Chapter 8: Eternal Rest

3.4K 224 5
                                    

Ilang sandali lang ay dumating na ang tagapag-lingkod na may kasamang lalaki.

"Young master Lestat, young master Krieg. Pakiusap wag kayong mag away dito," Sabi ng lalaking dumating habang balisa.

"Hmmp!" singhal ni Zamza. "Kung gano'n ikaw pala ang tanyag na si Titus Krieg." Panuya niyang sinabi, pagkatapos ay tumingin si Zamza sa lalaki at nagtanong, "ikaw ba ang may-ari dito?"

"Paumanhin Young master Lestat subalit isa lamang akong tagapamahala dito, sa ngayon wala dito ang may ari," Sagot ng tagapamahala.

Muling tinitigan ni Zamza si Titus ng isa pang beses at sinabing, "hindi pa tayo tapos!"

"Prinsesa Elizabeth, sigurado kana ba sa napili mo?"

"Oo. Bibilhin ko na to."

Hindi na binigyan ni Titus ng atensyon ang pag-uusap ng dalawa.

"May binebenta ba kayong sibat dito?" Tanong ni Titus sa tagapag-lingkod.

"Mayroon. Sumunod po kayo." Pagkatapos ay ginabayan niya si Titus patungo sa mga sibat.

"Narito na po tayo. Nasa Fifth-grade at Fourth-grade Spiritual Treausre ang mga yan. May limang sibat kami, kayo na po ang bahalang pumili," Sabi ng taga-paglingkod.

Isa-isa sinuri ni titus ang mga sibat subalit wala parin siyang napipili.

Ang sandata ay mahalaga para sa isang martial artist. sabi nila karugtong daw ng ating katawan ang ating sandata, kaya kung pipili ka ng sandata ay siguraduhin mong tugma at naaayon ito sayo.

May isang sibat na nakalagay na hindi sinali ng tagapag-lingkod. Lumapit si Titus at hinawakan niya ito. Sa oras na nahawakan niya ang sibat ay bigla siyang nabigatan.

Haa!

Kinailangan pang gumamit ng Spiritual Ki ni Titus upang magawa niya itong hawakan ng maigi. Nasa 500kg ang bigat.

Hindi masabi ni Titus kung ano ang grade ng sibat kaya nagtanong siya, "Ano ang sibat na 'to? Bakit ang bigat?"

Agad na sumagot ang tagapag-lingkod. "Young master Krieg, ang pagkakaalam ko ay gawa sa Purple Metal Bamboo at Jade Wood ang katawan ng sibat, at ang ulo naman ay gawa sa isang kakaibang kometa. Ilang tao na ang sumubok suriin ang sibat nayan pero wala parin ni kahit isa ang nakapag sabi kung ano ang grade nito."

"Hmm." Napaisip sandali si Titus pagkatapos ay nagtanong muli sa kanya, "Ano ang pangalan ng sibat na 'to?"

"Eternal Rest!"

"Eternal Rest huh?" Inulit ni Titus ang pangalan ng sibat saka tumango.

Nagsalitang muli ang tagapag-lingkod at sinabing, "Ayon sa impormasyon ko ang tanyag na si Isak Briggs ang gumawa ng sibat na yan, pero isang daan at limampung taon na siyang hindi nagpapakita sa mundo kaya marami ang nagsasabing patay na siya. Ayon sa nakakarami bago mamatay si Isak Briggs ay ginawa niya ang sibat na 'to at pinangalanang Eternal Rest."

"Umatras ka." Sabi ni Titus sa kanya pagkatapos ay winasiwas niya ang sibat.

Wizzzz! Wizzzzz!

Sa bawat wasiwas ni Titus ramdam sa hangin ang lakas nito.

"Magandang sibat!" Pagpuri ni Titus. "bibilhin ko na ang sibat na 'to."

'Jackpot! Magkakaroon ako ng komisyon nito!' Sa isip ng tagapag-lingkod.

"Sandali lang po at kakalkulahin ko ang presyo." Tugon niya "Dahil sa hindi malaman ang grade ng sibat ibabase ko nalang ito sa mga materyal na ginamit. Purple metal bamboo, jade wood.... nasa 300,000 Gold Royals."

"Sige, heto na ang 300,000 Gold Royals mo," Sabi ni Titus sabay bigay ng gold royals.

Ilang minuto ang lumipas.

"Bumalik po kayo kung may kailangan pa kayong bilhin young master Krieg!" Puno ng ngiti ang mukha ng tagapag-lingkod habang kumakaway-kaway kay Titus sa labas ng Magnificent Tresure Pavilion dahil sa nagawa niyang makabenta sa araw na 'to.

**********

Isang karwahe ang patuloy na tumatakbo patungo sa destinasyon nito. Ang loob ng karwahe ay di gaano kalakihan ngunit magarbo ito, halatang mayaman ang may ari.

Nakaupo si Elizabeth sa loob ng karwahe malapit sa bintana habang nakatingin sa labas, at sa kanyang harapan naman ay si Zamza.

Magkasama lang ang dalawa dahil sa pagpupumilit ni Zamza kay Elizabeth

'Titus... Krieg, iba ang dating niya kumpara sa mga sabi-sabi na naririnig ko, sabi nila isa siyang walang kwentang lalaki pero kung titingnan napaka kalmado niya at... at... kahanga kahanga.' Sa isip ni Elizabeth, pagkatapos unti-unting namula ang pagmumukha niya.

"ahh!" Bigla siyang napasigaw habang nakahawak sa kanyang mukha at iniiling ang ulo.

'Ano ba tong iniisip ko.' Sabi niya sa isipan.

Nagulat si Zamza sa sigaw niya. "Prinsesa Elizabeth, may problema ba?"

Nang narinig niya si Zamza agad niyang inayos ang kanyang sarili.

"Wala." Tugon niya ng walang bahala.

"Ah, mabuti naman." Tumango na lamang si Zamza.

"Ihinto mo ang karwahe." Biglang utos ni Elizabeth.

"Ano? Pero prinsesa Elizabeth malayo pa tayo sa palasyo!" Suway ni Zamza. Halatang hindi siya sumasang-ayon.

"Basta! Ihinto mo ang karwahe," Saad ni Elizabeth sabay katok sa bubong para senyasan ang kutsero na huminto.

Huminto ang karwahe at pagkatapos ay bumama na si Elizabeth.

'Bwiset!' Pagmumura ni Zamza sa kanyang isip.

"Boris!" Tawag niya.

Swooosh!

Isang anino ang biglang pumasok sa karwahe. nakamaskara at itim ang buong kasuotan.

"Young Lord." Sagot ng nakamaskarang si Boris.

Tumingin si Zamza sa kanya saka nagbigay ng utos. "Gusto kong turuan mo ng leksyon ang anak ni heneral Arthur. Huwag mo siyang papatayin! Tandaan mo turuan mo lang siya ng leksyon."

"Masusunod po young master!" Pagkatapos ay nawala na siya.

Ngumiti ng masama si Zamza. 'Apat o anim na buwang nakaratay sa kama. Hindi na masama, ito ang kabayaran sa pangbabastos mo sa akin kanina sa harap ni Elizabeth!'

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon