Chapter 23: True Heart Test

3.1K 189 4
                                    

Sa Azure Dragon Academy.

Agad na nagtungo si Titus sa Training Grounds.

Pagdating niya may mga disipulo ng nauna kaysa sa kanya. Ang mga disipulong ito'y baguhan lahat tulad niya.

Bago ka tuluyang maging isang tunay na disipulo ng Azure Dragon Academy, kailangan mo munang dumaan sa pagsusuri kung ikaw ba'y may Superior Grade na talento at kung meron ka ngang talento ay maaari kang pansamantalang manatili bilang isang disipulo sa unang baitang para maghinhintay ng tatlong buwan para sa tunay na pagsusulit.

Sa pagsusulit na ito nakasalalay kung mananatili ka ba sa loob ng Azure Dragon Academy o hindi.

Sa oras na dumating si Titus, may ilang mga disipulo ang nakakilala sa kanya.

"Hindi ba 'yon si Titus Krieg?"

"Seryoso ka? Yung Titus Krieg na anak ng Heneral ng Silangan?"

"Balita ko, siya ang nakadiskubre sa isang diyablo, totoo ba ito?"

"Oo, totoo yun!"

Mga pag-uusap ng mga disipulo sa mababang tinig.

Makalipas ang mahigit isang oras dumating na ang lahat ng disipulo. Nasa mahigit limampu silang lahat at isang lalaki na nasa mid-forties ang pumunta sa unahan ng lahat at huminto sa taas ng platapormang itinayo. "Kamusta kayong lahat, isa ako sa magiging tagapangasiwa sa pagsusulit na ito. Bago ang lahat gusto ko munang ipaalam sa inyo na ang pagsusulit ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang sampung mangunguna ay bibigyan ng pagakakataon na matutunan ang Dragon Path Art bukod pa doon ay bibigay din sila ng Heaven Cleansing Marrow Pill,"

Heaven Cleansing Marrow Pill! nang marinig ito ng lahat naging maingay ang buong Training Grounds.

Ngumiti ang tagapangasiwa at nagpatuloy, "Hindi naman siguro kayo ignorante sa epekto ng Pill na ito. Ang Pill na ito'y may kakayahang pataasin ang potensyal ng isang tao!"

Huminto ang tagapangasiwa at hinintay niya munang maging tahimik ang lahat, makaraan ang ilang sandali. "Hindi pa diyan nagtatapos ang premyo! Ang disipulong mangunguna sa lahat ay magkakaroon ng pagkakataong mag-meditate sa Dragon Pool ng tatlong araw!"

Dragon Pool, ayon sa pagkakaalam ni Titus ito'y napakahalaga sa Azure Dragon Academy dahil dito matatagpuan ang Spiritual Vein. Sa sobrang sagana ng Spiritual Ki naging isang ilog na ito.

Muling nagpatuloy ang tagapangasiwa, "Tumahimik kayo't makinig muna sa'kin. Ang unang bahagi ng pagsusulit ay ang True Heart Test! Dito susubukin ang tatag ng inyong puso at aakyatin niyo ang Stairs of True Heart. Ang hagdang ito'y mayroong isang daang hakbang, Sa oras na umapak kayo dito makakaramdam kayo ng malakas na presyur, habang pataas ng pataas ang pag akyat niyo ay ang siya ding pag lakas ng presyur."

Ang presyur sa Stairs of True Heart ay nanggagaling sa Formation Array na gawa ng isang Grandmaster rank, at binubuo ito ng tatlong magkaibang presyur. Ang momentum, presyur ng Spiritual Ki at ang pinaka importante sa lahat, presyur sa kaluluwa. Kaya mas naging mahirap ito para sa lahat ng kalahok na disipulo na umakyat ng Stairs of True Heart.

Huminto siya sandali at tumingin sa lahat ng mga disipulo saka nagpatuloy. "Nagtataka siguro kayo kung bakit niyo pa kailangang pagdaanan ang bahaging ito. Para malaman niyo, importante ang bahaging ito dahil dito namin malalaman ang inyong karanasan, intensyon, nilalaman ng puso at kung ikaw ba'y nasa landas ng kasamaan."

"Ngayon, sumunod kayong lahat sa'kin!" Utos ng tagapangasiwa.

Lumipas ang ilang sandali huminto si Titus at ang iba sa isang malaking hagdanan.

Ang hagdanang ito'y nagbibigay ng mala-bahagharing liwanag, at iba ang pakiramdam dito ni Titus. 'Kung ganon ito ang Stairs of True Heart. Pakiramdam ko isang mundo ang pasan ko!'

Tumingin ang tagapangasiwa sa kanila at sinabing, "Sa oras na umapak kayo dito ay ang hudyat na nagsimula na ang pasusulit,"

'Hmmp! Mga lampa! Wag na kayong umasa na kayo ang mangunguna!' Sa isip ng isa sa mga disipulo, at pagkatapos ay humakbang siya sa hagdan.

Nang makita siya ng ibang mga disipulo, sumunod narin sila at humakbang narin.

**********

Sa isang lugar sa Azure dragon Academy, kung saan kasalukuyang magkasama ang mga direktor at punong direktor.

Sa harap nila'y ang projection ng nangyayari sa Stair of True Heart.

"Direktor Jan, sa tingin mo ilang disipulo kaya ang papasa sa Stair of True Heart?" Tanong ng isa sa mga direktor.

"Hmm, base sa kakayahan ng mga disipulo baka lampas sa tatlumpu ang papasa," Sagot ni Direktor Jan.

Si Direktor Jan Tungmo ay ang namamahala sa Martial Hall at ang nagtanong sa kanya ay si Direktor Buscao Syn.

"Halos nasa Low Superior grade lahat ang kakayahan ng batch na ito. Mabuti nalang kada kalahating taon tayo tumatanggap ng mga disipulo, kahit na konti lang ang papasa ngayon meron pa naman sa susunod na anim na buwan," Sabi ng isa pang Direktor na si Daha Mari, ang direktor ng Law Inforcement Hall at pagkatapos ay tumingin siya sa nag-iisang babaeng direktor sa kanila, "Ano sa tingin mo Direktor Ling Katan?"

"Wag mo akong kausapin." Malamig na sagot sa kanya ni Direktor Ling Katan.

Napangiwi ang buong pagmumukha ni Direktor Daha ng marinig niya yun, "Kung palagi kang ganyan walang magkakagusto sayo!"

Tumingin ng mabangis si Direktor Ling kay Direktor Daha, "Anong sinabi mo?" At kasabay noon ang pagpapakawala niya ng kanyang Spiritual Ki.

'Nagsisimula nanaman.' Buntong hininga nina Direktor Jan at Direktor Buscao sa kanilang sarili.

Biglang lumamig ang buong lugar at unting-unti nagkakaroon ng yelo sa paligid.

Nag-iba ang pagmumukha ni Direktor Daha ng kaunti at nagpakawala din ng kanyang Spiritual Ki.

Nagbanggaan ang Spiritual Ki ng dalawa at kumalat ito sa paligid.

Pero bago lumala ang lahat tumikhim ang punong direktor na si Asdawer Draak at sinabing, "Kung hindi pa kayo titigil dalawa, masisira ang buong lugar dahil sa inyo."

Agad nilang binawi ang kanilang Spiritual Ki at walang sinabi.

Ngumiti si Asdawer sa kanila at pagkatapos inilipat ang tingin sa projector. "Hmm? May tatlong disipulo ang hindi pa umaakyat ng hagdan. Interesante!"

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon