Chapter 11: Fight

3.4K 208 15
                                    

"Tingnan mo ang sarili mo, nakakaawa ka!" Pagmamataas na sinabi ng lalaking may balbas kay Guido pagkatapos ay tinawag niya ang isa niyang kasamahan. "Andrew! Kunin mo ang batang babae at nang makaalis na tayo dito!"

Agad na sinunod ng lalaking si Andrew ang utos at lumapit kay Arlana.

"Tigil!" Angal ni Guido habang sinusubukang tumayo, subalit ang tanging nakuha niyang sagot mula sa apat ay tawa at ngisi.

Nung dadamputin na sana ni Andrew si Arlana ay biglang naging seryoso ang kanyang mukha at nakaramdam siya ng matinding panganib, pagkatapos agad niyang pinagana ang kanyang Spiritual Ki sa limitasyon at umatras.

Sou!

Boom!

Isang sibat ang nahulog mula sa langit na tumama sa lupa at gumawa ito ng maliit na butas.

Nasa sampung pulgada ang lalim at may dyametrong nasa labing dalawa.

"Sinong nandyan?!" Galit na tanong ni Andrew.

Napakunot-noo ang lalaking may balbas at tumingin sa malayo.

Sa malayo isang binatilyong nakaputi ang naglalakad ng marahan at kalmado patungo sa kanila.

Ang binatilyong ito ay si Titus! Balak niya sanang magsanay dito dahil sa magandang kalaban ang mga beast at mas mahahasa ang technique niya sa pamamagitan ng tunay na laban pero hindi niya inaasahan na sa oras na pagdating niya sa Thousand Beast Mountain ay ito ang madadatnan niya.

"Apat na Warrior Rank martial artist ay nang aapi ng dalawa at walang kalaban laban na tao. Hindi na kayo nahiya!" Sabi ni Titus na may halong poot.

Nangitim sa galit ang pamumukha ni andrew dahil sa sinabi ni Titus.

Itinaas ng lalaking may balbas ang kamay niya para senyasan ang kanyang mga kasama na huwag umatake. "Kaibigan, ito ay problema ng grupo namin. Bakit hindi ka nalang tumalikod at kalimutan ang lahat ng nakita mo, nang sa gayon ay wala nang masaktan pa? Ako, na si Kruhen ay ituturing ito bilang paumanhin sa pag atake kanina sa kasamahan ko. Ano sa tingin mo?"

Hindi tanga si Kruhen para hindi niya mapansin ang damit na suot ni titus. Tanging mayayaman at maharlika lang ang mga nagsusuot ng mamahaling damit na kagaya ng kay Titus kaya hindi agad siya umatake at bukod pa doon sa nakita niyang pag hagis ng sibat ni titus, hindi magiging madali ang lahat kung maglalaban sila kahit apat pa silang magtutulong tulong.

Hindi sa natatakot si Kruhen kay Titus, para sa kanya mas pipiliin niya ang pinakamadaling paraan.

Patuloy parin sa paglalakad si Titus na para bang hindi niya narinig ang sinabi ni kruhen at nang nasa harap na siya ng kanyang sibat ay kinuha niya ito.

Tumingin si Titus sa grupo nila Kruhen. "Ano ang sabi mo? kalimutan?" Tanong niya sa kanila at pagkatapos ay ngumiti siya ng di gaano saka niya iniba ang kanyang tindig sa tindig ng pakikipag laban at nag salitang muli, "hindi ako diyos o santo, pero ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang makakita ng martial artist na nang aapi ng normal na tao!"

Tinutok niya ang kanyang sibat sa kanila saka sinabing, "Laban!"

**********

Titingnan kung paano ihagis ni Titus ang sibat, ang paraan ng kanyang pananalita, ang kanyang tindig, at ang pagiging kalmado niya nakaramdam si Guido ng pagkamangha sa kaibuturan ng kanyang puso.

Isang martial artist!

"Kuya!" Agad na tumakbo si Arlana patungo kay Guido at tinulungan siyang makatayo.

"Kuya, ligtas na tayo. Ligtas na tayo kuya," Paulit ulit na banggit ni Arlana sa kanyang kuya.

**********

"Hindi mo alam kung ano ang pinapasukan mo!" Sigaw ni Kruhen.

Pinagmasdang mabuti ni Titus ang apat at sinabing, "Kung hindi kayo aatake, ako ang unang.."

Whooosh!

Bago matapos ni Titus ang sasabihin niya ay nasa harap na siya ng lalaking payat at sinaksak niya ito gamit ang kanyang sibat. "Aatake!"

Puchi!

Tila kasing bilis ng kidlat, tumama ang sibat sa lalamunan ng lalaking payat at nanlaki sa gulat ang mga mata niya. Hindi niya inaasahan na mamamatay siya ng ganun ganun lang.

Gugu~~~

Dumaloy ang dugo sa bibig niya at unti-unting nagdidilim ang liwanag sa kanyang mga mata.

Puh!

Sa oras na hinila ni Titus ang sibat mula sa lalamunan ng lalaking payat ay bumuluwak ang dugu nito sa leeg.

Patay! Namatay ang lalaking payat sa isang galawan lang ni Titus.

Napatulala ang tatlo sa bilis ng mga pangyayari.

Sa totoo lang sa kanilang apat siya ang pinakamahina, kaya sa simula palang ay sa kanya na nakatuon ang atensyon ni Titus sapagkat sa isang laban mahalaga parin ang dami at kung magagawa niyang bawasan ang dami ng kanyang kalaban ay magiging pabor para sakanya ang sitwasyon at dahil sa siya ang nangunang umatake ay di maiiwasang mapa depensa ng kabilang partido.

Isang kalamangan na 'to! At pag nagawa mo 'yon ng maayos ay wag ka ng tumigil at pangibabawan mo na ang laban! Wag nang bigyan ng pagkakataon ang kalaban na makabawi pa.

Muling gumalaw si Titus!

Nang makita ito ni kruhen agad siyang sumigaw "Mga kasama! Mag ingat kayo napakabilis ng sibat niya!"

Saka niya sinabayan ang bilis ni Titus. Para sa isang kagaya ni Kruhen na nasa half-step Warrior Rank 2 star, hindi mahirap ang sabayan niya si titus.

Bago magawang saksakin ni Titus ang isa pang lalaki ay nagawa itong harangin ng espada ni Kruhen.

Clang~~~

Pagkatapos ay naibaba ang ulo ng sibat dahil dito.

Bam! Tumama sa lupa ang ulo ng sibat at pagkatapos ay pinagpatuloy ni Kruhen ang pag hiwa kay Titus ng pahalang!

Itinaas ni Titus ang katawan ng sibat para salagin ang paparating na pag atake.

Clang~~~

Ang sumunod ay umikot si Titus sa kanang bahagi niya at pinatamaan niya gamit ng kanyang siko ang lalaki!

Bam!

Tumilapon ang lalaki dahil sa lakas ng tama ng siko ni Titus.

Dumistansya siya mula kay Kruhen.

Tumingin ng mabangis si kruhen sa kanya. "Hindi ko inaasahan na ganyan ka pala kalakas!"

"Ikaw din," Kalmadong sinabi ni Titus.

Sumenyas si Kruhen kay Andrew gamit ang mga mata niya para umatake siya mula sa likuran ni Titus.

Swooosh!

"Hindi gagana sa akin yan!" Sabi Titus.

Clang~~~

"Wag mo akong kalimutan!" Umatake rin si kruhen mula sa unahan.

"Hmmmp!" Suminghal si Titus pagkatapos ay yumuko siya at gamit ang kanyang sibat ay winalis niya ang mga paa ni Kruhen at Andrew.

Nagawang itaas ni Kruhen ang kanyang paa pero di nagawa ni Andrew 'yon at nawalan siya ng balanse at agad siyang sinaksak ni titus sa lalamunan!

Puchi!

Patay!

Ang apat kanina ay nagawang pababain ni titus sa dalawa sa ilang palitan lang!

Hindi na kasali ang isa dahil nahimatay ito sa ginawang pagsiko ni Titus kanina kaya isa laban sa isa nalang.

Titus laban kay Kruhen!

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon