Chapter 40: 3 Years Later (Final Chapter of Volume)

6K 247 37
                                    

'Marjison Greis.. ang number one sa ikatlong baitang, labing walong taong gulang.' Sa isip ni Titus.

"Titus, uulitin ko. Alang-alang sa pagiging kasamahang disipulo natin, hayaan mo nang mabuhay ang kapatid ko." Muling ibinuka ni Marjison ang kanyang bibig at sa pagkakataong ito, ginamitan niya na ng Spiritual Ki upang palakasin.

Mahinahon na pinagmasdan ni Titus si Marjison. 'Nagawa niyang ikansela ang atake ko sa isang hampas lamang, at nasa half-step Master Rank ang lakas niya.'

'Wala rin kaming anumang sama ng loob sa isa't isa, kaya walang saysay kung itutuloy ko pa ang bagay na'to.' Tumalikod si Titus, at unti-unting naglakad palayo.

"Salamat, ituturing ko ito bilang isang malaking pabor," sabi ni Marjison.

Nang makita ni Elnar ang ginawa ng kanyang kuya, hindi niya mapigilan ang magngalit hanggang sa magdugo ang kanyang gilagid. "Kuya! Bakit mo ginawa 'yon?! Maliwanag ang pagkatalo ko kaya dapat ko itong tanggapin ng malu.." pero bago niya matapos ang kanyang sasabihin ay pinatigil na siya ni Marjison.

"Tumigil kana!" Tumingin sa direksyon niya si Marjison, galit na galit, kahit ang Spiritual Ki nito'y wala na sa kontrol. "Sobra-sobra na ang kahihiyang ibinigay mo sa pamilya! Aalis kana sa Azure Dragon Academy at hihingin ko kay ama na bigyan ka nang matinding kaparusahan paguwi mo!"

Dahil sa mga nangyari, nagtapos ang laban ni Titus at Elnar sa hindi inaasahang paraan. Nanalo si Titus, at malinaw ang kanyang pagkapanalo.

**********

Lumipas ang ilang araw.

Patungo ngayon si Titus sa Thousand Beast Mountain para simulan ang kanyang pagsasanay.

"Hindi ba si Titus 'yon, Ang number one sa unang baitang." Isang maliwanag na boses ang narinig ni Titus hindi kalayuan.

Hindi mapigilan ni Titus ang kanyang sarili at napalingon sa direksyon ng boses, at nakita niya ang dalawang magandang babae na naguusap habang nakatingin sa kanya. Nang makita ng dalawa na nakatingin sa kanila si Titus, bigla silang bumungisngis at hininaan ang kanilang boses.

"Ganito pala ang pakiramdam ng maging sikat," bulong ni Titus.

Sa mga nagdaang ilang araw, may nakakasalubong si Titus na naguusap tungkol sa kanya. Dahil sa natalo niya si Elnar Greis, na matagal ng tinatago ang kanyang lakas, sang-ayon ang lahat na si Titus ang maging number one sa unang baitang.

**********

Sa Thousand Beast Mountain, Zone 1.

"Haa!"

Peng~

Napaatras si Titus ng limang metro dahil sa lakas ng pagkakahampas sa kanya ng One-eyed Berserker Ape.

Ang One-eyed Berseker Ape na'to ay nasa Middle Stage 1 ang lakas.

"Fundamentals lang.. wala akong ibang gagamitin kundi ang Fundamentals lang.."

Nakatingin si Titus sa Beast na nasa kanyang harapan. Sa ilalim ng pagtuturo ni Asdawer Draak, iminungkahi sa kanya na huwag gumamit ng Martial art Techniques at Spiritual Ki habang nakikipag laban.

Pinaalalahanan din siya ni Asdawer na huwag lalampas sa Zone 1, dahil ang mga Beast na nandoon ay nasa Stage 2 pataas na lahat.

Hindi normal ang pagsasanay na ginagawa ni Titus dahil may mga nakakabit na mga pampabigat sa kanyang katawan.

Upang maging malakas kailangan niyang itulak ang kanyang katawan sa limitasyon.

**********

Nang matapos ang unang taon ni Titus sa Azure Dragon Academy, bumalik si Titus sa kanilang Mansyon.

Sa tuwing bagong taon, binibigyan ang lahat ng disipulo ng Azure Dragon Academy na umuwi sa kanila, dahil karamihan sa mga ito'y nanggaling pa sa malayo.

Lumipas ang mga panahon.

Pinagpatuloy ni Titus ang pagiging mag-isa sa Azure Dragon Academy at ang karamihan sa oras niya'y nakagugol sa kanyang pagsasanay sa Thousand Beast Mountain.

Hindi namamalayan, unti-unti nang nagiging binata si Titus. Lumalakas ang kanyang gana sa pagkain at nagsisimula na rin siyang tumangkad. Kasabay ang pagkakaroon niya ng magandang hubog ng katawan.

**********

Lumipas ang tagsibol, at ang taglagas ay dumating. Sa isang kisap mata, tatlong taon ang lumipas.

Sa taong ito, labimpitong taong gulang na si Titus.

Sa paglipas ng mga araw at taon.

Matapos niyang i-master ang lahat ng Fundamentals ng sibat, ang kayang Spiritual Ki ay mabilis na tumaas.

Noong siya'y nasa edad labinlima, naabot niya ang lakas ng isang Expert Rank, at noong nasa edad labing anim, naabot niya ang lakas ng Master Rank, at ngayong labimpito, Half-step Grandmaster na ang kanyang lakas.

Hindi malayo sa lakas ng mga direktor!

**********

Sa Azure Dragon Academy, sa Pribadong Mansyon.

Nakaupo si Titus sa Lotus na posisyon at may hawak-hawak na isang sobre sa kanyang kamay.

Pinagmasadan niya ang sobre ng ilang minuto bago nagdesisyong buksan ito.

Nilalaman ng sobre:

Young master krieg.

Magandang araw sa iyo. Nais sana kitang anyayahan na dumalo sa aking ikalabing walong kaarawan na gaganapin tatlong araw mula ngayon.

Inaasahan ko ang iyong pagdating.

Inaasahan ko rin ang pagkikita nating muli.

Nagmamahal, Elizabeth Draak.

☆☆☆☆☆

A/N: End of the first volume.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon