ANG unang naramdaman ni Alaina nang unti-unti siyang magkamalay ay ang matinding kirot at pangangapal ng isang bahagi ng mukha niya at ang sakit ng mga braso niyang nakatali sa likuran niya. Kasunod niyon ay naging aware siya sa malayong tinig ng mga lalaki sa lengguwaheng hindi niya maintindihan at ang pagugoy ng kung nasaan man siya. Hirap na iminulat niya ang mga mata at kadiliman lamang ang nakita niya. Mahina siyang napaungol.
"Alaina, are you awake?" bulong ng pamilyar na tinig ni Randall.
Tuluyang nagising ang diwa ni Alaina at iginala ang tingin sa masikip na silid kung nasaan siya. Pilit siyang bumangon na mahirap gawin dahil nakagapos pala pati ang mga binti niya. "Randall?" tawag niya rito sa pabulong ring tinig. Napaigik siya nang sa wakas ay makabangon siya paupo at napasandal sa pamilyar na bulto ng katawan ni Randall na noon lang niya napagtantong nakasandal paupo sa kahoy na pader sa tabi niya. Tumingala siya at sa kabila ng dilim ay nakita niya ang mukha nito. Napahikbi si Alaina dahil namamaga at puno ng sugat ang mukha ng binata. "Oh, Randall," umiiyak na usal niya. Ni hindi niya ito magawang hawakan at yakapin dahil nakagapos ang mga braso niya at mukhang ganoon din ang lalaki.
"Shh, I'm okay. Huwag ka mag-alala," alo nito sa kaniya. Pinaglapat pa nito ang mga noo nila at kahit papaano nakaramdam siya ng comfort nang maramdaman niya ang init nito.
"S-sino ba sila? Ano ba ang nangyayari?" garalgal na tanong ni Alaina.
Tumiim ang mga bagang ni Randall at mariing pumikit. "Kidnappers. Mukhang matagal na nila akong tinatarget at natunungan nila nang magpunta ako sa Dubai. I didn't use our family's private jet at sumakay ako sa normal na eroplano kaya mula sa airport ay minamatyagan na nila ako. At least, iyon ang pinagyayabang nila sa akin kanina habang binubugbog nila ako. It was my fault for not noticing. Kasalanan ko na hindi ako nag-ingat. At ngayon nadamay ka pa. I will never forgive myself if something happens to you," garalgal din ang tinig ng binata at puno ng pagsisisi. "They are not small scale kidnappers, Alaina. Kanina nang dalhin nila tayo sa bangkang ito, nakita ko na lampas isang dosena sila at may mga matataas na kalibre ng baril. We have to get out of here. We are on a boat so all we have to do is get to the upper level, jump to the ocean and swim away from them."
Kumabog ang dibdib ni Alaina sa kaba at parang gusto na namang maiyak sa takot subalit pinigilan niya ang sarili. Hindi siya puwedeng maging mahina dahil kung hindi buhay nila ni Randall ang maaaring maging kapalit niyon. Kahit pa nanlalambot ang mga tuhod niya. "Pero paano tayo makakalabas ng silid na ito?"
"I'm still thinking. Ang una kong naisip ay hintayin na lamang na ma-rescue tayo because they made the mistake of leaving Salem behind. I'm sure he and my father's men can easily find us. Pero pagkatapos kong marinig ang mga pinag-uusapan nila kanina habang nagkukunwari akong walang malay, I know we have to get out of here as fast as we can."
"Anong pinag-uusapan nila?"
Tumiim ang mga bagang ni Randall. His face became grim. Lalo lang tuloy tumindi ang takot ni Alaina. Bago pa makapagsalita ang lalaki ay bigla na bumukas ang pinto ng maliit na lugar na iyon. Sabay silang napatingin sa pinto at naningkit ang mga mata niya sa pagkasilaw sa liwanag na mula sa labas. Ang lalaking mukhang ang lider ng grupo ang nagbukas ng pinto.
"Ah, you two are awake. Good. You have wasted too much of our time sleeping. We are going to call your billionaire father for your ransom that we should have done six hours before if you were only awake. For sure he will want to hear your voice," matigas na ingles ng kidnapper na ngumisi pa. Pagkatapos ay tumingin sa kaniya at naging malaswa ang kislap ng mga mata. Kinilabutan si Alaina at napasiksik kay Randall. "But you, you don't have any monetary value. But we can use you for something else."
Iniharang ni Randall ang katawan sa harap niya at matalim na tiningnan ang kidnapper. "My father will pay for her so don't you dare touch her," asik nito.
Tumawa ang kidnapper. "Don't be arrogant. You don't even know if you will get out of here alive, boy. We can ask for money and kill you if we want to."
Nanginig sa takot si Alaina at lalo pang isiniksik ang sarili kay Randall upang tahimik itong pigilan. Baka mapikon ang kidnapper at saktan na naman nito ang lalaki. Halos marinig niya ang pagngangalit ng mga ngipin ni Randall. Lalong lumakas ang tawa ng kidnapper at muling isinara ang pinto. "A-anong gagawin natin?" usal niya.
"Tulungan mo akong tanggalin ang pagkakatali ng mga kamay ko. Kahit na ikaw lang ang mapatakas ko gagawin ko. They plan to sell you, Alaina. Worst, they might rape you if you stay here. Ako hindi nila ako papatayin hangga't hindi sila nakakapagdemand ng ransom. We have to get out before they call my father," mahina ngunit determinadong bulong ni Randall.
Tumalikod si Alaina kay Randall at inabot ng nakatali niyang mga kamay ang tali naman na nakagapos sa binata. "Sabay tayong tatakas dito. Hindi kita iiwan sa kamay ng mga kriminal na iyon," determinado ring bulong niya.
"Don't argue with me, Alaina. Maililigtas ako nina Salem. I just need time. Sigurado ako na parating na sila."
"Na hindi ka magkakaroon kapag nalaman nila na tumakas ako. Hindi ako papayag na iwan ka rito," giit niya.
Napabuga ng hangin si Randall. "Fine. We will manage somehow," suko nito.
Napahugot ng malalim na paghinga si Alaina at unti-unting bumabalik ang lakas niya dahil nagkaroon siya ng purpose. Itinutok niya ang buong atensiyon niya sa pagkalag sa taling nakagapos sa mga kamay ni Randall.
"I'm sorry I got you involved," usal nito pagkalipas ng maraming minuto.
Marahas na napailing si Alaina kahit hindi siya nito nakikita. Nag-init na naman ang mga mata niya sa kinahantungan nilang dalawa. "No, It's my fault. Dahil pinuntahan mo ako kaya ito nangyari. Tapos ang totoo, napansin ko na ang dalawa sa kanila noong nasa Miracle Garden tayo pero binalewala ko dahil akala ko napa-paranoid lang ako. Kung sinabi ko kaagad sa inyo hindi sana ito nangyari. Kahit pa alam ko na naranasan mo na ito dati. Kahit pa ayokong mangyari uli sa iyo ito. Kaya ako ang dapat nag-so-sorry sa iyo."
Napabuga siya ng hangin at bahagyang nawala ang bikig sa lalamunan niya nang sa wakas maluwagan na niya ang tali sa mga kamay nito. "Natanggal ko na," pabulong na bulalas niya.
Nagawa nang igalaw ni Randall ang mga kamay at mabilis na humarap sa kaniya upang tanggalin naman ang pagkakagapos ng mga kamay niya. "This is not your fault. Always remember that. And I want you to stay as close to me as possible. Huwag kang aalis sa likuran ko kahit na matanggal na ang mga gapos natin," bulong nito.
Tumango si Alaina at bahagyang nakahinga ng maluwag nang maramdamang lumuwag ang pagkakatali ng mga braso niya. Sunod na kinalas ni Randall ang pagkakatali ng mga binti nito at ganoon din ang ginawa niya sa nakagapos niyang mga binti. Nang pareho na silang malaya ay muling humarap sa kaniya ang binata at ikinulong ng mga palad ang mukha niya. Mariin siya nitong hinalikan sa mga labi at tumulo ang mga luha niya sa halo-halong emosyon. Yumakap siya rito at impit na napahikbi. "Randall."
BINABASA MO ANG
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...