Chapter 38: Titus Vs Elnar 2

3K 170 11
                                    

"Harapin mo ang 'yong kamatayan!"

Sumigaw si Elnar at nagbigay ng matindig liwanag ang kanyang sable. Sa oras na hiniwa pababa ang sable, isang matinding presyur ang bumalot kay Titus. Nagulat si Titus at agad na pumadyak sa sahig saka gumalaw na parang kidlat.

Bang!

Nang tumama ang sable ni Elnar sa sahig ng Fighting Ring, kumalat ang mga nabasag na bato sa paligid. Ang sahig ng Fighting Ring na ito'y may nakasuporta na formation array, at kasing tigas ng isang bakal, ngunit nagawa paring gumawa ni Elnar ng isang maliit na butas gamit ang kanyang sable. Patunay lang na hindi sabi-sabi ang lakas ni Elnar.

Kahit na hindi tumama ang sable niya kay Titus, hindi pinanghinaan ng loob si Elnar, sa halip ay tumawa. "Titus! Gusto mong makipagpaligsahan sa'kin ng bilis?"

"Pagdating sa bilis, wala nang makakatalo sa'kin. Tanging ang Greis lang ang makakatalo sa isa pang Greis!" Sa oras na sinabi ito ni Elnar, nagiba ang stilo ng kanyang mga yapak at ang katawan niya'y naging isang malabo na afterimage.

"Wind Dancing Steps ng pamilyang Greis!"

"Ito ang isa sa pinaka iingatan na Martial Art Technique ng pamilyang Greis! Parang sumasayaw sa hangin ang gumagamit nito na kayang mawala at lumitaw anuman ang kagustuhan."

"Ngayon, sa papaanong paraan ito balak harapin ni Titus."

Habang nagsasalita ang mga manonood ay gumalaw na si Elnar na tila isang hangin at agad na lumitaw sa likod ni Titus. Ang sable ay muling lumiwanag dahil sa kapangyarihang binibigay ng Spiritual Ki.

Swooosh~~~

Hiniwa pababa ni Elnar ang sable sa likuran ni Titus!

Nagpalabas ng masamang ngiti si Elnar. 'Ang patay na henyo, ay walang pinagkaiba sa patay na tao!'

Nakaramdam si Titus ng presyur sa kanyang likuran. Umikot siya at hinarap ang atake ni Elnar.

"Hu!"

Humaginit ang sibat ni Titus, na tila isang dragon na handang lunukin ang kanyang nahuli.

Clank!

Madaling dinespatsa ni Elnar ang lakas ng atake ni Titus at umatras ng limang metro. May makikitang pagkagulat sa kanyang mukha. "Hindi ka lang pala mabilis, malakas ka rin!"

"Hmmp!" Suminghal lang si Titus, at siya naman ang umatake.

Boom!

Nagbanggaan ang sandata ng dalawa at nagkaroon ng lamat sa sahig dahil sa sobrang pagkadiin ng mga paa ni Elnar.

Naging matalim ang tingin ni Titus na parang isang kutsilyo. Binawi niya ang kanyang sibat at mabilis na iniba ang kanyang tindig sa tindig ng pagtusok.

Swish~

Hindi tumama ang ginawang pagtusok ni Titus at nadaplisan lamang ang damit ni Elnar.

Pagkatapos ay dumistansya ang dalawa.

'Ito ba talaga ang Titus na kilala ko?!' Nang makita ni Elnar ang lakas at abilidad ni Titus, nagsisimula na siyang magduda kung si Titus pa ba talaga ang nasa harap niya.

'Bawat galaw niya'y simple at direkta, ngunit mabigat ito at mahirap salagin. Kung titingnan sa ibang anggulo, mukhang normal na paghampas ang ginawa niya pero nagagawa niya parin itong bawiin at gumawa ng sunod na pag atake.' Sa isip ni Elnar.

'Mas bata pa sa'kin ng isang taon ang Titus na'to, at tatlong buwan lang ang ginugol niya para humakbang sa Elite Rank!' Nabahala ng kaunti si Elnar. 'Kung bibigyan pa siya ng isa o dalawang taon, siguradong malalampasan niya ako!'

Gayunman, may hindi alam si Elnar.

Sa loob ng tatlong buwan, hindi tumigil si Titus sa pagsasanay ng kanyang Fundamentals sa sibat. Unting-unti niyang na master ang kanyang Spear Intent hanggang sa kahit hindi niya ito gamitin ay may makikita paring bakas sa kanyang mga normal na atake.

Sa kabila nito, hindi pa gumagamit si Titus ng Technique.

Tumayo ng matuwid si Elnar at tiningnan ng diretso si Titus. "Titus! Tinatanggap ko na magkasing level ang lakas natin kahit na mas mababa ka ng dalawang stages. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na sumusuko na'ko. Isa itong laban hanggang kamatayan, kaya ang sumuko ay isang kahihiyan para sa isang martial artist!"

Hinawakan ni Elnar ng mahigpit ang kanyang sable at ngumiti ng masama. "Titus! Pagpasiyahan natin ang mananalo sa tatlong atake!"

Tiningnan siya ni Titus ng mahinahon at hindi sumagot.

"Ano?! Sumagot ka! Naduduwag ka ba?" Sigaw ni Elnar kay Titus.

'Hmmp! Tingnan natin kung makakatakas ka pa sa bitag na ginawa ko!' Sa isip ni Elnar.

"Tatlong atake mula kay Elnar. Kalimutan na ang tatlo kahit ang isang atake ay hindi ko kayang salagin." Sabi ng isa mula sa mga manonood.

"Tinanggap ni Elnar na magkasing level silang dalawa. Isang kahihiyan para kay Titus kung hindi niya ito tatanggapin."

"Nahulog si Titus sa bitag ni Elnar."

Sa unang pagkakataon, ngumiti si Titus at itinaas ang isang daliri niya. "Isa!"

"Huh?!"

Naguluhan ang lahat at hindi alam kung ano ang nais sabihin ni Titus.

"Isang atake lang ang kailangan ko para talunin ka!" Dugtong ni Titus sa kanyang salita.

Woah!

Biglang naging excited ang mga manonood.

"Magsimula na tayo!" Sabi ni Titus at hinawakan ng mahigpit ang kanyang sibat.

Nagdilim ang pagmumukha ni Elnar at ipinaikot ang kanyang Spiritual Ki sa sukdulan.

Nagbigay ng mahinang ungol si Elnar at sumugod kay Titus. Initaas niya ang kanyang sable at hiniwa pababa.

"Flowing River Slash!!!"

Ang atakeng ito'y naglalaman ng isang daang porsiyentong lakas ni Elnar.

"Haaa!"

Walang balak maliitin ni Titus si Elnar kaya ginamit niya rin ang isang daang porsiyento ng kanyang lakas at pitumpung porsiyento ng kanyang Spear Intent.

Bang!

Ang sibat at sable ay nagbanggaan na parang kometa, at ang lakas ng sibat at sable ay kumalat sa paligid. Dahil sa lakas ng impact napaatras ang dalawa ng ilang metro.

Tumingin si Elnar kay Titus ng may halong pagkagulat. "Nagawa mong salagin ang unang pag atake ko!"

Napaatras si Titus ng sampung metro, at ang mukha niya'y mahinahon parin. Ngunit iba ang nasa isipan ni Titus. 'Ibang klase! Pitumpung porsiyento na ng aking Spear Intent ang ginamit ko ngunit bahagya ko lang ito nasalag!'

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon