SA loob ng halos dalawang linggo mula nang makilala ni Randall si Alaina, nararamdaman niya ang unti-unting pagkatunaw ng depensa niya sa tuwing ngumingiti ang babae. Noong unang mga araw, palagi niyang pinapaalala sa sarili na huwag basta magtitiwala. He kept on telling himself not to lower his guard. Sinubukan na niyang gawin iyon dati at natagpuan niya ang sariling pinagtaksilan. Nangako siya na hindi na uli hahayaan ang sariling mapalapit sa kahit na sino.
Subalit iba si Alaina sa mga nakilala na niya. She has an innocent sweetness and a simple disposition. Lumaki si Randall sa paligid ng mga taong kung hindi nagpapanggap para mapalapit sa kaniya dahil may hidden agenda ay yumuyukod naman sa takot sa kaniya. Subalit si Alaina ay hindi ganoon. Sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata wala siyang makita ni katiting na pagkukunwari. Madaldal ang babae at palagi siyang kinakausap sa sarili nitong wika na para bang walang pakielam kung sasagot siya o hindi. Higit sa lahat palagi itong may nakalaang matamis na ngiti para sa kaniya. For him, Alaina was a breath of fresh air.
Higit sa lahat, hindi mahirap pasayahin ang babae. Nang ihimpil ni Salem ang limousine sa bahagi ng Jumeirah Islands kung nasaan ang mga leisure facilities ay kumikislap na ang mga mata ni Alaina sa pagkasabik. Lumingon ito sa kaniya at parang batang paslit na ngumiti. "Puwede na ba tayong lumabas?"
Sumulyap si Randall kay Salem at itinanong sa wika ng bodyguard niya kung ligtas ba siyang lumabas. Kahit gaano niya kagustong pagbigyan ang babae ay kailangan pa rin niyang unahin ang kaligtasan niya. Tumango si Salem bilang sagot. "We can," baling na niya kay Alaina. Matamis itong ngumiti at kabababa pa lamang ng bodyguard niya upang pagbuksan sila ng pinto ay nauna nang bumaba ang babae. Napaderetso siya ng upo at natagpuan ang sariling sumunod kaagad na umibis ng sasakyan. Alam niya na nagulat sa ginawa niya si Salem. After all, iyon ang unang beses na hindi niya hinintay pagbuksan siya ng pinto. It was one of his father's manners training.
"Wow. Parang higante at sosyal na plaza para rito," manghang bulalas ni Alaina na nanlalaki ang mga matang iginagala ang tingin sa paligid.
"Plaza?"
Tumingin sa kaniya ang babae at tumango. "Plaza. Park. Sa pilipinas, tanda ko noong bata pa ako, may plaza sa lugar namin. Parang ganito pero mas maliit at mas simple. Mayroon ding jogging track, may tindahan at may benches." Muli nitong iginala ang tingin sa paligid. "Mas luxurious lang dito. Feeling ko minsan, fictional world ang Jumeirah Islands. Noong una akong dumating dito, pakiramdam ko tumalon ako sa isang fairytale, para akong lumiit kasi ang lalaki ng mga bahay. Ngayon pati pala mga café's at amenities building ang lalaki rin!"
Napatitig si Randall sa mukha ng babae. There was a dreamy expression on her face. It made his chest feel warm. Bagay na noon lamang niya naramdaman sa buong buhay niya. Umangat ang kamay niya dahil bigla siyang nagkaroon ng udyok na hawakan ang mukha nito. Which was weird because he hates touching. Subalit iyon ang mismong gusto niyang gawin sa mga sandaling iyon.
Ilang pulgada na lamang ang kamay niya sa mukha ni Alaina nang biglang lumingon sa kaniya ang babae. Napahinto siya nang makitang napakurap ito sa pagkabigla. Subalit agad ding nawala ang emosyong iyon sa mga mata ni Alaina at masuyong ngumiti. "Yes?"
Binawi ni Randall ang kamay at ikinuyom iyon sa tagiliran niya habang hindi inaalis ang tingin sa nakangiting mukha ng babae. Everytime he sees her like this, it makes him want to do something for her. It gives him an urge to make her happy. Sa likod ng isip niya ay nagtutunugan ang warning bells. Inuudyukan siyang itaas ang depensa at huwag hayaang makapasok ang babaeng ito sa sistema niya. Inuudyukan siyang manatiling malamig at walang emosyon na gaya ng itinuro sa kaniya ng kaniyang ama. After all, ilang taon na niyang nagawa iyon upang protektahan ang kaniyang sarili.
"Master Randall?" takang untag sa kaniya ni Alaina.
Kahit ang pagtawag nito sa pangalan niya ay iba. More affectionate than the way even his parents call him. Hinamig niya ang sarili at iginala rin ang tingin sa paligid. "Where do you want to go first?" tanong na lang niya.
"Naisip ko bago pumasok sa kung saan, maglakad-lakad muna tayo sa paligid. Okay lang ba?" sabik na tanong ni Alaina.
Muling ibinalik ni Randall ang tingin sa babae. Ngiting ngiti na ito at kumikislap na naman ang mga mata habang nakatingala sa kaniya. At that moment Randall decided to ignore the warning bells in his mind. "Then we'll walk around," sang-ayon niya. Bumaling siya kay Salem na tahimik lamang nakatayo malapit sa kaniya. "You can wait here."
"I can't do that Master Randall," tanggi ni Salem.
Tumiim ang mga bagang niya. Sa eskuwelahan kung saan siya nag-aaral, alam niyang pinag-uusapan siya ng mga estudyante dahil nakasunod kahit saan ang mga bodyguard niya. Siguradong mapapansin sila kung naglalakad sila na kasunod si Salem. Kahit pa puro mayayaman ang mga tao sa Jumeirah Islands, wala pa rin sa mga iyon ang kasing yaman ng mga Qasim. Isa sa mga dahilan kung bakit nagbakasyon siya roon ay para makapagpahinga sa atensiyong pinupukol sa kaniya ng mga tao. The last thing he wanted while on vacation is to stand out.
"Okay lang. Isama natin si Salem," biglang sabi ni Alaina dahilan kaya pareho silang napatingin sa babae. Nakangiting bumaling pa ito sa bodyguard niya. "Aside from doing your job, you should also enjoy the scenery around you once in a while. Don't worry if anything happens, I will help you protect our boss." Itinaas pa ng babae ang mga braso na para bang pinapakita ang non-existent muscles nito.
Napatingin si Randall kay Salem at nahuli niyang kumibot ang gilid ng mga labi nito na para bang nais mapangiti. Umangat ang mga kilay niya sa pagkagulat dahil iyon ang unang beses na nakita niyang magkaroon ng reaksiyon ang bodyguard niya. Subalit bigla rin niyang narealize na hindi iyon nakakapagtaka. Kung siya nga ay hindi maiwasang maapektuhan ng personalidad ni Alaina, malamang ganoon din si Salem.
"Let's go," maawtoridad na sabi na lamang ni Randall. Bumalik ang tingin sa kaniya ni Alaina at matamis na ngumiti bago nagsimulang maglakad. Tahimik na umagapay siya sa babae habang si Salem naman ay nakasunod sa kanila.
Sa totoo lang hindi siya interesado sa leisure facilities ng Jumeirah Islands noon. Masyado na siyang maraming nakitang magaganda at mararangyang lugar para magka-interes doon. Subalit habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Alaina habang naglilibot sila, sa tuwing nakikita niyang kumikislap sa appreciation ang mga mata nito, hindi niya naiwasang pagmasdan din ang paligid. He began to see everything through her eyes. Unti-unti, ang boring na mga building, restaurants at café ay nagkaroon ng kakaibang kulay sa paningin ni Randall. Ang ilang mga taong nag-ja-jogging sa jogging and cycling tracks ay naging interesante. Ang hagikhikan ng mga bata sa malaking playground na para sa mga anak ng mga may-ari ng villa sa Jumeirah Islands ay hindi na nakakairita na gaya noong una siyang nagpunta roon noong kabubukas pa lamang niyon sa publiko.
Through Alaina's eyes, Randall felt as if everything seems simpler yet warmer. Kaya nang huminto sila sa isang ice cream café at makita niyang tila interesado ang babae ay hindi siya nakatiis. "Do you want that?" tanong niya na titig na titig pa rin sa mukha nito.
Napatingin sa kaniya si Alaina. "Oo. Pero dapat pati kayo kakain din." Natigilan siya at hindi nakasagot. Pinakatitigan siya ng babae. There is hope in her eyes. "Sige na," udyok pa nito.
Napabuntong hininga si Randall. "Fine," sagot na lang niya. Mapapangiwi na sana siya at pagagalitan ang sarili na napapayag siya nito ng ganoon lang. But then she smiled sweetly at him. Biglang nawala ang iritasyon niya na parang bula. He even thought he heard his invisible wall against other people breaking.
But just for now, he decided not to care
BINABASA MO ANG
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...