Part 15

10.2K 331 16
                                    

SOMETHING is not right. Iyon ang napagtanto ni Randall nang ilang magkakasunod na umaga na hindi dumating sa staircase si Alaina na gaya ng dati. Mula nang una silang magkita roon ay walang umaga na hindi sumipot ang babae.

Noong unang umaga na naghintay siya sa staircase at hindi dumating si Alaina, naisip niya na baka hindi lang ito nagising ng maaga. Subalit nang mga sumunod na umaga at hindi pa rin dumating ang babae ay nasiguro na ni Randall na hindi mababaw ang dahilan kung bakit hindi ito dumating. At nang umagang iyon, nang dumating uli siya sa staircase at wala pa rin ang babae ay nakaramdam na siya ng labis na frustration. Marahas na umupo siya sa baitang at sinuklay ng mga kamay ang buhok niya.

Umiiwas sa kaniya si Alaina. Iyon ang sigurado niya. Dahil ba hinalikan niya ang babae? Was it too early and too much for her? Pinigilan pa nga niya ang sarili niyang halikan talaga si Alaina sa paraang gusto niya dahil alam niyang wala itong karanasan sa ganoong klase ng intimacy. Natakot ba sa kaniya ang babae o worst, nagalit?

Subalit sa ilang linggong pagkakakilala nila ni Alaina, alam ni Randall na hindi ito ang tipo ng taong bigla na lamang hindi magpapakita kung may problema. Lalo na at maayos naman ang naging paghihiwalay nila noong umaga na hinalikan niya ito. Kung ganoon, ano ang dahilan at hindi na nagpapakita sa kaniya si Alaina?

Napatayo si Randall at nagdesisyong alamin mismo sa babae ang dahilan nito. Kung iniiwasan siya nito, siya mismo ang pupunta kay Alaina para makapag-usap sila. Sa totoo lang, hindi siya sanay na nauunang lumapit sa kahit na sino. Pero kay Alaina, gagawin niya. Desidido na siyang naglakad pababa ng staircase nang marealize na hindi niya alam kung saan natutulog ang babae. He never cared about other people before so he had no idea where they are inside the house. Nakakunot na ang noo niya habang nakatayo sa gitna ng living room sa ibaba ng mansiyon nang may marinig siyang ingay mula sa labas, sa direksiyon ng front entrance. Kasunod niyon ay mga yabag ng paa mula sa kabilang bahagi ng mansiyon.

"Master Randall?" gulat na bulalas ni Yolly na siya palang may-ari ng mga yabag. "Did your father also called you that they will arrive this morning?"

Napaderetso ng tayo si Randall at agad umalerto. Kung ganoon ang mga magulang niya ang dumating at ngayon ay nasa labas ng mansiyon. Mabilis na tumalikod siya at naglakad patungo sa direksiyon ng staircase upang bumalik sa silid niya. Nakapantulog pa siya at alam niyang hindi magugustuhan ng mga magulang niya na nagpapakita siya sa ibang tao na ganoon ang hitsura kahit pa sa sarili niyang bahay. Masyadong mahigpit pagdating sa image nila ang kaniyang mga magulang.

"Then I'll just meet them for breakfast," sabi na lang niya kay Yolly bago tuluyang makalayo sa mayordoma. Nang marating niya ang baitang kung saan madalas sila nagkikita ni Alaina ay parang may dumagan sa dibdib ni Randall. Hindi niya nakausap ang babae at ngayong naroon na ang mga magulang niya mas mahirap na silang magkaroon ng pagkakataong makapagusap dahil siguradong marami silang pag-uusapan ng kaniyang ama. Idagdag pa ang birthday party na ioorganisa ng kaniyang ina.

Napahugot ng malalim na paghinga si Randall bago nagpatuloy sa paglalakad at tuluyang bumalik sa kaniyang silid.

NAGING abala ang buong mansiyon mula nang dumating ang mag-asawang Abel at Reira Qasim. Dahil doon ay na-distract si Alaina mula sa labis niyang pagka-miss kay Randall. Kahit nagdagdag ng kitchen staff at iba pang helpers ay napakarami pa rin nilang ginagawa bilang paghahanda sa birthday party ng lalaki.

Bukod doon ay nailagay siya sa sarili niyang lugar nang makita niya sa personal ang mga magulang ni Randall. Abel and Reira Qasim have an aura of royalties. Malabong hahayaan ng mag-asawa ang isang gaya niya na mapalapit sa anak ng mga ito. Tama lang ang desisyon niyang huwag na makipagkita pa kay Randall hangga't maaari. Kaya nagdesisyon si Alaina na ituon na lamang ang lahat ng atensiyon sa pagtulong sa kusina at pagbilang ng mga araw bago ang nakatakdang pag-alis nila ng papa niya sa Jumeirah Islands at ang pagbalik niya sa normal niyang buhay.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon