Chapter 1: Titus Krieg

6.8K 292 45
                                    

Sa walang hanggang kawalan. Isang kaluluwa ang palutang lutang na tila hinahanap ang daan.

"Nasaan ako?" Tanong ng kaluluwa sa kanyang sarili. "Nakakapagtaka. Ang pagkaka-alala ko'y nasa isang misyon ako para bawiin ang isang mahalagang bagay."

Pilit na inaalala ng kaluluwa ang nangyari at unti-unting nagiging malinaw ang lahat sa kanya.

"Sumpain!" Galit na sinabi ng kaluluwa.

"Hmmm?" Napatingin ang kaluluwa sa kanyang harapan at may nakita siyang isang puting liwanag. Dahan dahan niya itong nilapitan hanggang sa makarating siya rito.

Puno ng katanungan ang kaluluwa kaya sinubukan niyang abutin ang puting liwanag at sa oras na tumama ang kanyang kamay, bigla siyang nabalutan nito.

Ang kaluluwang ito ay si Titus.

**********

Titus, number one assassin sa Earth.

Kapag naririnig ng lahat ang pangalan na Titus isang salita lang ang kanilang maiisip 'Malupit' at kung iisipin nila sa dawalang salita 'Sobrang Lupit' at kung gagawing tatlo 'Walang Kasing Lupit'.

Mali ang pagkakakilala ng karamihan kay titus, dahil malupit lamang si Titus pagdating sa kanyang mga kalaban.

Si Titus ay may kasintahan at isa ring assassin na si Jade. Nagkakilala sila sa isang misyon at kalauna'y nagustuhan nila ang isa't isa.

Sa isang pasilyo nakatayo si Titus habang hawak-hawak ang isang bagay. Isang ngiti ang makikita mula sa kanyang mga labi.

"Jade! Pagkatapos ng misyon na'to mag bagong buhay na tayo't magpakalayo-layo." Tumalikod si Titus at humarap kay Jade.

Tumango lang si Jade.

"Huh?" Biglang naging seryoso si Titus at limang silweta ang lumitaw.

"Titus! Ito na ang araw ng katapusan mo!" Sabi ng isa sa lima.

"Kayo lang lima? Tingin niyo makakaya niyo ako? Patawa." Tumingin si Titus sa taong nagsalita.

Nang marinig ng nagsalita ang sinabi ni Titus bigla siyang nagalit at susugod na sana, ngunit biglang may humarang na kamay sa kanya.

"Titus! Tingin mo ba hindi kami handa?"

Sa oras na sinabi 'yon ng isa sa lima ay gumalaw na sila't pinalibutan sina Titus.

"Gawin mo na!" Sigaw ng pinuno ng lima.

Puchi!

Isang kirot ang naramdaman ni Titus sa kanyang tagiliran at pag lingon niya'y nakita niyang sinaksak siya ni Jade.

Napatulala si titus. "bakit?!"

"Ngayon na! Sabay sabay tayong umatake!"

Sa oras na narinig 'yon ni Titus ay agad siyang natauhan at dumistansya ng sampung metro.

"Jade!" Sigaw ni titus.

Tumingin si Jade kay titus ng walang emosyon "Wag ka nang magpumilit pa Titus, dahil may lason ang patalim na ginamit ko. Inalok ako ng pinuno nila ng posisyon kapag magawa kitang lasunin."

"Hindi niyo na kailangan pang umatake," Sabi ni Jade sa lima.

"Sumpain kayo! Kung mamatay lang naman ako isasama ko na rin kayo sa impyern-".

Puah.

Napasuka si Titus ng itim na dugo at napaluhod.

"Huff! Huff! hin...di ko akalain na...sa ga...nitong paraan ako ma..ma..tay..."

Thud!

*********

"Ugh!" Minulat ni Titus ang kanyang mga mata at napansin niyang nasa isang magarbong silid siya.

Bumukas ang pinto ng silid at may pumasok na dalagita.

Ang dalagitang ito'y nasa edad na labing anim o labing pitong taong gulang. May mahabang buhok na umaabot sa kanyang beywang at ang kanyang kutis ay parang isang batong lungtian na perpekto ang pagkagawa. Ang mukha niya'y parang isang manika sa ganda.

Nagulat si Titus sa dalagita dahil bigla itong pumasok.

"Titus! ayos ka lang ba?" Tanong ng dalagita habang nakapatong ang kamay nito sa noo ni Titus.

Naguluhan si Titus nang marinig niya ang tanong ng dalagita dahil hindi niya ito kilala, tatanungin sana ni Titus kung sino siya nang biglang may lumitaw na mga memorya na hindi sa kanya.

Titus Krieg, anak ng heneral ng silangan ng emperyong Draak. ang dalagitang nasa harap ni Titus ngayon ay ang ate ng dating may ari ng katawan na si Selesti Krieg.

Ang mundong ito'y iba sa mundong Earth at nahahati ito sa dalawang kontinente. Ang dalawang kontinente na ito ay ang kontinente ng Stervel at kontinente ng Goduivel. May mga diyablo, diyos at iba't ibang uri ng beasts sa mundong ito.

Pangkaraniwan na sa mundong ito ang mag sanay at maging malakas.

Ang paraan ng pagsasanay ng mga tao sa mundong ito ay ang pag-absorb ng Spiritual Ki.

Ang Spiritual Ki ay isang uri ng enerhiya na makukuha sa Heaven and Earth.

Si Titus ay nasa kontinente ng Stervel at dito rin matatagpuan ang imperyong Draak.

Ang kontinente ng Stervel ay may apat na imperyo. Ang imperyong Draak, imperyong Shilddak, imperyong Feniks, at imperyong Palfrenier.

Dalawang daang taon na ang nakakaraan, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng imperyong Draak at imperyong Palfrenier.

Ang dating may ari ng katawan na ito'y sakit sa ulo na walang ginawa kundi ang mag bigay ng problema sa heneral.

Bago napunta si Titus sa katawan na ito, nakikipag inuman ang may ari ng katawan nang bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit sa kanyaang lalamunan at nahimatay.

'Nakakatawa, lason din ang ikinamatay ng may ari ng katawan. dahil sa muli akong nabuhay sa katawan mo, ako na ngayon si Titus Krieg!' Sabi ni titus sa kanyang sarili.

Tiumingin si Titus kay Selesti. "Ayos lang ako ate, nasobrahan lang yata ako sa inom."

Pah!

Binatukan siya sa ulo ni Selesti at pinagsabihan. "Gago! wala ka nang ginawa kundi ang pumunta sa lugar na yun kasama ang mga pilyong kaibigan mo! magpahinga ka muna." Tumayo si Selesti at lumabas na ng silid.

Napangiwi si Titus.

Ang number one assassin sa earth ay napagsabihan ng isang dalagita! kung malalaman ito ng mga taong nakakakilala sa kanya siguradong mapapanganga sila.

Tumingin si Titus sa kisame at itinaas niya ang kanyang kamao. "Sa mga taong pinatay ko pasensya na dahil hindi na kayo makakapag higanti pa. sa mga taong papatayin ko palang manginig na kayo sa takot! ako ang magiging number one sa mundong ito."

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon