Chapter 6: Warrior rank!

3.5K 223 8
                                    

Napatigil sandali si Selesti, pagkatapos may kinuha siya mula sa kanyang Bag of Holding. "Heto, kunin mo 'to. Makakatulong ito sayo."

"Ate Selesti!" Biglang napasigaw si Arrie nang makita niya ang bagay na kinuha ni Selesti.

"Arrie, ayos lang. Wag ka nang magsalita pa," Sabi ni Selesti pagkatapos ay iniabot niya kay Titus ang bagay na ito.

"Ano to?" Tanong ni Titus.

"Spiritual Gathering Artifact. may isang araw ka para gamitin yan. Tandaan mo! Isang araw, pagkatapos ay ibalik mo sa akin." Paalala ni Selesti.

Tumango si Titus at tumingin ng seryoso sa kanya. "Naiintindihan ko, salamat ate."

"Sige mag-meditate ka na."

**********

Pumasok na si Titus sa kanyang silid, pagkatapos sina Selesti nalang at Arrie ang naiwan sa labas

"Ate Selesti, sinayang mo ang iyong pagkakataon," Sabi ni Arrie.

"Hindi, may tiwala ako sa kanya. Sa dumaang mga araw parang may nag-iba sa kanya pero hindi ko maipaliwanag kung ano 'yon. Basta! Bilang ate niya gagawin ko ang lahat para sa kanya!"

**********

Nakaupo si Titus sa lotus na posisyon sa kanyang kama habang hawak ang Spiritual Gathering Artifact.

'Magsisimula na ako.'

Wissssh!

Mabilis na naiipon ang Spiritual Ki sa paligid patungo sa kanya.

'Nakakamangha ang bagay na 'to, dahil dito baka magagawa ko nang buksan ang Mind Palace ko!' Sabi ni Titus sa kanyang isip.

Sadyang nakakamangha talaga ang Spiritual Gathering Artifact dahil napapabilis nito ang pag-aabsorb ng Spiritual Ki ng isang martial artist. Ang pag-meditate sa isang araw ay katumbas ng isang buwan kumpara sa wala!

Pero hindi ganoon kadali ang magkaroon nito.

Ang level ng treasure ay nahahati sa sampu. Mula sa Tenth-grade Spiritual Treasure hanggang sa First-grade Spiritual Treasure, at ang isang Third-grade Spiritual Treasure na kagaya ng Spiritual Gathering Artifact ay bihira, tangi ang isang top na sect lang kagaya ng Azure Dragon Academy ang mayroon nito.

Ang dahilan kung bakit may hawak nito si Selesti ay dahil sa pinagpalit niya ito sa kanyang Contribution Points, upang gamitin sa loob ng isang araw.

Balak sana ni Selesti ang humakbang mula sa Elite Rank 3 stars sa Expert rank.

Pero dahil sa nalaman niya ang pagtutuos ni Titus at Elnar sa loob ng tatlong buwan ay nagdesisyon siyang si Titus nalang ang gumamit nito.

Ano nga ba ang ate? Isang tao na mapagkakatiwalaan mo, isang babae na madalas kang pagsabihan, isang tao na lagi mong kasangga, isang kaibigan na pang habambuhay, at higit sa lahat isang tao na parating nandyan para sayo sa oras ng kagipitan.

Sa loob ng Mind Palace ni Titus, makikita ang malaking gintong pinto na nakasarado.

Iniipon ni Titus ang lahat ng Spiritual Ki sa paligid papunta sa pagitan ng kanyang kilay. Dinirekta ni Titus ang kanyang Spiritual Ki patungo sa pinto ngunit hindi parin ito sapat.

Sinubukang muli ni Titus na itulak ang pinto at naalog ito ng kaunti. Sa oras na naalog ito, biglang lumiwanag ang pinto ng Mind Palace ni Titus at tinulak papalayo ang lahat ng Spiritual Ki niya.

Hindi siya pinanghinaan ng loob nang mangyari ito.

Ganito lang talaga kahirap ang proseso ng pagbubukas ng Mind Palace. Minsan ay umaabot pa ito ng tatlong araw at para sa mga taong walang talento naman ay imposibleng mabuksan nila ang kanilang Mind Palace kahit anong pilit pa ang gawin nila.

Isang oras na ang nakalipas at hindi parin nagagawang buksan ni Titus ang kanyang Mind Palace.

Sa kabila ng kabiguan na buksan ito, hindi parin sumusuko si Titus at patuloy na tinutulak ang lahat ng Spiritual Ki niya patungo sa pinto. Pagkatapos ng ilang daang pagkabigo ang Spiritual Ki niya'y nagawa ring maitulak ang pinto ng kaunti, ngunit hindi parin ito nagawang buksan.

Sa oras na ito, hindi na nag atubili pa si Titus at muling itinulak ang kanyang Spiritual Ki.

Hindi nag tagal ay nakikita na ni Titus ang loob ng kanyang Mind Palace.

Hindi na nag aksaya pa ng panahon si Titus at buong lakas ng tinulak ang lahat ng Spiritual Ki niya patungo sa pinto.

Boom!

Kagaya ng isang alon ng rumaragasang ilog, isang malamig na pakiramdam ang kumalat sa buong katawan ni Titus at tuluyan niya ng nabuksan ang kanyang Mind Palace!

Warrior Rank 1 star!

Patuloy parin ang a-absorb ni Titus ng Spiritual Ki para patatagin ang pundasyon ng kanyang lakas.

Makalipas ang ilang minuto.

Dinilat na ni Titus ang kanyang mga mata.

'Warrior Rank! Mas mabilis kaysa sa inaasahan ko.'

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon