Part 53

10.9K 383 25
                                    

SA gabing iyon napanaginipan na naman ni Alaina na nasa ilalim siya ng tubig. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hawak na niya ang kamay nang isang lalaki. It feels like the continuation of her past dreams. Sa pagkakataong iyon din ay may awareness na siya kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Hinatak siya ng lalaki pataas at tila walang lakas ang katawan niyang sumunod lamang sa hatak na iyon. And then he hugged her underwater. In her dream, despite the feeling as if she was running out of breath, she felt relieved when she felt his body against hers. Na para bang ang kaalamang nasa mga bisig siya nito ay patunay na ligtas na siya. As if she was finally home...

Naalipungatan si Alaina sa mahina at tila maingat na pagbubukas ng pinto ng kaniyang silid. Nakatalikod siya sa direksiyon ng pinto pero sa inaantok niyang diwa ay alam niyang ang papa niya ang pumasok. Uminit ang mga mata niya ngunit nanatiling nakapikit nang lumundo ang kama. Kahit na nagalit sa kaniya ang papa niya kanina bago sila matulog ay hindi pa rin nito kinaligtaang puntahan siya.

Palagi kasing ginagawa iyon ng kaniyang ama sa nakaraang mga taon. Kapag akala nito tulog na siya ay pumapasok ito sa silid niya para lamang haplusin ang buhok niya at pagmasdan siya. Na para bang sinisiguro ng papa niya na naroon talaga siya. Now she knew why. Sa tagong bahagi ng puso ng kaniyang ama ay naroon pa rin ang pilat ng sugat na naidulot ng nangyari sa kaniya noon.

Ganoon din ba si Randall? Kahit hindi sinasabi sa kaniya ng binata, posible bang katulad ng papa niya palagi rin itong hindi mapakali kapag naalala nito ang nangyaring kidnapping? Sumikip ang dibdib niya at pinigilan ang mapahikbi nang makinita niya si Randall. She wanted to see him so bad it hurts.

Hinaplos ng papa niya ang buhok niya at narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Gusto ko lang na magkaroon ka ng simple pero masayang buhay. Bakit ba sa isang lalaking katulad niya nahulog ang loob mo?" bulong nito. "Kahit pa bigyan ko kayo ng permiso magkasama, hindi ko pa rin basta makakalimutan ang ginawa ng mga magulang niya sa atin habang fifty-fifty ka sa ospital. At kahit magkatuluyan kayong dalawa, hindi magiging madali para sa iyo ang buhay bilang isang Qasim. They are from a different world, Alaina," garalgal na patuloy ng papa niya.

Namasa ang mga mata ni Alaina at nahiling niya na sana ay hindi napansin ng ama ang luhang tumulo sa pisngi niya. Huminga ng malalim ang papa niya saka tumayo mula sa kama. Ilang sandaling nanatili lamang ito doon bago niya narinig ang palayong yabag nito at ang pagbukas sara ng pinto ng kaniyang silid.

Iminulat niya ang mga mata at napahikbi. Pinalis niya ang luha sa pisngi niya at kumilos patihaya sa kama upang tumitig sa kisame. Pagkatapos ay napakurap siya nang mapagtanto na medyo maliwanag na sa silid niya. Agad na napalingon siya sa bedside table upang tingnan ang oras. Mas a-alas singko na ng umaga. Normal na gising niya. Pagkatapos ay nakuha ang atensiyon niya nang kung anong nakapatong sa lamesa na katabi ng cellphone niya at siguradong wala roon bago siya matulog. Tuluyang nagising ang diwa ni Alaina at napabangon. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang kuwintas iyon... na may singsing na pendant.

Halos mabingi siya sa malakas na pintig ng pulso niya habang inaabot ang singsing. Nang sandaling madama niya sa mga daliri niya ang singsing ay parang may kumalat na init sa buong katawan niya. Ang ulo ni Alaina ay parang lumaki at bumigat dahilan kaya siya naliyo. Subalit hindi niya inalis ang tingin sa singsing. Suddenly, bits of scenes flashed through her mind. Katulad noong nasa beach sila ng Royal Resort nang una niyang makita ang singsing sa leeg ni Randall. Subalit sa pagkakataong iyon ay mas malinaw na ang mga eksena.

"Promise me we'll keep in touch. I will wait for you. No matter how many years it takes. So wait for me, okay?"

"I promise."

Malinaw niyang naaalala ang sandaling inilagay ni Randall ang kuwintas sa leeg niya walong taon ang nakalilipas. Ang masuyong tinging ipinukol nito sa kaniya, ang mga pangakong sinabi nila sa isa't isa at matamis na halik, and the hope that someday, in the near future, they can have their happy ending.

Pagkatapos ay bumalik sa alaala niya ang sumunod na nangyari. Ang kidnapping hanggang sa ekspresyon sa mukha ni Randall nang huli niya itong nakita bago siya bumagsak sa tubig. The look of fear and pain in his eyes as he saw her fall, as he saw their happy and dreamy date turn into a nightmare.

Napahikbi si Alaina at napagtantong basa na ng luha ang mga pisngi niya. "Randall," umiiyak na usal niya at kinipkip sa dibdib ang singsing. Hindi pa niya naalala lahat, paputol-putol pa ang mga eksena, subalit kahit papaano ay bumabalik na sa isip niya ang ilang bahagi ng nakaraang akala niya ay hindi na niya maaalala. At habang tumatagal, patindi ng patindi ang pagnanais niyang makita si Randall, ang mayakap ang binata ang ipaalam dito na mahal na mahal niya ito.

Sa naisip ay tuluyan siyang bumangon at nagdesisyong puntahan si Randall. Alam niya hindi pa sumisikat ang araw pero wala na siyang pakielam. Gusto niyang makita ang binata. Saka na niya iisipin ang disgusto ng mga magulang nila sa relasyon nila. Masyado na silang maraming taong nasayang. Ayaw na niyang tumagal pa iyon.

Mabilis na nakapagbihis si Alaina. Hinablot niya ang wallet, cellphone at higit sa lahat ay isinuot niya ang kuwintas na may pendant na singsing na simbolo ng pangako nila ni Randall sa isa't isa. Pagkatapos ay halos tinakbo na niya palabas ang kaniyang silid. Binubuksan pa lang niya ang pinto ng front door nila ay tumunog na ang cellphone niya. Napahinto siya at may bumikig sa lalamunan niya nang makita na si Randall ang tumatawag sa kaniya. Agad na sinagot niya ang tawag.

"Alaina," usal ng binata sa pangalan niya bago pa siya makapagsalita.

Namasa na naman ang mga mata niya. "Randall."

"Alaina."

Bigla may kumislap na alaala sa isip niya. Once, years ago, in a different time, in a different place, he called her name again and again, and it sounded like a confession of love to her ears. Ganoon din ang tono ni Randall sa mga sandaling iyon.

"I want to see you," bulong niya.

Narinig niya ang paghinga ng malalim ng binata sa kabilang linya. Pagkatapos ay may narinig siyang tila tunog ng sasakyan... sa labas ng bahay nila. "I'm outside your house," sabi ni Randall.

Muntik na mabitawan ni Alaina ang cellphone at marahas na binuksan ang pinto. May init na lumukob sa puso niya nang makita si Randall na bumaba ng taxi at katulad niya ay mukhang nagmadaling nagbihis para umalis at makita siya. Nag-init ang mga mata niya at tumakbo palapit sa binata. And then he did the same. Randall ran towards her as if they haven't met in years. And maybe it was true. Para kay Alaina na unti-unti pa lamang bumabalik ang mga alaala, iyon ang unang beses na lulundag siya sa mga bisig ng binata na buo. Hindi lang ang kasalukuyang siya, kung hindi maging ang batang Alaina na naranasan ang tamis ng unang pag-ibig sa piling ni Randall.

At nang tuluyan silang magyakap, nang maisubsob niya ang mukha sa malapad na dibdib ng binata, bumalik sa isip niya ang napanaginipan niya bago siya nagising kanina. The feeling of relief, the feeling that everything is going to be okay, and most of all, the feeling that at last, she was home.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon