Chapter 17: Auction Begins

3K 175 4
                                    

Bang!

Biglang bumukas ang pinto ng kanilang silid at napahinto ang lalaki. "Sino yan?!".

Tumikhim ang pumasok na may takip ang mukha. "Mali yata ang tiyempo nang pagpasok ko."

"Sino ka? Ano ang kailangan mo?" Tanong ng lalaki habang nananatiling alisto at inaabot ang kanyang kamay sa kumot para takpan ang katawan niya.

Ang pumasok at gumambala sa milagrong ginagawa ng lalaki ay walang iba kundi si Titus.

Tumingin si Titus sa lalaki at sinabing, "May mga ilang katanungan lang ako para sayo."

"Anong klaseng mga katanungan?" Tanong ng lalaki.

"Bakit madalas pumunta ang isang tulad mong tagabenta ng mga alipin sa bahay ng pamilyang Lorent?" Direktang tanong ni Titus.

"Bakit mo gustong malaman 'yon?" Tanong ulit ng lalaki.

Hindi nagustuhan ni Titus ang asal ng lalaki kaya't gumalaw siya at sinikmuraan niya ito.

"Argh!" Napahawak sa tiyan ang lalaki at napaluhod.

"Ako ang nagtatanong dito at hindi ikaw. Sagutin mo ang tanong ko bago pa maubos ang pasensya ko," Sabi ni Titus.

Tumayo ang lalaki habang nakahawak parin sa kanyang tiyan "Pa..para bumili ng alipin. Buwan buwan bumibili sila sa akin ng isang daang alipin, walang labis walang kulang."

Muling tumingin si Titus sa lalaki at nagtanong "Alam mo ba ang rason kung bakit sila bumibili sayo ng mga alipin?"

Umiling ang lalaki "Hindi ko alam. Ang sabi lang nila sa'kin ay kailangan kong magbigay ng mga alipin sa kanila at hindi problema ang bayad."

"Gaano katagal ka nang nagbebenta ng alipin sa kanila?"

Agad na sumagot ang lalaki at sinabing "Mga dalawang taon na,"

'Dalawang taon, lampas dalawang libong alipin. Ano ang gagawin nila sa ganon ka daming alipin? ' Sa isip ni Titus.

Tumango si Titus "Sige. Sapat na yon." Saka siya lumitaw sa likod ng lalaki at pinalo sa leeg.

Limingon si Titus sa babae at bigla rin itong hinimatay.

**********

Sa lahat ng maharlikang nasa listahan, ang pamilya ng Lorent ang lumabas na kahinahinala dahil sa sobrang pagiging tahimik nito.

Dalawang taon ang nakakaraan bigla nilang isinirado ang kanilang pintuan at pinutol ang ugnayan sa mundo.

Ayon sa dukomento kahit na walang masyadong interaksyon ang pamilyang Lorent sa mundo ay nakikipag kita ito sa tagabenta ng alipin. Siguradong may malaking binabalak ang pamilyang Lorent.

'Kung balak ng pamilyang Lorent ang bumuo ng isang hukbo napaka imposible ng ideyang yon, malaking pera ang kailangang igugol para gumawa ng gano'n.' Napailing na lamang si Titus.

'Sa ngayon hindi ko pa alam kung ano ang motibo ng pamilyang Lorent.' Ang magagawa na lamang ni Titus ay ang isang tabi muna ito.

Naghanap si Titus ng lugar kung saan pwede siyang magpalipas ng gabi dahil bukas na gaganapin ang subasta.

**********

Lumipas ang gabi at ang umaga'y dumating. Ngayon ang araw ng pinakahihintay ng lahat ang buwanang subastahan.

Patungo ngayon si Titus sa Auction House kung saan gaganapin ang subasta. Pag dating niya namangha siya sa laki nito.

Maraming tao rin ang nakikita ni Titus na patungo sa Auction House. Sa gate may dalawang guwardiya ang nakabantay na nasa Expert Rank ang lakas.

Patunay na hindi pipitsugin ang may-ari nito.

Habang tumatagal parami ng parami ang pumapasok sa loob.

"Paumanhin. Maari po ba naming makita ang inyong katibayan ng pagpasok?" Sa gate pinahinto si Titus ng isang guwardiya.

'Katibayan ng pagpasok?' Tumingin si Titus sa paligid at sa mga taong naunang pumasok. Nakita niya na may hawak silang pulang kard.

"Ang tinutukoy mo ba ay ang pulang kard?" Tanong ni Titus sa guwardya.

"Tama. Ang pulang kard," Tugon nito.

Napaisip si Titus 'Paano ba to, balita ko misteryoso ang may-ari ng Auction House na to at di masukat ang lakas. Hindi ko magagamit ang tatak ng Krieg baka magkaproblema lang.'

Sa gitna ng kanyang pag-iisip, nakarinig si Titus ng isang ka aya-ayang tinig mula sa likod

"Young master Krieg, Salamat naman at naabutan kita."

Lumingon si Titus at nakita niya si Delia Balkins na naglalakad patungo sa kanya. "Binibining Delia, ano ang ginagawa mo dito?"

Tiningnan siya ni Delia at sinabing, "Alam ni ama na pupunta ka sa subasta kaya inatasan niya ako para samahan ka," At pagkatapos ay inilipat niya ang kanyang tingin sa mga guwardiya.

"Ito ang katibayan ng pagpasok, maari na ba kaming tumuloy?" Tanong ni Delia habang pinapakita ang pulang kard.

Tumango ang guwardya at pinapasok sila.

Sa loob ng Auction House.

Konti lang ang mga taong naririto, nasa tatlong daan lang pero ang lahat ng nandito ay mga maharlika at kilalang tao lahat.

Sa bawat pulang kard ay may nakalagay na number at ang kard na hawak ni Delia ay may nakalagay na 25.

Ang mga number na ito ang kumakatawan kung saan sila uupo.

Sa gitna isang entablado ang nakalagay.

Makaraan ang ilang sandali tunog ng mga yapak ng paa ang maririnig mula sa direksyon ng entablado at isang babae ang makikitang naglalakad patungo rito. Sa oras na nakita ni Titus ang babae siya'y namangha hindi dahil sa angking ganda nito kundi dahil sa lakas ng babae, nasa Expert Rank 3 stars.

Pagdating ng babae sa gitna ng entablado siya'y huminto at tumingin sa lahat ng mga taong naririto "Ako si Jenna Johans ang inyong punong-abala sa subastang ito. Sa ngalan ng lahat ng mga taong naririto sana'y suwertehin kayo't makuha niyo ang mga nais niyong bagay.

Nais ko lamang ipaliwanag sa inyo ang patakaran sa subastang ito: Una, hindi kami tatanggap ng kahit anumang uri ng salapi maliban sa Gold Royals. Pangalawa, walang sino man ang pwedeng makialam sa mga taong gustong tumawad. Kung hindi sila'y paaalisin at kung may nangahas na umatake sa loob ng subastahang ito sila'y agad na papatayin sa kanilang mismong upuan.

Simulan na natin ang subasta!

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon