Chapter 30: Tenth Floor

2.8K 187 7
                                    

"Isa pa."

Whoosh~~

Nine Dragons Destruction Art! First Form!

Muling sumugod si Titus at nagpakawala ng isa pang atake sa mga Spiritual Puppet, tulad ng kanina ay napa-atras lang ang mga ito at hindi parin nabubuwag ang kanilang Battle Formation.

'Hmm?'

Sa sandaling 'yon may napansin si Titus sa isang maliit na bahagi ng Battle Formation.

'So gano'n pala 'yon!'

Nadiskubre niya ang napakaliit na gap sa Battle Formation nila. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Titus at agad na inipon ang konting bahagi ng kanyang Spiritual Ki papunta sa kanyang mga paa.

Lightning Flash Steps!

Zap~~~

Biglang lumitaw si Titus sa isa sa mga Spiritual Puppet kung nasaan ang gap.

Nine Dragons Destruction Art! First Form!

Boom!

Ang katawan ng Spiritual Puppet ay sumabog sa tindi ng atake ni Titus.

Lakas at bilis, 'yon ang ipinakita ni Titus ngayon. Kapag ipinagsama ang dalawang aspetong ito ay kaya nitong gumawa ng isang atake na kahit ang isang ordinaryong Elite Rank 3 star na martial artist ay makakaramdam ng matinding panganib.

Dahil sa kulang na ng isa ang mga Spiritual Puppet ay humina ng lubusan ang kanilang Battle Formation. Hindi tumigil si Titus sa kanyang atake at nagpatuloy na salakayin ang natitirang pang mga Spiritual Puppet.

Sa loob ng ikasiyam na palapag isa lang ang makikita at 'yon ang silweta ni Titus na lumilitaw sa iba't ibang direksyon, isa-isang tinatalo ang mga Spiritual Puppet.

Sa isang iglap, lahat ng Spiritual Puppet ay naglaho.

Huminga ng maluwag si Titus. "Ang ipinagsamang atake ng Battle Formation na ito ay hindi biro. Nahirapan siguro sina Pangdu Inie at ang disipulong may malakas na killing intent dito at nagtamo ng sugat. Gayon pa man, mas malakas ang technique ko kaysa sa kanila at bihasa ako pagdating sa grupong labanan."

Ang sinabi ni Titus ay hindi kasinungalingan dahil pagdating sa maramihang kalaban, sibat ang nangingibabaw.

Rumble~~

Isang gintong pinto ang unti-unting lumilitaw sa harapan ni Titus. Kakaibang rune patterns ang nasa pintong ito at higit pa do'n may gumigiting na presyur mula rito.

'Ito na, ito ang pintong magdadala sa akin sa ikasampung palapag. Hahamunin ko ito, porke't na bigo ang iba ay hindi ibig sabihin na mabibigo rin ako pero bago ang lahat kailangan ko munang bawiin ang nagamit kong Spiritual Ki. Hindi ako maaaring maging pabaya dito.'

Pinagmasdan sandali ni Titus ang pinto at pagkatapos ay umupo siya at nagsimulang mag meditate.

**********

"Tumigil ba siya?"

"Tingin ko binabawi niya ang kanyang lakas at balak niyang hamunin ang ikasampung palapag!"

Kumislap ang mga mata ng disipulong may malakas na killing intent pero bigla din itong nawala.

'Ano, ano kaya ang magiging reaksyon mo sa oras na makita mo siya Titus!' Sa isip ni Pangdu.

**********

Training Grounds.

"Kapatid..." Nagaalalang bulong ni Selesti.

"Nababahala ka ba tungkol sa kapatid mo Selesti?" Tanong ni Martha.

"Hindi ko mapigilan ang hindi mabahala."

Napaisip sandali si Martha at sinabing, "Nung kumuha ako ng pagsusulit bahagya kong naipasa ang ikasiyam na palapag ng Battle Pagoda kaya hindi ako sigurado kung ano ang naghihintay sa kapatid mo sa ikasampung palapag, pero huwag kang mag alala dahil may nakalagay na Protection Formation Array sa loob kaya walang mangyayaring masama sa kapatid mo."

Sa mga oras na ito ay may kahibangan na makikita sa mga mata ni Elnar Greis.

'Titus!!! kahit gaano kapa kahenyo dudurugin parin kita! wawasakin ko ang kinabukasan mo bilang isang martial artist!'

**********

"Gagawin kong disipulo ang Titus Krieg na 'to," sabi ni Punong Direktor Asdawer ng biglaan.

Nagulat ang lahat ng mga direktor sa kanilang narinig.

"Ano?"

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo Punong Direktor?"

"Oo nga, kahit minsan hindi ka pa nag-admitido ng disipulo."

"Sayang naman, iniisip ko pa naman na gawing personal na disipulo ang batang ito," Saad ni Direktor Jan Tungmo.

Ngumiti si Punong Direktor Asdawer. "Walang hanggan ang potensyal ng batang ito. Masasayang lang kung hindi ako ang magiging Master niya."

Tumango ang lahat sa kanilang narinig.

Makatwiran lang na si Punong Direktor Asdawer ang magiging master ni Titus dahil sa loob ng Azure Dragon Academy siya ang pinakamalakas.

Magkakaroon din siya ng karapatan sa maraming bagay, gaya na lamang ng pagpasok sa loob ng Martial Hall ng hindi nililimitahan, dadami rin ang ibibigay sa kanyang Mortal Spiritual Pill buwan-buwan, at ang lugar ng kanyang silid kung saan siya mananatili ay sagana sa Spiritual Ki.

**********

Tumayo si Titus at ini-adjust ang sarili nang konti tsaka nagpatuloy patungo sa gintong pinto.

Tumigil siya harap nito, huminga ng malalim at pagkatapos ay tinulak ang pinto para bumukas.

Isang hagdan ang naka-abang sakanya. Humakbang siya rito at nagsimula nang manglakad, dahan dahan ngunit tiyak.

Pagdating niya sa ikasampung palapag, ibang klaseng lugar ang kanyang nakita. Isang madamong kapatagan.

'Hmm? Hindi ko magamit ang aking Spiritual Ki. May Restrictive Formation Array dito.'

Ilang sandali pa ay isang binatilyo ang lumitaw sa kanyang harapan.

Nakapulang damit ito at nakatali ang buhok paitaas.

"Ako si Zonder Draak at isa lamang akong maliit na diwa ng totoong katawan. Maligayang pagdating sa ikasampung palapag, naramdaman mo bang biglang hindi mo magamit ang iyong Spiritual Ki? Huwag kang mag-alala dahil kasama ito sa pagsusulit."

"Ako ang makakalaban mo dito at ang kasanayan lang natin sa sandatan ang ating gagamitin."

'Ang founder ng Azure Dragon Academy!'

Sumikip ang dibdib ni Titus at napahawak sa sibat ng mahigpit.

Isang espada ang lumitaw sa kamay ni Zonder Draak.

Sa isang padyak umatake si Zonder Draak kay Titus.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon