Chapter 18: (Spoiler in Title)

3.1K 181 4
                                    

"Ang unang bagay ay ang Heaven Recovery Pill. Ito'y gawa ng isang tanyag na Alchemist na si Hans Rowell. Hindi tayo bago sa kakayahan ng pill na'to, kaya nitong pagalingin ang malubhang sugat ng isang Master Rank na martial artist sa isang iglap lamang. Magsisimula ang tawad sa 500,000 Gold Royals at di bababa sa isang libo ang dagdag."

(A/N: Alchemist. Sila yung gumagawa ng mga pills.)

Sa oras na natapos ang pangungusap ng punong-abala ay agad nag-init ang looban ng Auction House dahil sa mga tawad.

"501,000 Gold Royals!"

"505,000 Gold Royals!"

"510,000 Gold Royals!"

Patuloy sa pagtaas ang presyo ng Heaven Recovery pill.

"Young master, alam mo ba na lahat ng Alchemist ay may matayog na stado, lalo na ang mga alchemist na may kakayahang gumawa ng Heaven Rank pill!" Sabi ni delia.

Nahahati ang pill sa tatlong antas. Mortal, Earth at Heaven. Ang heaven ang pinakamataas sa lahat.

Tumango si Titus sa kanya.

At siya'y muling nagpatuloy sa kanyang sinasabi, "at ang Hans Rowell na'to ay isa sa mga Alchemist na may kakayahang gumawa ng isang Heaven Rank Pill," Natigilan siya sandali. "Pero dahil sa sobrang hirap gawin ang isang Heaven Rank ay umaabot hanggang langit ang presyo nito."

Hindi mapigilan ni Titus ang sumang-ayon sa rason kung bakit ang karamihan ng mga Alchemist ay mayayaman. Mataas man ang presyo ng isang Heaven Recovery Pill hindi parin maikukubli ang pangangailangan ng mga martial artist dito.

"600,000 Gold Royals!" Tawag ng isang lalaking nasa number 52.

Nang narinig ng punong-abala ang tinawag na presyo labis itong natuwa. "Oh, 600,000 Gold Royals. May mas mailalaki pa bang tawad dito?" Tanong ng punong-abala sa lahat, na umaasang tataas pa ang presyo.

"610,000 Gold Royals!" Tawag mula sa ibang upuan

"630,000 Gold Royals!" Muling tawag ng lalaki.

"650,000 Gold Royals!"

Tumingin sa direksyon ng tumawag ang lalaki "Kaibigan, kung maaari'y wag ka nang magbigay pa ng tawad. Labis kong kailangan ang bagay na'to."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay muli siyang nagbigay ng tawad "680,000 Gold Royals!"

Naging tahimik ang buong lugar.

Ilang sandali pa't nagtanong ang punong-abala "680,000 Gold Royals, wala na bang tatawad pa sa inyo?"

"680,000 Gold Royals going once!"

"Going twice!"

"Going thrice! Ang Heaven Recovery pill ay mapupunta sa ginoong nakaupo sa number 52!"

Bumuntong hininga si Titus sa kanyang kalooban. 680,000 Gold Royals sa halagang ito makakabili ka na ng isang Third-grade Spiritual Treasure.

Pagkatapos ay may dalawang babae ang umakyat ng entablado na may dala-dalang bagay. Tumango ang punong-abala sa kanila saka sila bumaba. "Ang susunod na bagay ay isang baluti! Ang baluting ito ay nakita ng isang Master Rank na martial artist sa isang sirang lugar kung saan may bakas ng digmaan ng mga naunang tao at diyablo. Wala pang galos ang baluting ito't amin nang nasuri, ang tantiya namin ay isa itong Third-grade Spiritual Treasure. Kaya nitong salagin ang atake ng isang Grandmaster Rank 1 star at masasabi kong ito'y tunay! Magsisimula ang tawad sa 500,000 Gold Royals at hindi bababa sa isang libo ang dagdag!"

Nang natapos ang pag-paliwanag ay agad na may nagbigay ng tawad "510,000 Gold Royals!"

At sumunod pa ang iba.

"Young master, wala ka bang balak sumali para sa baluting ito?" Tanong ni Delia.

Umiling si Titus at sinabing "Wala. Iba ang rason kung bakit ako naririto,"

Saan ka nakakita ng isang assassin na gumamit ng baluti? Para kay Titus pabigat lang ito.

Kalauna'y ang baluti ay nabili sa halagang 600,000 ng isang hindi nagpapakilalang nakaupo sa number 11.

Sumunod ang ikatlong bagay, ikaapat, ikalama hanggang sa ikasampung bagay.

Lahat ng bagay ay nagsimula sa presyong 500,000 Gold Royals.

Matatapos na sana ang subasta ng biglang may isa pang bagay na dinala sa entablado. Nagtaka ang punong-abala pero ipinagpatuloy parin pagkatapos.

"Sa lahat ng nandito, may isa pang bagay ang natitira. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang bagay na'to at ang masasabi ko lang ay nagbibigay ito ng kakaibang enerhiya, gusto ng may ari na isubasta ito. Sa mga taong marunong kumilatis at magbigay halaga, kayo na ang humusga. Magsisimula ang tawad sa 200,000 Gold Royals at hindi bababa sa isang libo ang dagdag!"

Sa upuan na may number 49. Dito nakaupo ang mag amang Lorent. Na sina Duven at Ganta Lorent.

"Ama, totoo nga. Nandito ang bagay na hinahanap natin," sabi ni Duven Lorent.

Ngumisi si Ganta at sinabing, "Sa wakas anak, makakasama na nating muli ang iyong ina. Nag tiis tayo sa loob ng dalawang taon pero akalain mo nga naman sa loob lamang ng dalawang taon ay matatapos na natin ang ating misyon,"

Tumayo si Ganta sa kanyang kinauupuan "300,000 Gold Royals! Ako si Ganta Lorent at Kukunin ko ang bagay na yan!"

Napatingin si Titus sa direksyon ng mga Lorent. Sila talaga ang puntirya niya dito sa subastahan.

"300,000 going once, going twice, going thrice! Kay master Lorent mapupunta ang bagay na'to!"

"Mga kaibigan, dito mag-tatapos ang ating subasta. Na way nasiyahan kayo't babalik pa sa susunod na buwan," sabi ng punong abala.

'Hmm? Binili ng Lorent ang bagay na hindi alam ng lahat ang halaga.' Sa isip ni Titus at pagkatapos ay tumingin siya kay Delia " binibining Delia, may hihingin sana akong pabor."

Tiningnan siya ni Delia sa kanyang mga mata. "Ano 'yon Young master?"

"Susundan ko ang pamilyang Lorent, kapag isang oras na ang lumipas at hindi pa ako nakakabalik gusto kong abisuhan mo ang iyong ama na pumunta siya sa lugar ng mga Lorent na may dalang hukbo."

Nagulat si Delia sa sinabi ni Titus. "Anong ibig mong sabihin? Ang bilin sa'kin ni ama'y wag kang iwan at palaging samahan."

"Wala na akong panahon para ipaliwanag sayo ang lahat," sabi ni Titus.

**********

Matapos ang subasta, sa mansyon ng pamilyang Lorent.

Sa malaking bulwagan. Nakatayo si Ganta sa gitna at sa harap niya'y isang maliit na lawa ng dugo habang ang ibang miyembro ng pamilyang Lorent ay nasa likuran niya nang nakaluhod.

Hawak-hawak ni Ganta ang bagay na nabili niya kani-kanina lang at pagkatapos ay inilagay niya ito sa lawa ng dugo.

"O, sinaunang diyablo. Anak ng kalangitan at kalupaan. Ang lawa ng dugong ito'y aking inaalay at ang iyong pusong nanigas dahil sa mga panahong lumipas. Inaasam ang iyong muling paglitaw sa mundong ibabaw. Tinatawagan kita Koruk!"

Isang bakas ng ngiti ang makikita sa mukha ni Ganta.

Pero lingid sa kaalaman ni Ganta, si Titus ay nakasunod sa kanila mula pa sa Auction House Hanggang sa makarating sila sa kanilang mansyon na kasalukuyang nagtatago at inoobserbahan ang lahat.

Chapter Name: Devil Koruk

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon