TORTURE. Iyon lang ang isang salitang naiisip ni Alaina habang nag-iikot sila sa mga clothing boutique sa leisure facilities ng Jumeirah Islands. Walang pakundangan mamili si Diana at wala pang tatlumpung minuto ay halos hindi na niya alam kung paano niya bibitbitin ang mga paperbags ng pinamili nito. Bukod doon ay palagi pa nitong hatak sa braso si Randall at walang pakielam kahit madilim ang anyo ng lalaki.
Tanghalian na nang sa wakas ay mag-break sa pamimili si Diana. Nagtungo sila sa isang restaurant at pumuwesto si Alaina sa tabi nina Salem at Abdul. Inilapag niya ang mga pinamili at sumulyap kina Diana at Randall na nasa pandalawahang lamesa. Matapos umorder ng pagkain ang dalawa ay tumayo si Diana at naglakad patungo sa direksiyon ng banyo. Sumunod na tumayo si Randall. Sumikdo ang puso ni Alaina nang biglang humarap sa direksiyon nila ang lalaki. He walked towards them with purpose and determination. Huminto ito sa harap nila at may sinabi kina Salem sa lengguwahe ng mga bodyguard nito bago siya niyuko at nagsalita, "Let's go."
Nanlaki ang mga mata ni Alaina nang gagapin ni Randall ang kamay niya at hinatak siya palabas ng restaurant. "Anong ginagawa mo?" manghang bulong niya sa lalaki nang nasa labas na sila ng kainan.
"Getting away from her," sabi ni Randall na hindi binagalan ang paglalakad palayo sa kainan.
Umawang ang mga labi ni Alaina at napatitig sa mukha ng lalaki. "Pero hindi ba siya magagalit na bigla tayong nawala?"
Sumulyap sa kaniya si Randall. Kumabog ang dibdib niya nang makita kung gaano ka-seryoso ang ekspresyon sa mukha nito. "Right now, I don't care what she might think. I have been tolerating her for two weeks already. I have enough. Malapit na matapos ang bakasyon. I would rather spend time with the girl I love."
Nag-init ang mga mata ni Alaina. Gusto rin niyang makasama si Randall ng mas matagal. Kahit pa iyon na ang huling beses na magkakaroon sila ng pagkakataong makapagsolo bago matapos ang bakasyon. Sigurado mapapagalitan na naman siya ng kaniyang ama at ni Ma'am Yolly kapag nakarating sa dalawa na magkasama na naman sila ni Randall ng ganoon. But at that moment, Alaina threw caution to the wind.
Pinisil niya ang kamay ni Randall bago humakbang hanggang magkaagapay na silang dalawa. Kumapit siya sa braso nito at himilig sa katawan nito. "Baka ito na ang huling beses na magkakasama tayo ng ganito bago kami umalis ni papa," usal niya.
Huminga ng malalim si Randall at gumanti ng pisil sa kamay niya. "Kung hindi pa aalis ang babaeng iyon, tama ka. Kung hindi lang siya anak ng importanteng business partner I will never tolerate her."
Humigpit ang kapit niya sa braso nito nang maalala ang mga usap-usapan sa mansiyon. "Ang sabi nila fiancée mo raw siya."
Natensiyon si Randall at napahinto sa paglalakad. Huminto rin si Alaina at tiningala ang mukha nito. Seryosong sinalubong nito ng tingin ang mga mata niya. "Totoo na iyon ang plano ng mga magulang ko. But I will not let that happen. Believe in me, okay?"
Bahagyang ngumiti si Alaina at tumango. "Nagdesisyon ako na hindi maniniwala sa kahit anong maririnig ko maliban na lang kung sa iyo nanggaling mismo."
Gumanti ng ngiti si Randall at hinawi ang buhok niyang tumabing sa pisngi niya. Pagkatapos ay inakbayan siya nito. "Let's walk around the Islands. Although bukod sa leisure area wala ng magandang makikita sa lugar na ito."
Nakangiting iniyakap niya ang braso sa baywang nito. "Okay lang sa akin maglakad-lakad. Ang mahalaga kasama kita."
Humigpit ang braso ni Randall sa mga balikat niya at mabilis siya nitong hinalikan sa noo bago sila nagsimulang maglakad. Matagal na tahimik lamang silang dalawa. But their silence is comforting.
"I'm sorry for being powerless," biglang basag ni Randall sa katahimikan.
Gulat na napatingin siya sa mukha nito. May mapait na kislap sa mga mata ng lalaki. "Bakit ka humihingi ng tawad? Walang dahilan para gawin mo iyan," malumanay na sagot ni Alaina.
Humigpit ang pagkakaakbay nito sa kaniya. "Because we can't be together freely like a normal couple. Dahil marami ang hindi sang-ayon. Ang sabi ng lahat nasa akin na ang lahat, that I'm mature for my age and I can even handle paperworks for the company. But I can't even do anything so that the people around us can accept us. I can't even tell my parents about you yet because I am powerless compared to them. I have been arrogant and prideful all my life. I look down on other people because I believe I'm greater than anyone else. I'm a genius and one of the wealthiest people in the world."
Huminto sa paglalakad si Randall at humarap sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga mata. Hinaplos nito ang pisngi ni Alaina at nag-init ang kaniyang mga mata nang makita ang frustration at vulnerability sa mga mata ng lalaki na noon lang niya nakita. "Yet I can't even go out with you freely. I can't make you happy the way I want to. How pathetic is that?"
Namasa ang mga mata niya at umiling. Ikinulong niya sa dalawang kamay ang mukha nito. "It's okay. Alam ko hindi palaging magiging ganito ang sitwasyon natin. We are young. There's plenty of time ahead for us. Hindi ko alam kung paano pero gusto kong maniwala na darating ang araw na masasabi natin sa lahat ang tungkol sa atin na walang magagalit." Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito. "Don't stress yourself out, okay? I love you. At kahit marami ang nagsasabi na hindi sapat ang pagmamahal para magkasama ang dalawang tao, gusto kong maniwala na magkakatotoo iyon sa ating dalawa. We might be young, pero gusto kong patunayan sa lahat na ang nararamdaman natin para sa isa't isa ay totoo."
Hinawakan ni Randall ang mga kamay niya at hinalikan ang mga palad niya. Pakiramdam ni Alaina umabot sa puso niya ang init ng mga labi nito. "Just wait. I will grow up to become a man capable of protecting you. I will turn into a powerful man that even my parents cannot say anything against me and my decisions. Papatunayan ko ang sarili ko sa kanilang lahat. Sisiguruhin ko na tatanggapin nila ang mga desisyon ko. I will make them accept us."
Tumulo ang mga luha ni Alaina. Tumango siya at nilunok ang bikig sa lalamunan niya. "Kung ganoon pag-iigihan ko rin. I will grow up into a woman worthy to be by your side. Hindi ko man kaya maging glamorosa na gaya ng maraming Diana na darating sa buhay mo, but I will grow up into a woman that will be ready to be with you through thick and thin. Mahina pa ako ngayon at hindi ko pa kayang manindigan laban sa mga mas matanda sa akin, pero hintayin mo lang Randall. I will be stronger."
Ngumiti ang lalaki at niyakap siya nang mahigpit. "Okay. That's a promise."
Gumanti siya ng yakap at nakangiti ring isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Maya-maya pa ay naglakad na silang muli. Paminsan-minsan ay nag-uusap subalit mas madalas na may komportableng katahimikan ang namamagitan sa kanila. Hanggang namalayan na lamang ni Alaina na malapit na sila sa mansiyon ng mga Qasim. Sabay pa silang napahinga ng malalim ni Randall at bantulot na kumalas sa mga bisig ng isa't isa. Kagat ang ibabang labi na humakbang palayo si Alaina sa lalaki. "Mauna ka na maglakad, susunod ako," mahinang usal niya.
Humugot ng malalim na paghinga si Randall. "No. Let's go together. Come on." Bahagya pa nitong inilapat ang kamay sa likod niya at maingat siyang itinulak upang maglakad. Hindi na lang siya nagreklamo at umagapay sa paglalakad nito.
Pagpasok nila sa gate ay natanaw kaagad nila ang limousine na iniwan ni Randall sa leisure area upang ipagamit kay Diana. At ang babae ay nakatayo sa tabi ng nakahintong sasakyan at nakapamaywang na nakatingin sa direksiyon nila. Matalim ang tingin ni Diana sa kanila. Nilukob si Alaina ng masamang kutob nang mabilis na lumapit sa kanila ang babae. Bago pa may makahuma sa kanila ni Randall ay nasa harap na niya ang babae at umigkas ang kamay at malutong siyang sinampal.
BINABASA MO ANG
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...