Chapter 39: Crushing Defeat

3K 192 9
                                    

"Para masalag ang unang atake ko. Karapat dapat ka nga sa iyong titulo bilang numero unong disipulo ng Azure Dragon Academy!" Taos pusong pinuri ni Elnar si Titus.

Ang unang atake na ginawa ni Elnar ay isa sa Sabre Techniques ng pamilyang Greis. Alam ni Elnar kung gaano kalakas ang Flowing River Slash, kaya para sa isang Elite Rank 1 star na salagin ito'y matatawag na isang milagro.

'Nagawa nga niyang salagin ang unang pag atake ko, ngunit may dalawang atake pa akong natitira.' Sa isip ni Elnar.

"Huwag ka munang magsaya Titus! Unang pag atake pa lamang 'yon. Sa susunod kong atake, sisiguraduhin kong mahihiwa ka!" Mabangis na sinabi ni Elnar.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, itinaas niya sa kalangitan ang kanyang sable gamit ang isang kamay. Mga asul na sinag ang dahan-dahan na naiipon papunta rito.

Sa oras na umabot na sa limitasyon ang liwanag ng kanyang sable ay gumalaw siya't umatake.

Tila isang agwahe na dala ng isang bagyo ang bumagsak patungo kay Titus!

"Cascading River Slash!"

Maraming mga linya ng sable ang kumalat patungo kay Titus habang unti-unting nagsasanib ang mga ito isa-isa. Pakiramdam niya nasa isang mundo siya ng mga sable, na kahit saang direksyon siya pumunta ay maaabutan parin siya nito na parang si kamatayan.

'Yon ang pakiramdam na nakuha niya pero wala paring balak na umatras ni Titus. Kaya, hindi niya na pinansin ang mga linyang ito at sinagot na lamang si Elnar gamit ang malakas na hampas.

'Isang daang porsiyentong Spear Intent!'

Biglang nabalot ang Fighting Ring ng mapangtusok na pakiramdam, na tila isang malaking sibat ang nakatutok sa lalamunan ni Elnar.

Hindi lang kay Elnar limitado ang pakiramdam na'to, kahit ang mga nasa labas ng Fighting Ring ay pakiramdam nila naging sibat ang buong pagkatao ni Titus.

"Full-mastery ng Spear Intent!"

"Ito... ito'y walang katotohanan!" Sigaw ng isang manonood habang nakahawak sa kanyang ulo.

Napanganga ang lahat ng mga manonood sa kanilang nakita. Ang iba pa nga ay tuluyan ng nabaliw, lalo na ang mga disipulong nasa landas ng sibat.

Muling nagbanggaan ang sibat at sable.

Boom!

Dahil sa lakas ng impact, tuluyan ng nasira ang sahig ng Fighting Ring.

"Ano?!" Hindi makapaniwala si Elnar sa kanyang nasaksihan. Nagawa na namang salagin ni Titus ang kanyang pangalawang pag atake.

"Ngayon, gawin mo na ang iyong huling atake." Inayos ni Titus ang kanyang tindig at pinagmasdang mabuti si Elnar.

"Hmmp!" Napahawak ng mahigpit si Elnar sa kanyang sable at tumayo ng matuwid. "Hindi ko pa ginagamit ang pinaka malakas na technique dahil takot ako baka wala ng matira sa katawan mo sa oras na tamaan ka nito. Tingnan natin kung papaano mo ito salagin!"

Itinutok ni Elnar ang kanyang sable pasulong. Ang Spiritual Ki sa buong katawan niya'y sumabog na parang isang dam ng tubig papunta sa sable. Ang sable ay nagsisimula ng manginig ng husto at pinapaikutan ng maliliit na linya ng ipo-ipong hangin.

Ang hangin sa kapaligiran ay naaapektuhan at mga maliliit na onda ang makikita.

'Ano itong kakaibang pakiramdam na'to. Nahihirapan akong huminga, para bang nasa ilalim ako ng karagatan!' Unti-unti nang nakakaramdam ng panganib si Titus mula sa sable na hawak ni Elnar.

"Tanggapin mo 'to! Boundless River Slash!"

Sa oras na pinakawalan ni Elnar ang kanyang huling atake, agad na umtras si Titus at itinaas ang kanyang sibat.

"Hmm?" Nakita ni Titus na hindi parin sapat ang distansiya niya kaya muli siyang umatras ng sampung metro.

Isang daang porsiyentong Spear Intent!

"Nine Dragons Destruction Art: Second Form!"

Dalawang dragon na gawa sa Spiritual Ki ang sumalubong sa Boundless River Slash ni Elnar.

Dahil sa nasa Elite Rank na si Titus, nakakayanan na ng kanyang katawan ang Second Form ng Nine Dragons Destruction Art.

Para magawa niyang salagin ang huling atake ni Elnar, kinakailangan niya ng mas malakas na atake. Kaya ang Second Form ang naisipan niyang gamitin kasabay ng isang daang porsiyento ng kanyang Spear Intent.

Boom!

Ang sibat at sable ay muling nagbanggaan sa pangatlong pagkakataon. Isang unos ng enerhiya ang sumabog sa Fighting Ring at nabalot ng maalikabok na ulap ang buong paligid.

Nang Unti-unti nang nawawala ang alikabok. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.

Ang sahig ng Fighting Ring ay tuluyan nang nawasak at isang malaking crater na nasa sampung metro ang dyametro at tatlong metro ang lalim ang nasa gitna nito.

Nakatayo parin si Titus habang nakahawak sa kanyang sibat. Maayos parin ang lagay at konting galos lang ang makikita sa kanyang katawan.

Si Elnar naman ay nakaluhod ang isang tuhod at nahihirapang huminga. Naubos ang lahat ng kanyang Spiritual Ki dahil sa huling pag-atakeng ginawa niya.

"Ano.. ano pa ang hinihintay mo? Ikaw na ang umatake," sabi ni Elnar habang nakatingin ng Diretso kay Titus.

Kahit na nakaluhod na siya wala parin siyang balak na sumuko. Maliwanag na natalo siya, kahit hindi magsalita si Titus, alam ni Elnar na natalo siya sa kanilang laban.

Kahit na naging tahimik ang buong lugar, alam niya na hindi niya nagawang talunin si Titus.

Dahan-dahan na itinaas ni Titus ang kanyang sibat.

Sa isang hanggang kamatayan na laban. Isang kahihiyan para sa iyong kalaban ang hindi pagtapos sa kanya. Kahit na masama si Elnar, isa parin siyang malakas na martial artist, kaya bibigyan siya ni Titus ng marangal na pagkatalo.

"Bilang respeto para sa kapwa martial artist. Tatapusin kita gamit ang buong lakas ko."

Yin-Yang Mighty Force Sutra!

Wumagayway sa hangin ang kanyang buhok. Sa mga oras na'to ang itsura ni Titus ay parang isang Death God.

Isang daang porisyentong Spear Intent!

"Nine Dragons Destruction Art: Second Form!"

Hou!

Sa oras na umatake si Titus agad niyang ginamit ang kanyang Lightning Flash Steps upang dagdagan ang momentum ng kanyang atake.

Boom!

Isang sable ang humiwa pababa sa sibat ni Titus at agad itong napawi ang kanyang atake.

"Kuya!" Napasigaw si Elnar sa sobrang gulat.

Ang taong humarang sa pag atake ni Titus ay walang iba kundi ang kuya ni Elnar na si Marjison Greis.

"Titus, nanalo ka na sa duwelo niyo ng aking kapatid. Bigyan mo naman ako ng mukhang maihaharap at hayaan mo nalang mabuhay ang kapatid ko," mahinahon na sinabi ni Marjison.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon