Chapter 14: The Weak and the Strong

3.1K 201 28
                                    

Ang White Snake Gang ay ginawa dalawang taon palang ang nakakalipas. Binubuo ito ng tatlong libong tauhan at ang Leader nila ay isang malakas na martial artist.

Dahil sa malakas ang kanilang Leader, walang nagawa ang ibang gang kaya ang White Snake Gang ang naging number one sa bayan ng afreeton.

Sinubukan na silang puksain ng otoridad subalit di matukoy tukoy ang kanilang lungga. Hula ng iba ay nasa proteksyon ang gang na 'to ng isang maharlikang pamilya.

**********

"Napakasama niyo! Mga walang puso." Sigaw ng isang lalaking taga nayon.

"Walang puso? Kami?" Tumawa ng malakas ang lalaking may pandak na pangangatawan. Tumingin siya sa kanya at sinabing. "Sa mundong ito, malakas lang ang pwedeng mabuhay!"

"Mga kasama, oras na para magsaya!" Sigaw niya sa kanyang mga kasama.

Walang alintana, isang ulo ang lumipad.

Ahhhh!

Pagkatapos ay binalot ng malatrahedyang sigaw ang buong nayon.

Sinimulan na ng White Snake Gang ang kanilang pagpatay. Ang isang maliit na nayon tulad ng Roselake ay walang halaga para sa kanila.

"Itigil niyo yan!" Ngayon lamang isang anino ang biglang lumitaw sa harap ng isang miyembro ng White Snake Gang. Sinaksak ni Titus ang kanyang sibat sa isang miyembro nila na malapit sa kanya.

Puchi!

Hinila ni Titus ang kanyang sibat at biglang bumulwak ang dugo nito.

Napatigil ang lahat ng White Snake Gang sa kanilang mga aktibidad at tumingin sa direksyon niya.

Kanina, bago dumating si Titus ay wala siyang kaalam alam sa mga kaganapan sa nayon.

Nang makita na ni Titus ang nayon ay agad niyang binilisan ang takbo ng kanyang kabayo, habang papalapit, hindi niya alam kung bakit pero masama ang kanyang kutob.

"Hiiieeeyaaah!"

Mas pinalo pa niya ng husto ang kabayo para bumilis ang takbo nito at nang makarating na siya, ilang mga residente na ng nayon ang napapatay ng White Snake Gang.

"Sino ka?!" Sigaw ng lalaking pandak.

Tumingin si Titus. "Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay magbabayad kayo sa ginawa niyo sa nayon na 'to."

"Pfft! HAHAHAH"

Humalakhak ang lahat ng White Snake Gang dahil sa sinabi ni Titus.

"Matapang na salita! Hindi mo ba alam kung anong sitwasyon ang meron ka?" Tanong sakanya ng lalaking pandak.

Ngumiti ng kaunti si Titus. "Alam ko, at alam ko rin na ito na ang huling araw niyo."

"Hangal! Hindi mo ba nakikita, may sampung tao kami, samantalang mag isa kalang! At higit pa rito nasa warrior rank 1 lang ang lakas mo! Ano ang magagawa ng isang tulad mo?" Sabi ng lalaking pandak na may halong galit at pagkutya.

"Tingnan nalang natin." Biglang nawala si Titus sakanyang kinatatayuan.

Bago mapansin ng lahat, nasa harap na si Titus ng lalaking pandak.

Nine Dragons Destruction Art! First Form!

Hong~~~

Sa oras na ginamit niya ang kanyang Nine Dragons Destruction Art ay biglang nagbigay ng kakaibang tunog ang kanyang buong katawan.

Crack!

Isang hugis dragon ang lumabas mula sa kanya sa pamamagitan ng Spiritual Ki.

Pangingibabaw at pagmamataas ang mararamdaman ng lahat sa dragon at binalot nito ang buong lugar.

"Mali ka nang kinalaban bata!" Nagpakawala ng isang matinding sigaw ang lakaking pandak saka umatake rin.

Boom!

Kagaya ng isang batong inihagis tumilapon ang lalaking pandak at napasuka siya ng dugo, nagpa ikot-ikot pa sa ere saka tumama sa lupa ng malakas at bumaligtad pa ng dalawang beses ang katawan niya bago tumigil.

Sa kanyang katawan may makikitang malaking butas! Ang isang Warrior rank 2 star na martial artist ay natalo sa isang tira lamang ng isang Warrior Rank na ang level ay mas mababa kaysa sa kanya.

Pagkatapos ng atakeng 'yon ay pinakalma ni Titus ang kanyang sarili. Sa oras na ginamit niya ang Nine Dragons Destruction Art ay natuklasan niyang malaki ang naidudulot nitong tensiyon sa kanyang katawan pero hindi parin maipagkakaila ang lakas nito.

Nang masaksihan ng mga natitirang miyembro ng White Snake Gang ang pangyayari, nanginig sila sa takot at nagsisipagtakbuhan.

Napansin ito ni Titus pero wala na siyang balak pang habulin sila. Para sa kanya kahit na makatakas pa sila kung may kaunting utak sila ay hindi na sila babalik pa sa kanilang gang dahil matapos ang lahat, hindi sila papalampasin ng kanilang leader dahil sa pagtalikod sa laban.

Ang mga ganitong klaseng tao ay di kailangan sa isang samahan.

Lumingon si Titus sa direksyon ng mga residente ng nayon at nakita niya na may mga ilang katawan ang nakahandusay. Ang iba ay putol putol pa.

Kung mahina ang sikmura mo ay siguradong mapapasuka ka.

Lamapit si Titus sa katawan ng isang bata at yumukyok.

Kitang kita sa mga mata ng bata ang labis na pagkatakot at pagtatanong kung bakit siya namatay.

Bumuntong hininga si Titus. "Mahina sila kaya sila namatay. Mahina din ako kaya di ko sila nagawang iligtas ng nasa oras. Sa mundong ito ang mga mahihina ay sustento lamang ng mga malalakas. Ang malalakas ang nabubuhay, at ang mahihina ang namamatay." Iniabot niya ang kanyang kamay sa mata ng bata saka ipinikit.

Tumayo siya at tumingin sa langit, sa taas nakita niya ang liwanag ng buwan na nagbibigay ilaw sa kadiliman ng gabi at hindi niya maiwasang mapa isip. 'Kailangan kong lumakas! lakas na kayang protektahan ang sarili ko at ang mga taong malalapit sa akin. Lakas na kagaya ng isang buwan na nagbibigay liwanag sa gitna ng kadiliman.'

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon