapos ipapahatid din kita hanggang sa silid mo. I just want to be with you a little longer."

Tiningala ni Alaina ang mukha ni Randall at napagtanto na gusto rin niyang makasama pa ito ng mas matagal. Pabuntong hiningang ngumiti siya at tumango. "Okay."

Napangiti na rin si Randall, mainit at iba sa ngiting nakita niyang iginagawad nito kanina sa mga bisita. Iyong ngiti na para lamang sa kaniya. "I'll see you then," usal nito. Ginawaran siya nito ng mabilis na halik sa mga labi sa huling pagkakataon bago naunang lumabas.

Saglit pa ay mag-isa na lang siya uli sa kusina.Subalit kahit mag-isa lamang siyang nagliligpit doon ay hindi iyon alintana niAlaina. Pakiramdam niya labis ang enerhiya at adrenaline niya sa katawan. Nihindi siya napagod kahit wala siyang katulong sa kusina. Nang matapos siya attumingin sa entrada ng kusina upang tingnan kung naroon na si Salem ay sakalamang napagtanto ni Alaina na napakatahimik na ng buong kabahayan. Kahit hindisiya tumingin sa orasan alam niyang malalim na ang gabi. Huminga siya ngmalalim bago naglakad palabas ng kusina.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon