Hindi iyon ang unang beses na magtutungo si Randall sa Pilipinas. Nagtungo na siya roon ilang buwan ang nakararaan upang hanapin si Alaina. Kinailangan pa niyang kausapin si David Gosingtian, isang mayamang hotelier sa Pilipinas at acquaintance ng papa niya. Nagkunwari siya na gusto niyang magbakasyon at inalok nito ang isa sa mga resorts ng pamilya nito sa kaniya. Bago siya magtungo sa resort nito ay hinalughog muna nila ni Salem ang siyudad para hanapin si Alaina. Kumuha pa sila ng imbestigador at habang hinihintay ang resulta ng pagpapahanap niya sa dalaga ay nilibot naman nila ni Salem kasama ang isang Pilipino na bodyguard na ibinigay sa kaniya ng Embassy ang mga kainan at kung anu-ano pang lugar sa pagbabakasakaling may nakakakilala kay Alaina.
Sa kasamaang palad ay wala siyang napala sa mga babaeng nagsabing kilala raw ng mga ito ang dalaga. Palaging sinasabi ng mga ito na sasabihin nila kung nasaan si Alaina kung isasama niya ang mga ito sa hotel niya para mas pribado raw ang maging pag-uusap nila. Subalit palagi ay iba pala ang nais ng mga babaeng iyon at talagang hindi kilala si Alaina. So he always sends them away. Hanggang magdesisyon siyang magtungo na lang sa resort ni David Gosingtian habang hinihintay ang balita ng embestigador na binayaran niya.
Bago pa niya malaman ang kinaroroonan ni Alaina ay nalaman na ng papa niya na hinahanap niya sa Pilipinas ang dalaga. Inaasahan na niya iyon kaya hindi na siya nagulat nang biglang sumulpot ang mga tauhan ng papa niya sa Pilipinas upang guluhin siya. Iyon lang, may nadamay pang inosenteng babae na napagkamalan ng mga itong si Alaina at binalak kidnapin upang ipanakot diumano sa kaniya. Randall was so angry he flew back to Saudi Arabia and confronted his father. Hindi man lang nagpakita kahit katiting na guilt si Abel Qasim sa ginawa nito.
"I want you to stop your madness. You will never see someone who's obviously hiding from you. You never know, maybe she's even married now and had already forgotten about you. Just focus on your work. And if you really needed a woman, Diana Medici is still available because she still likes you."
Iyon ang sinabi ng papa niya. May confidence sa boses nito na nagpabalong ng pagrerebelde sa dibdib ni Randall. "The next time you do something like this, you will regret it, father."
Umangat ang mga kilay ni Abel na tila hindi naniniwala sa kaniya. "You know how to threat me now?"
"I am not threatening you. I am stating a fact. I will find Alaina. And when I do, no one can stop me from being with her. Even if I have to cut my ties with you."
Halatang nagulat ang papa niya. "You will throw the Oil Empire you will inherit from me just to be with a girl? You don't even know if still thinking about you!"
"I will," walang pagdadalawang isip na sagot ni Randall.
At dahil alam niyang walang mangyayari kahit makipagtalo siya sa ama ay umalis na lang siya. Kahit anong mangyari ay hindi siya nito mapipigilang makita si Alaina. Kaya nang makatanggap siya ng international call mula kay Adrian, ang tumayong bodyguard niya sa Pilipinas na isa palang NBI agent, at sinabi sa kaniyang nakita na nito kung nasaan ang babaeng hinahanap niya, ay inasikaso kaagad ni Randall ang lahat ng kailangan niyang asikasuhin para makabalik sa Pilipinas ng walang aberya.
Ngayon ay sigurado na si Randall na makikita na niya si Alaina. And when he does find her, he promised he will never let her go again.
KINABUKASAN ng hapon ay nasa NAIA na sina Randall at Salem. Hindi katulad noong unang beses na nagpunta siya roon ay tumanggi siya nang sabihin ng Ambassador nila roon na salubungin siya. Hindi rin siya balbas sarado na gaya noong una para lalong magmukhang intimidating. Dahil ngayon ay nagpunta siya roon bilang siya at hindi bilang nag-iisang tagapagmana ng isang multi-billion Oil Magnate. Wala siyang balak gamitin ang pangalan ng kaniyang ama ngayon. Isa pa, may kakilala na siya ngayon sa Pilipinas na hindi related kay Abel Qasim.
"There are already here, Master Randall," bulong sa kaniya ni Salem at iminuwestra ng mga mata ang isang direksiyon ng arrival area. Sinundan niya ng tingin ang itinuro ng bodyguard niya. Nakita niya si Adrian na nakangiti at bahagyang tumango sa kaniya bilang pagbati. Sa tabi ng lalaki ay ang isang magandang babae na matamis na nakangiti at kumakaway pa sa kaniya. Nakahinga ng maluwag si Randall na makitang mukhang malusog at masaya ang babae. Hindi katulad noong umalis sila ni Salem na wala itong malay dahil sa kagagawan ng mga tauhan ng papa niya.
Lumapit sila da pareha at hinayaan ni Randall ang sariling ngumiti ng kaunti habang nakatingin sa babae. "Celine. I am glad you are healthy and well. I apologize for what happened to you because of me."
Umiling si Celine at nakangiti pa ring tumingala sa kaniya. "Okay lang. Ligtas naman ako. And you helped Adrian in protecting me right? Thank you." Pagkatapos ay pinakatitigan siya nito at ngumisi. "You look more handsome kapag hindi ka balbas sarado. Kung ganoon tama ang sinabi ni Adrian na pupuntahan mo na ngayon ang babaeng matagal mo na hinahanap? Ang dahilan kung bakit ka nagpunta ng Pilipinas?"
Napatingin siya kay Adrian na nakangiti namang inilahad ang isang brown envelope sa kaniya. "Here's my report about the woman named Alaina Argel. I even inserted a map on how to go to her address. But if you want I can take you there myself."
Inabot ni Randall ang brown envelope. "No need. Salem and I can go there. Thank you for your help."
Ngumisi si Adrian. "That's just payback. If I didn't act like your bodyguard months before I will never meet my future wife," sagot nito na umakbay pa kay Celine.
Umangat ang gilid ng mga labi ni Randall at muling sumulyap kay Celine na matamis namang nakangiti. "Congratulations then."
"Thank you. Ikaw din. Go get your girl," pabirong sabi pa ni Celine.
Bahagyang lumawak ang ngiti ni Randall. "I will."
BINABASA MO ANG
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...