"HOW did she know that I'm here?" tiim ang mga bagang na tanong ni Randall kay Salem nang makarating sila sa hotel kung saan siya tumutuloy. Kanina habang nasa bahay sila ni Alaina ay tumawag ang assistant niyang si Doug sa business line niya na hawak ni Salem para sabihing papunta sa Pilipinas ang mama niya.
"Looks like she came to Abu Dhabi earlier than your father who is still in the US and she found out that you're not there," sagot ni Salem.
Marahas na napabuga ng hangin si Randall nang makarating siya sa hotel suite niya. Kilala niya ang mama niya. Malamang nag-alburoto ang may-edad na babae at dinakdakan ang mga empleyado niya hanggang may umamin kung nasaan siya. "She must not know where to find Alaina. I don't want them to meet yet." Dahil siguradong hindi rin natatandaan ng dalaga ang tungkol sa mga magulang niya. Lalo lamang magiging komplikado ang sitwasyon sa pagsulpot ng mama niya.
"She will arrive tomorrow. Your assistant said she took the private jet."
Tumiim na naman ang mga bagang niya. "We have no other choice. We must go to the airport tomorrow," pasukong bulalas na lamang ni Randall.
"Yes, master."
Napabuntong hininga siya at mariing napapikit. Alam niya na hindi gusto ng mama niya si Alaina dahil sinisisi nito ang dalaga sa kidnapping na kinasangkutan nila walong taon ang nakararaan. Subalit gagawin niya ang lahat upang matanggap ng mga magulang niya si Alaina. Dahil wala siyang ibang babaeng gustong makasama kung hindi ang dalaga.
ILANG araw nga ang matuling lumipas na hindi dumarating si Randall sa restaurant. Ultimo bulaklak na dati ay naabutan ni Alaina tuwing umaga ay walang dumarating. Hindi na lang siya ang nagtataka sa biglang pagkawala ng binata. Maging ang staff at mga regular customer nila ay hinahanap si Randall. Si Lilian at Lucas ay tinatanong siya kung ano ang nangyari. Sinabi na lang ni Alaina na may kailangan asikasuhin si Randall kaya magiging abala ang binata sa mga darating pang mga araw.
Isa pa ay tinatawagan naman siya ng binata sa gabi. Kahit pa sandali lang sila nakakapag-usap dahil sa tuwina ay may kailangan din itong gawin kahit gabi ay ayos lang kay Alaina. Masaya na siya na naririnig ang boses ni Randall. Minsan naitanong niya kung bakit hindi na ito nagpapadala ng bulaklak. Ang sagot lang ng binata ay, "I don't want your address to get found out." Bago pa niya maitanong kung ano ang ibig sabihin niyon ay nagpaalam na si Randall at tinapos ang tawag.
Nahirapan makatulog si Alaina sa gabing iyon sa kakaisip kung ano ang kahulugan ng sinabi nito. At nang sa wakas ay gupuin siya ng antok ay napanaginipan na naman niya na nasa ilalim siya ng tubig. Nakita na naman niya ang kamay na tila inaabot siya mula sa ibabaw ng tubig. At tulad ng mga nakaraang panaginip niya ay pilit niyang inaabot ang kamay na iyon. Sa pagkakataong iyon ay nahawakan niya ang kamay na iyon. And it felt familiar.
NAPADILAT si Alaina bago pa tumunog ang alarm clock niya na naka-set ng alas singko ng umaga. Katulad ng dati ay hindi muna siya bumangon agad dahil tila nararamdaman pa rin niya ang hampas ng tubig sa katawan niya. At ang pakiramdam ng pamilyar na kamay na iyon. That hand was smaller and more slender but she knew it was Randall's hand.
Napabangon siya at biglang nalinawan. Hindi lamang simbolo na katulad ng sinasabi ni Lilian ang mga panaginip niya. Sigurado si Alaina na may kinalaman sa mga nawawala niyang alaala ang panaginip na iyon. Tubig... Posible kayang hindi car accident ang kinasangkutan ko kung hindi may kinalaman sa tubig? Lumipad ang kamay niya sa itaas ng dibdib niya kung saan ngayon ay alam na niyang dapat ay may singsing na pendant.
Kumuyom ang kamay ni Alaina. Gusto niyang maalala ang lahat. Habang palalim ng palalim ang nararamdaman niya para kay Randall ay patindi ng patindi ang pagnanais niyang malaman ang nakaraan nila. Mariin siyang pumikit. "Bakit ba hindi ko maalala?" frustrated na nausal niya. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakapikit bago huminga ng malalim at tuluyang bumangon sa kama. Nahiling niya na sana makita na niyang muli si Randall. Baka sakaling kapag nagtanong siya ay sasagutin na siya ng binata. Baka sakaling kapag nakita niyang muli ang mukha nito ay may maalala na siya.
HINDI pa rin nagpakita si Randall sa restaurant nila ng araw na iyon. Dinukot na ni Alaina ang cellphone niya para siya na ang kusang tumawag sa binata nang biglang bumukas ang pinto ng opisina nila at humahangos na pumasok si Lilian at mukhang galit. "Ano nga ang ginagawa ng Randall na iyon kaya hindi siya nagpapakita sa iyo?" malakas na tanong nito na malamang rinig hanggang sa labas.
Gulat na napamaang si Alaina sa kaibigan niya. "Anong nangyayari sa iyo?" manghang bulalas niya.
"Nag-aaway ba kayo?" humahangos naman na sabi ni Lucas na mukhang tumakbo papasok sa opisina nila.
Ni hindi nilingon ni Lilian ang lalaki at lumapit kay Alaina. Hinarap ng babae ang screen ng Ipad nito sa mukha niya. "Ito ang ginagawa ng Randall na iyon sa nakaraang mga araw."
Napatitig siya sa larawang nasa screen at pakiramdam ni Alaina huminto sa pagtibok ang puso niya. Si Randall iyon at may nakaabristeng babae na blonde at mukhang Hollywood actress. Sa nanginginig na mga kamay ay inabot niya ang Ipad at binasa ang headline na kalakip ng larawang iyon. Randall Qasim, heir of Qasim Oil Company visits his mother's home country with his fiancée, European heiress Diana Medici.
"May fiancée siya! Ang kapal ng mukha niyang akitin ka kahit na ikakasal na siya," galit pa ring bulalas ni Lilian.
"Ano?" lukot na rin ang mukha na bulalas ni Lucas at lumapit sa kanila. Kinuha nito mula sa kaniya ang Ipad at binasa ang artikulo. Pagkatapos ay marahas na napamura.
Napahugot ng malalim na paghinga si Alaina at unti-unti na nakakabawi sa pagkabigla. "Sandali lang. Hindi pa tayo sigurado kung totoo ang nakasulat diyan," sabi niya.
Nanlalaki ang mga matang tiningnan siya ng mga kaibigan niya. Napangiwi si Alaina dahil parang gusto siyang yugyugin ng dalawa. "Anong hindi totoo? Reliable source ang news website na ito, Alaina," gigil na bulalas ni Lilian.
"At kung hindi ito totoo bakit hindi nagpapakita sa iyo ang lalaking iyon nitong mga nakaraang araw aber? Hindi na rin siya nagpapadala ng bulaklak sa iyo hindi ba? Kung talagang niloloko ka lang niya hindi namin iyon palalampasin," sabi naman ni Lucas.
Nakagat niya ang ibabang labi. Ipokrita siya kung sasabihin niya na hindi siya naapektuhan ng larawang iyon ni Randall. Katunayan ay may kumukutkot na selos sa puso niya para sa babaeng nakakapit sa braso ng binata. Pero bumabalik sa isip ni Alaina ang huling gabing nagkita sila. Noong niyakap siya nito at sinabi sa kaniya na poprotektahan siya nito. That she must not give up on him. Huminga siya ng malalim at sinalubong ang tingin ng mga kaibigan niya. "Gusto kong magtiwala kay Randall. Hindi ako maniniwala sa kahit anong mababasa ko hangga't hindi ko naririnig sa kaniya ang katotohanan," determinadong sabi ni Alaina.
Pinanlakihan siya ng mga mata nina Lilian at Lucas. "Kung ganoon puntahan natin siya at tanungin ng direkta. Alam mo naman siguro kung saang hotel siya tumutuloy hindi ba?" sabi ni Lilian.
Natigilan siya. "Alam ko pero hindi ba nakakahiya naman sumugod doon bigla?" kunot noong bulalas ni Alaina.
"Oo nga, Lilian. I think that's too much," sabi rin ni Lucas.
Namaywang si Lilian. "Mapapanatag ka ba habang hindi kayo nagkikita tapos may kasama siyang ibang babae na hindi mo alam kung fiancee niya o hindi? Makakatulog ka ba ng maayos? Kung wala siyang ginagawang masama matutuwa pa siya kapag binisita mo siya sa hotel," katwiran ng babae.
Hindi nakahuma si Alaina dahil may punto naman ang kaibigan niya. Pagkatapos ay napabuga siya ng hangin. "Fine. Pumunta tayo pero tatawagan ko muna siya, okay?"
"Huwag na. Tara na," sabi ni Lilian at hinatak pa siya sa braso.
Nanlaki ang mga mata niya. "Ngayon na?"
"Oo. Baka magbago pa ang isip mo. Ikaw na muna ang bahala dito Lucas." Mukhang magrereklamo pa ang lalaki pero nahatak na siya ni Lilian palabas ng opisina at palabas sa backdoor.
BINABASA MO ANG
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...