Chapter 34: Precious Gift

3K 180 7
                                    

Kinaway ni Punong Direktor Asdawer ang kanyang kamay at isang itim na kahon ang lumitaw.

"Bilang teacher mo, bibigyan kita ng isang regalo."

swoosh~

Dahan-dahan na lumipad patungo kay Titus ang itim na kahon na para bang may sarili itong buhay.

Nataggap ito ni Titus at agad na nagpasalamat kay Asdawer. "Salamat teacher."

"Kung gusto mong makita ang nasa loob pwede mo na itong buksan." Mungkahi ni Asdawer.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Titus at dali-daling binuksan ang kahon. Pagbukas niya isang sing-sing ang kanyang nakita.

"Huh?" Nalito si Titus.

Napatawa ang mga direktor at ang Punong Direktor sa naging reaksyon niya.

Tumingin si Titus sa master niyang si Asdawer. "Teacher ito ay?"

Tumikhim si Asdawer at napahinto ang lahat sa pagtawa. "Natural lang na hindi mo alam kung ano ang bagay na yan, dahil isa yang Spatial Ring."

"Spatial Ring?" Inulit ni Titus ang salita. Hindi parin alam kung ano ang kayang gawin ng sing-sing.

"Hayaan mo akong magpaliwanag. Ang Spatial Ring ay may sariling maliit na dimensyon sa loob nito at Ginagamit ito gamit ang isipan. Ang may ari ng isang Spatial Ring ay maaaring mag lagay ng anumang bagay sa loob, at pwede rin namang ilabas."

'Kung ganoon kagaya pala ito ng Bag of Holding na nabasa ko sa libro.' Sa isip ni Titus.

Ang Bag of Holding ay isang uri rin ng Storage Treasure na mayroong maliit na dimensyon sa loob ngunit mas maliit ito kumpara sa dimensyon ng Spatial Ring.

Gawa ang Bag of Holding sa balat ng Yellow-striped Snake Void na madalas makita sa Thousand Beast Mountain.

"Subukun mong patakan ito ng dugo ng malaman mo ang buong detalye." Sabi ni Asdawer.

Tumango si Titus at agad na gumawa ng maliit na hiwa sa kanyang daliri saka pinatakan ang Spatial Ring. Gamit ang kanyang isip nagkaroon ito ng mental imprint.

Sa oras na ipinasok ni Titus ang kanyang Spiritual Ki sa loob ng Spatial Ring, Lahat ng bagay sa loob ay malinaw na lumitaw sa kanyang mga mata. Iba't ibang klase ng kayamanan ang magulong nakasalansan na para bang isang maliit na bundok.

Naroon na ang Mortal at Earth Recovery Pill, Spritual Pill, at iba pang uri ng Pill na kakailanganin ng isang martial artist.

May mga Bank notes ding kasama, at nandoon na rin ang Heaven Cleansing Marrow Pill na kanyang premyo bilang Top one sa rankings.

Sa dulo ng Spatial Ring may kawayang balumbon ang nakahiga lang doon. Gamit lamang ng isip ay kinuha ito ni Titus at inilabas mula sa Spatial Ring.

'Dragon Path Art!'

Nang makita ni Titus ang Dragon Path Art ay napailing na lamang siya. Hindi niya na ito kailangan dahil mayroon na siyang Heaven Conquering Godly Physique na hindi masukat ang lakas sa oras na makamit ang Grand Completion. Kung lalabas ang Divine Art na ito sa buong mundo, siguradong magkakaroon ng kaguluhan at marami ang masasawing mga Powerhouses dahil sa agawan.

Hindi man maikukumpara ang Dragon Path Art sa Divine Art na mayroon si Titus ngayon ay wala namang mawawala kung susubukang niya parin itong pag-aralan bilang isang reference.

Matapos suriin ni Titus ang nasa loob ng Spatial Ring ay agad siyang yumuko. "Salamat teacher sa iyong regalo."

"Mabuti naman at nagustuhan mo." Sabi ni Punong Direktor Asdawer at pagkatapos ay inutusan niya si Dave, "Dave, pwede mo nang ihatid si Titus sa kanyang bagong matutuluyan, at bukas dalhin mo siya sa Dragon Pool nang makapag meditate siya roon ng tatlong araw."

"Masusunod po punong direktor." Yumuko si Dave at tinanggap ang utos.

**********

Ang bagong matutuluyan ni Titus ay ang pribadong lugar kung saan madalas magpahinga ang Punong Direktor Asdawer. Napapalibutan ito ng maraming Formation Arrays.

Matatagpuan ito sa isang maliit na burol sa loob parin ng Azure Dragon Academy, at ito lang ang nag-iisang burol sa loob kaya masasabing off-limits at espesyal ang lugar na'to.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay may nakikita na silang isang malaking mansyon, napaka detalye ang pagkakagawa at sagana ito sa Spiritual Ki.

"Ramdam mo ba ang dami ng Spiritual Ki dito?" Biglang tanong ni Dave.

"Oo," Tugon ni Titus, at pagkatapos ay napaisip siya sandali bago muling nagsalita, "Tingin ko, dahil ito sa isang formation array."

"Tama, at ang formation array na ito ay personal na ginawa ng punong direktor. Nakakapagtaka hindi ba? hindi lang siya malakas bilang isang martial artist kundi may kaalaman din siya pagdating sa mga formation arrays." Napabuntong hininga si Dave, tapos tumingin siya kay Titus. "Napaka swerte mo talaga dahil magagawa mong manatili sa lugar na'to, kahit na kalahati lang ang sikap na ibibigay mo ay doble parin ang resulta na makukuha mo."

Ang sinabi ni Dave ay tama. Sa dami ng Spiritual Ki sa paligid, kahit na hindi mag meditate si Titus at humithit ng Spiritual Ki ay mag i-improve parin ang kanyang lakas.

Huminto sina Dave sa harapan ng mansyon.

"Hanggang dito nalang ako. Nais ko na sana hindi ka mag-tamad tamaran sa iyong pagsasanay." Sabi ni Dave at saka umalis.

**********

Kinabukasan sa loob ng mansyong tinutuluyan ni Titus.

"Heaven Cleansing Marrow Pill..."

Nakaupo si Titus sa lotus na posisyon habang hawak-hawak ang kahon na ang laman ay ang Heaven Cleansing Marrow Pill.

Ang pill na ito ay ginawa mula sa bone marrow ng Turtle Dragon at isa itong mahinahon na uri ng beast. Ang kapansin-pansin sa Turtle Dragon ay ang matigas nitong shell, na kahit ang isang Legend Rank 1 star na martial artist ay hindi ito kayang basagin.

"Ang potensyal ng katawan na ito ay likas ng mataas, sadyang pangkaraniwan lang talaga ang pang-unawa ng dating may ari kaya hindi nagamit ng maayos. Ngayon, kung idadagdag pa ang pang-unawa ko, wala ng epekto sakin ang Heaven Cleansing Marrow Pill at kung mayroon man napakaliit na nito....

Kaya napagdesisyonan ni Titus na ibigay na lamang kay Selesti ang Pill.

Habang nasa kalagitnaan ng kanyang isip si Titus ay bigla niyang naramdaman na naging aktibo ang outer layer ng Formation Array ng mansyon.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon