Chapter 4: Elnar Greis

3.8K 223 4
                                    

"Tanggapin mo 'to! Geo Smash!"

Bang!

Sa hindi inaasahan na paraan imbes na si Titus, ang leader ang tumilapon at tumama sa pader.

Pagkatapos ay tumingin si Titus sa direksyon ng dalawa pa.

"Ikaw! ano ang binabalak mong gawin?!" Napaatras ang isa dahil sa takot habang nakaturo kay Titus.

"Pulutin niyo ang dalawang 'to at umalis na kayo. Bago pa mag iba ang isip ko," Sabi ni Titus sa dalawa.

Agad na tinulungan ng dalawa ang kanilang kasama saka nagmadaling umalis.

"tch! mga payaso," Sabi ni Titus habang nakatingin sa apat papalayo.

Kung lakas ang pag uusapan malaki ang agwat nilang dalawa. Isang warrior rank 1 star at ang isa ay hindi pa nabubuksan ang Mind Palace. Kung normal ang pagbabasehan matatalo ang huli ngunit hindi normal si Titus dahil isa siyang assassin.

Kaya natalo ni Titus ang leader ay dahil sa isang move na ginamit nya.

Ang ginamit ni Titus para talunin ang leader ay isang flexible type na move kung saan kailangang i-divert ang atake ng kalaban gamit ang sarili nilang lakas. Ang pangunahing focus nito'y nakatuon sa paggamit ng parehong kamay at pag sangga at kadalasan ay nakaasa sa bilis at stamina ng gumagamit. Sa madaling salita nakabase ito sa balanse ng umaatake at ng dumidipensa.

Matapos ang lahat muling naglakad si Titus patungo sa kanyang silid.

**********

Sa loob ng silid.

Nakaupo si Titus sa lotus na posisyon habang may hawak na Mortal Spiritual pill, pagkatapos ay sinubo niya ito at nagsimula nang mag-meditate.

Makaraan ang dalawang oras minulat niya na ang kanyang mga mata.

"Dahil sa mga pills na 'to, tatlong araw nalang ang kailangan para mabuksan ang Mind Palace ko."

**********

Samantala sa loob parin ng Azure Dragon Academy.

Tatlong binatilyo ang nakaupo sa loob ng isang malaking silid habang nagkukuwentuhan.

"Kapatid na Elnar, binabati kita di magtatagal ay magiging elite rank ka na," Sabi ng isa sa mga binatilyo na may mga mata na kagaya sa agila.

"Haha, salamat kapatid na Worden. suwerte lang. suwerte," Sabi ng binatilyo na nagngangalang Elnar. Makikita sa buong pagmumukha niya ang tuwa.

Ang binatilyong may matang agila ay si Worden.

"Binabati kita kapatid." Pagbati kay Elnar ng isa na may malaking pangangatawan na tila isang oso.

"Salamat kapatid na Talbot," Ani ni Elnar sa kanya.

Ang nagngangalang Talbot naman ang may malaking pangangatawan.

Habang nagkukuwentuhan ang tatlo may biglang kumatok sa pinto ng silid.

"Boss Elnar! boss Elnar! may kailangan akong sabihin sa yo!"

Isang nagmamadaling tinig ang biglang maririnig mula sa labas ng silid ng tatlo.

Nag iba ang pagmumukha ni Elnar dahil dito. "Pumasok ka."

Pag bukas ng pinto agad na pumasok ang lalaki at lumapit kay Elnar saka bumulong sa kanya.

Nang narinig ni Elnar ang sinabi ng binatilyo medyo nagulat siya. "Totoo ba to?" tanong niya sa binatilyo.

Tumango kaagad ang lalaki na para bang isang aso. "Totoo po boss! Totoo!"

Kumuha ng dalawang Mortal Spiritual pills si Elnar saka inabot sa lalaki. "Kunin mo 'to at makakaalis ka na."

"Salamat boss!" Pagkatapos ay umalis na ang lalaki.

"May problema ba kapatid na Elnar?" Tanong ni Talbot.

Ngumiti lang si Elnar at sinabing, "Walang problema. may interesanteng tao lang sa loob ng academy."

Tumayo si Elnar at tumingin kina Talbot at Worden. "Mga kapatid, pasensya na pero hindi ko na kayo masasamahan pa."

**********

Ha!

Peng! Isang batong poste ang umalog ng kaunti pagkatapos may mga numbers na lumabas.

"Pitong daang kilogramo," Sabi ni Ttus. Pag katapos niyang mag-meditate ay pumunta siya sa Training Grounds ng academy para tingnan ang lakas niya.

Clap! Clap! Clap!

Napalingon si Titus dahil sa palakpak. Nakita niya ang isang lalaki na papalapit sa kanya.

"Hindi na masama. Titus iniimbitahan ka ni boss Elnar na pumunta sa kanyang lugar," Sabi kay Titus ng lalaking lumapit sa kanya.

"Elnar... Elnar... hmm..." tiningnan ni Titus ang memorya ng dating may ari ng katawan.

Si Elnar Greis ay isang henyo pagdating sa martial arts. Labing tatlong taong gulang pa lang siya nang nabuksan niya na ang kanyang Mind Palace. Sa kasalukuyan siya ay labing limang taong gulang at nasa warrior rank 3 stars na, hindi malayo sa elite rank.

Si Elnar ay isa sa top 10 ng unang baitang. Nasa ika sampung puwesto siya at mag iisang taon na wala paring humahamon sa posisyon niya.

Ang lahat ng nasa top 10 ay mga henyo.

Ang mga nasa top 10 ay pwede rin namang palitan, sa pamamagitan ng pag hamon sa kanila at talunin.

Lahat ng disipulo ay gustong maging isa sa top 10 pero hindi lahat ay may kakayahan para dito.

Ang lugar ng mga top 10 ay iba kesa sa lugar ng mga normal na disipulo. Mayaman sa spiritual ki ang kanilang tinutuluyan at dalawampung Mortal Spiritual Pills ang binibigay sa kanila kada buwan.

Kaya sinong tao ang hindi mangangarap maging isa sa kanila sa ganyang kagandang kondisyon?

Nagsalitang muli ang lalaki at sinabing, "Ano sa tingin mo? isang karangalan ang maimbitahan ni boss Elnar, kung ako sayo wag ka nang tumanggi."

Tumingin si Titus sa direksyon niya ng kalmado "At kung sabihin kong ayoko?"

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon