"ASHLEY!"
"ASHLEY GREY!"
"ASHLEY-NEE SAN!"
Napapikit ako nang mahigpit habang tinatakpan ng unan ang aking mga tenga. Ang aga-aga, pero eto sila, parang sirenang nambubulabog ng kapayapaan.
"ASHLEY GREY! KUNG HINDI KA TATAYO R'YAN, SISIRAIN KO ANG PINTO MO!"
Sa sandaling marinig ko iyon, para bang may sariling isip ang aking mga paa. Tumayo ako, naglakad papunta sa pinto, at binuksan ito.
"Ano ba?! Ang aga-aga, tapos ganyan na agad kayo?!" bulalas ko habang nagkukusot ng aking mga mata.
Bigla silang natahimik. Tumigil ako sa ginagawa at tiningnan sila—tatlo silang naroon, namumula ang mga mukha, lalo na si Yelena na tila ba napatulala na may malaking bukas na mga mata.
"Ano nga ba? Kanina kayo pa sigaw ng sigaw tapos ngayon tahimik naman? Ano'ng problema—"
Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil bigla na lang tinakpan ni Ace ang aking bibig at marahas akong hinila pabalik sa loob ng kwarto.
"Ano ba?!" nagreklamo ako nang makawala ang kamay niya mula sa aking bibig.
"Tingnan mo ang sarili mo," malamig niyang sambit. Tinignan ko nga ang aking repleksyon sa salamin at napanganga ako sa pagkagulat. Ay Diyos ko! Nasa harapan nila ako na nakapantulog pa—isang oversized na T-shirt at napakaikli na shorts. Nakakahiya!
"Lumalabas ka ba nang ganyan?" tanong ni Ace, halatang hindi impressed.
"Hindi naman," sagot ko habang nilalaro ang mga daliri ko at umiwas ng tingin. Parang si Daddy kung makapangaral, at sigurado akong kahit siya ay magagalit kung nakita ako sa ganitong itsura.
"Magbihis ka," mariin niyang utos bago lumabas ng kwarto.
Nag-shower muna ako bago nagbihis. Simple lang, jeans at long sleeves, tapos tinali ko ang buhok ko.
"Ashley-nee san! Paki-bilisan mo po! Gutom na ako!" sigaw ni Yelena kaya lumabas na ako ng kwarto.
"Dahil ba sa'kin kaya kayo nagising ng maaga? Pinagluluto niyo ba ako?" tanong ko na halatang iritado habang tinitignan nang masama si Mike. Alam ko na siya ang nagplano ng lahat ng ito.
"Chill ka lang, Ash! Nagtanong lang naman si Ace kung marunong kang magluto. Sumagot lang ako ng oo kaya gusto naming ikaw ang maghanda ng almusal ngayon. Pumayag na rin si Yelena kaya wala kang kawala," paliwanag ni Mike, kaya wala na akong nagawa kundi pumunta na sa kusina.
Sinangag, itlog, ham, at hotdog lang naman ang niluto ko. Nagtimpla na rin ako ng kape para talagang pang-breakfast ang dating.
"Guys, luto na! Tara na't kumain!" tawag ko sa kanila matapos ang paghahanda.
"Yey! Kain na!" Malakas na tawa ang naging reaksyon ko sa tuwa ni Yelena. Parang bata na ngayon lang ulit nakatikim ng lutong bahay.
Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapansin ang sigla ni Yelena. Iba ang saya niya ngayon.
"Bakit ang saya mo ngayon, Yelena?" tanong ni Ace na nakakagulat dahil bihira siyang magsalita.
"Ganyan daw talaga siya kapag konti lang ang tao sa paligid," sagot ni Mike.
"At sino naman ang nagsabi sa'yo niyan, aber?" taas-kilay kong tanong.
"Tinanong ko lang ang isa sa mga kasama niya sa apartment nila," sagot niya, mapang-asar.
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasyAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...