Part 10

10.6K 346 15
                                    

SHOPPING outlets ang sunod na naging destinasyon nina Alaina. Malapit iyon sa napakalaking swimming pool na natatanaw pa niya habang naglalakad sila sa hilera ng mga mamahaling boutique. Sa totoo lang ay mas attracted pa siya sa swimming pool na kasalukuyang may mga nagkakasiyahang tao kaysa sa mga boutique doon.

"That looks fun," usal niya na tuluyan nang napahinto sa paglalakad at pinanood ang mga tao sa pool.

"You want to swim?" biglang tanong ni Randall sa tabi niya.

Napatingala si Alaina rito at marahas na umiling. "Hindi. Hindi talaga. Masarap lang sila panoorin," sabi niya.

"You're lying," sagot ni Randall habang nakatitig sa mukha niya. "You wanted to swim. I can see it in your face."

Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya. "Talaga?" Hindi sumagot si Randall pero nakikita niya sa mga mata nito na oo ang sagot sa tanong niya. Pasukong bumuntong hininga si Alaina. "Sige na nga. Ang totoo gusto ko mag swimming. It's summer after all. Pero alam ko na imposible iyon para sa akin kasi nandito ako sa Jumeirah Islands para maging assistant sa kusina ni papa." Napaderetso siya ng tayo at napatingala kay Randall nang may mapagtanto. "Kaya kung tutuusin, mali na kasama mo ako ngayon dito at nag-e-enjoy. Kasi ikaw ang amo namin Master –"

"Don't," putol ni Randall sa sasabihin pa niya. "Starting today I don't want you to call me like that. Calling me Randall is fine. Now, let's go."

Namilog ang mga mata niya nang hawakan siya nito sa braso at hatakin patungo sa kung saan. Nang mahagip ng tingin ni Alaina si Salem ay hindi nakaligtas sa kaniya ang pagkagulat sa mukha nito habang nakatingin sa braso niyang hawak ni Randall. Bakit ganoon ang reaksiyon ni Salem? Hinawakan lang naman ako ng amo niya ah?

"We're here," biglang sabi ni Randall kaya nabalik dito ang atensiyon niya. Bumukas ang glass door ng isang boutique at hinatak siya nito papasok doon. Agad na lumapit ang isang staff sa kanila. "Help her find a swimsuit," sabi ni Randall sa staff at bahagyang itinulak si Alaina paharap.

Gulat na bumaling siya sa lalaki. "Hindi na kailangan, maste –" Napahinto siya sa pagsasalita nang maningkit ang mga mata nito. Napahugot siya ng malalim na paghinga bago itinama ang sasabihin, "Randall. Hindi mo ito kailangan gawin dahil lang sinabi ko na gusto kong mag-swimming. Masaya na ako na pinagbigyan mo akong mag-ikot at kumain ng ice cream. Sobra na ito," paliwanag niya.

"I'm not doing this just because you said you want to swim. I also want to do it. Don't mind it too much," balewalang sagot ni Randall at kinausap na ang staff na naghihintay lamang sa kanila. "Go with her now, Alaina," udyok pa sa kaniya ng lalaki.

Ang pagbanggit nito sa pangalan niya ang tuluyang nagpapalis ng alinlangan ni Alaina. May kung ano sa pagkakasabi nito sa pangalan niya na nagdulot ng mainit na haplos sa dibdib niya. Pabuntong hiningang nginitian na lang niya si Randall. "Fine." Iyon lang at sumunod na siya sa staff para pumili ng swimsuit. Nagdesisyon siya na-i-enjoy na lang ang araw na iyon na kasama niya ang lalaki. Pagkatapos ng araw na iyon, saka na lang niya iisipin kung gaano kalaki ang pagitan ng katayuan nila sa buhay. Iisipin na lang niya na nasa isang panaginip siya. Tutal ganoon naman talaga ang pakiramdam niya sa tuwing nakakausap at nakakasama niya si Randall.

LUMABAS sila sa boutique na iyon na pareho nang nakasuot ng panligo. Si Alaina ay nakaligtas sa tangka ng staff na pagsuotin siya ng skimpy two-piece swimsuit. Naipilit niyang mag one piece lang na pinatungan niya ng cover up. Si Randall ay naka-board shorts at simpleng puting t-shirt na humahakab sa katawan nito. Nang magtungo sila sa swimming pool napunta kaagad sa lalaki ang atensiyon ng halos lahat ng tao roon, lalo na ang mga teenager na babae. Ngunit nang sulyapan naman niya si Randall mukhang hindi nito napapansin iyon. Kasi malamang sanay na siya na tinitingnan siya.

Biglang yumuko sa kaniya ang lalaki at napakurap si Alaina dahil nahuli siya nitong nakatingin. Iiwas na sana niya ang kaniyang mga mata nang may sumilay na ngiti sa mga labi ni Randall. "Here we are now."

Napangiti na rin tuloy siya. She suddenly felt giddy. "Then let's swim and have fun." Nakangisi pa rin na hinubad ni Alaina ang cover-up niya. Pagkatapos ay nakataas ang mga kilay na iminuwestra niya ang t-shirt na suot pa rin nito. Kumislap ang mga mata ni Randall sa paraan na noon lang niya nakita. He looks playful as he took of his shirt. Pakiramdam tuloy ni Alaina nang mga sandaling iyon higit pa sa damit ang inalis nito para sa kaniya. Para bang kasama ng damit na iyon ay nawala nan g tuluyan ang invisible barrier ni Randall. She felt as if at that moment, she can get close to him as much as she wanted.

Lumakas tuloy ang loob niya. Kaya nang bitawan nito ang nahubad na t-shirt hinawakan na niya ang braso nito at hinatak patungo sa pool. "Let's jump!" masiglang aya niya rito. Tiningnan niya si Randall para makita ang reaksiyon nito. Medyo hindi pa rin kasi sigurado si Alaina kung sasakyan nito ang trip niya.

Napatili siya sa pagkagulat nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Napakapit siya sa mga balikat nito at nanlalaki ang mga matang napatingin sa mukha nito. He was smiling wickedly. "It will be better for you if you close your eyes and hold your breath," sabi ni Randall.

Mabuti na lang hindi siya nagdalawang isip na sundin ang sinabi nito. Dahil kakapikit pa lamang niya naramdaman na niyang tumalon si Randall karga pa rin siya. Bumagsak silang dalawa sa tubig. Medyo masakit sa katawan ang pressure ng tubig subalit hindi iyon alintana ni Alaina. Mas nanaig ang tuwa sa puso niya dahil pinagbiyan ni Randall ang trip niya. Nang maiahon nila ang mga mukha sa tubig ay hindi napigilan ni Alaina ang matawa. "Ang saya 'non!" bulalas pa niya sa pagitan ng pagtawa.

"It was. Unexpectedly so," komento ni Randall. May nahimigan siyang kakaibang init sa tono nito. Tiningala ni Alaina ang lalaki. She felt as if someone squeezed her heart tight when she saw his face. Nakangisi si Randall na para bang ano mang sandali ay tatawa na ito.

Sa pagkakataong iyon hindi na talaga niya napigilan ang sarili. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang gilid ng nakangiting mga labi nito at masuyong ngumiti. "Mas bagay talaga sa iyo ang nakangiti ng ganiyan," usal ni Alaina.

Lumambot ang ekspresyon sa mga mata ni Randall at hinawakan ang kamay niyang nasa mukha nito at marahan iyong pinisil. "It has been so long since I allowed myself to smile like this," usal nito.

May init na humaplos sa puso niya sa pag-amin na iyon ng lalaki. Nang magtama ang mga mata nila ay may napagtanto si Alaina. There was something between them that she cannot put into words. Ang alam lang niya, espesyal iyon.

Kung sana sapat na ang damdaming iyon sa pagitan nilang dalawa para manatili silang magkasama hindi lamang sa araw na iyon. Kaya lang, sa likod ng utak ni Alaina alam niyang hindi iyon sapat. The thought made her heart ache but she decided to ignore it. At least, for now.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon