Chapter 3: Azure Dragon Academy

4K 239 7
                                    

Azure Dragon Academy. Isa sa mga sect ng kontinente ng Stervel. Maraming sects ang nakakalat sa kontinente pero tangi ang Azure Dragon Academy lamang ang saklaw ng isang imperyo.

May limang pinakamataas na sect sa buong kontinente. Ang Wafting Wind school, Ten Thousand Shadow sect, Whirling Whirlwind sect, Flower Valley sect at isa na rito ang Azure Dragon Academy.

May history ang academy ng limang daang taon kaya matatag ang pundasyon nito. Ang nagpatayo ng Azure Dragon Academy ay ang Ancestor ng imperyong Draak na si Zonder Draak.

Ang kasalukuyang punong direktor ng academy ay ang apo ni Zonder Draak na si Asdawer Draak.

Matatagpuan ang Azure Dragon Academy malapit sa Thousand Beast Mountain sa dakong timog ng imperyo at may distansyang anim na raang kilometro mula sa imperyo.

**********

Lumipas ang isang araw, sa Azure Dragon Academy.

May isang binatilyo ang naglalakad. Nasa edad labing-apat o labinlimang taong gulang. Nakatali ang buhok at may kutis na mala lungtian. Ang mga kilay ay parang espada na tumugma sa ganda ng mata at naka puting damit pang mayaman.

Ang binatilyong ito'y si Titus Krieg.

Si Titus ay patungo sa lugar ng mga disipulong nasa unang baitang.

Hindi nagtagal nasa harap na siya ng kanyang silid.

Pag pasok niya simple lang ang loob nito. Pagkaraan ng ilang minuto agad din siyang lumabas.

Ayon sa memorya ng katawan, may binibigay na pills sa mga disipulo kada isang buwan kaya papunta ngayon si Titus sa Pill Hall para kunin ito.

May apat na Halls sa Azure Dragon Academy. Ang Pill Hall, Martial Hall, Law Inforcement Hall, at ang Treasure Hall.

Ang Pill hall ang responsable para sa mga pills na gagamitin ng academy. Sa Martial hall naman mahahanap ang lahat ng martial arts technique ng academy samantala ang Law Inforcement hall naman ang nagpapanatili ng kaayusan at ang Treasure hall, doon nakalagay ang lahat ng mahahalagang bagay.

Ang bawat halls ay pinamamahalaan ng isang Direktor.

Ang pills na binibigay nila ay ang Mortal Spiritual Pills. Nakakatulong ito sa meditation training ng mga Warrior Rank pababa.

Ang stages ng lakas sa mundong ito ay nahahati sa Warrior rank, Elite rank, Expert rank, Master rank, Grandmaster rank at Legendary rank. Ang bawat rank ay may tatlong stages din, ang 1 star, 2 stars, at 3 stars.

"Ito na ang mortal spiritual pills mo para sa buwan na to," Sabi ng matanda sa Pill Hall habang inaabot kay titus.

"Salamat." Kinuha ni Titus ang pill bottle at tiningnan ang loob nito.

May limang kulay ginto na pills sa loob at makinang kinang pa ito. Kumuha si Titus ng isa at inamoy. Sa pag amoy niya naramdaman niya na parang luminaw ang kanyang isip.

Halatang mabisa ang pills.

'Mapapabilis nito ang pag bukas ng Mind Palace ko.' Sa isip ni Titus.

"Oy! oy! hindi ba ito ang anak ng heneral ng silangan na si Titus."

Nang marinig ni Titus 'yon tumingin siya sa pinanggalingan ng tinig. Apat na binatilyo ang naglalakad patungo sa kanya.

"Balita ko nahimatay siya noong isang araw," Sabi ng isa sa kanila habang nakangiti na may halong pagkutya.

Tumingin ang nagsisilbing leader nila kay Titus at sinabing, "Bakit hindi ka nalang manatili sa bahay? Mas mahina ka pa yata sa babae HAHAHAHA."

HAHAHA

Sumabay ang tatlo at tumawa ng malakas.

Kalmado parin si Titus at tumingin sa leader nila. "Tapos na kayo? Kung tapos na kayo ay babalik na ako sa aking silid." Tumalikod si Titus sa kanila at nagsimulang maglakad.

Swooosh.

"Sandali lang. Bakit natatakot ka ba ha?" Tanong ng isa sa kanila habang hinaharangan ang daan ni Titus.

"Ako natatakot?" Napangiti si Titus sa sinabi ng isa at pagkatapos ay tiningnan niya ito "Naniniwala kaba na kapag hindi ka umalis diyan ay susuntukin kita?"

"Pfft! HAHAHAH, narinig niyo 'yon? Susuntukin daw ako ni Titus." Tiningnan si Titus ng humaharang sa kanya. "Sige pagbibigyan kita. Kung magagawa mong salagin ang isang suntok ko pwede ka nang dumaa-" Bago niya matapos ang sasabihin niya ay sinuntok na siya ni Titus sa dibdib.

Bang!

"Ang lakas ng loob mo! Baka nakakalimutan mong nasa Azure Dragon Academy tayo, kahit gaano pa ka-impluwensiya ng iyong ama wala siyang magagawa basta wag ka lang namin papatayin. Tanggapin mo ang suntok ko." Umatake ang leader kay Titus.

Wizzzz!

Maririnig ang tunog ng hangin dahil sa lakas ng suntok ng leader.

Umilag si Titus sa kaliwa at sinipa niya ang leader sa tiyan kasama ang buong bigat niya.

Thud!

Napaatras ang leader ng tatlong hakbang habang gulat na gulat dahil sa sipa ni Titus.

Hindi niya inaasan na ganoon kalakas ang sipa ni Titus dahil alam niya na hindi pa nabubuksan ni Titus ang kanyang Mind Palace samantalang siya ay nasa Warrior Rank 1 star na.

Ang hindi alam ng leader ay ibang Titus ang kinakalaban niya. Titus na assassin mula sa Earth, kaya sanay itong makipag laban.

Tumingin ang leader kay Titus at tumayo ng matuwid. "Magaling! Ngayon tanggapin mo ang susunod kong pag atake." Pinalawak ng leader ang kanyang tindig at nilagay niya sa unahan ang kanyang kaliwang kamaya habang ang isa ay nasa kanyang tigiliran.

Inipon ng leader ang kanyang Spiritual Ki sa kanyang kanang kamao at pagkatapos ay sumugod siya kay Titus.

"Tanggapin mo 'to! Geo Smash!"

Bang!

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon