Chapter 22: Azure Dragon Examination

3.1K 188 10
                                    

Matapos ang mga nangyari, bumalik na sa normal ang lahat.

Dahil sa nakipag-kasundo ang pamilyang Lorent sa diyablong si Koruk ang lahat ng mga naiwang miyembro ng pamilya ay hinuli. Tatanungin sila sa mga alam nila tungkol sa diyablo at bibigyan ng kaukulang parusa batay sa kanilang mga ginawa.

Ang White Snake Gang naman, dahil sa wala na ang pamilyang pumoprotekta sa kanila mas madaling nabunot ng mga otoridad ang mga ito at walang kahit na isa ang nagawang makatakas.

Si Delia Balkins, ang babaeng may Ethereal Ice Body, pagkatapos alisin ni Titus ang pagka-bara sa kanyang mga meridian, nang dumating ang gabi hindi na nakaramdam pa ng pananakit sa kanyang katawan, sa halip ay nagagawa pa niyang i-absorb ang Spiritual Ki na nagmumula sa buwan.

Dahil doon biglang tumaas ang kanyang lakas at naging Elite Rank 1 star. Tunay na ang Ethereal Ice Body ay isang Konstitusyon ng katawan na ginawa para sa martial arts. Masasabing mas henyo pa si Delia sa mga henyong disipulo sa loob ng Azure Dragon Academy.

Kahit ang potensyal ng katawan ni Titus na kasama pa ang kanyang mga karanasan sa martial arts ay hindi makasabay sa bilis ng pagtaas ng lakas ni Delia.

Garantisadong magiging isang Legend Ranker si Delia.

Pag uwi ni Titus sa mansyon, agad niyang sinabi sa magkapatid na wala na ang White Snake Gang at ligtas na ang nayon ng Roselake

Tinanong ni Titus kung ano na ang plano nila ngayong wala na ang pulot dulo ng problema at ang naging sagot nila ay hindi ikinasurpresa ni Titus, gusto nilang maglikod sa kanya at manatili nalang sa mansyon.

Hindi naman tumutol dito si Selesti kaya pumayag narin si Titus.

Sa nagdaang mga araw, sa tuwing bumabalik si Titus galing sa Thousand Beast Mountain ay sinasalubong siya ni Arlana, at pinaglilikuran ng maigi. Hindi na masyadong inisip ito ni Titus at pinabayaan nalang siya sa gusto niya.

Sinabihan na ni Titus ang magkapatid na hindi nila kailangang mag-pagod. Ayos lang kahit kaunti lang ang atupagin nila sa mansyon dahil marami naman ang mga katulong doon at guwardiya, ngunit tumanggi ang dalawa at nagpilit na pabayaan silang gawin ang mga pwede nilang maitulong sa mansyon.

Para sa magkapatid malaki ang utang na loob nila kay Titus kaya hindi sila pumayag na maging isang dagdag na bibig para pakainin na lamang.

Napansin ni Titus na kakaiba ang kinikilos ni Arlana sa tuwing dumadating siya. Hindi na ito bago para kay Titus, may pagtingin si Arlana para sa kanya.

Pero hindi ito pinansin ni Titus dahil nakatuon ang kanyang buong isip sa martial arts at bukod pa dito dahil sa naranasan ng pagtaksilan siya ng kanyang minamahal ay nagyelo na ang kanyang puso.

Kahit hanapin mo pa ang pinakamainit na pag-ibig sa mundo ay hindi magagawang tunawin ang nagyeyelong puso ni Titus.

**********

Sa Thousand Beast Mountain, Sa Zone 1.

Isang lalaki ang kasalukuyang nakikipag laban sa isang Four-Winged Leopard na isang Late Stage 1 Beast.

Ang lakas ng mga Beast ay nahahati sa pitong stages at ang late Stage 1 Beast na ito ay kasing lakas ng isang Warrior Rank 3 star.

(A/N: Early, middle, late, pinnacle.)

Dahil sa likas na lakas ng katawan ng mga Beast ay mas malakas pa sila kaysa sa parehong Level na lakas ng isang tao.

Kayang talunin ng isang Late Stage 1 Beast ang isang Warrior Rank 3 Stars na tao.

Hou!

Boom!

Ang Beast at ang tao ay parehong napa-atras.

Tumingin si Titus sa Four-Winged Leopard at di mapigilan ang humanga sa lakas nito.

'Ito ang pinakamabuting ka-sparring.' Sa isip ni Titus at pagkatapos ay muli siyang nakipag bakbakan sa Four-Winged Leopard.

Matapos ang isang oras.

Ang Four-Winged Leopard ay tumakas dahil sa pinsalang natamo niya kay Titus.

Bumalik na si Titus sa kubong kanyang ginawa na malapit sa isang talon. Nasa Thousand Beast Mountain parin si Titus.

Sa ibaba ng Talon makikitang nakaupo si Titus sa lotus na posisyon.

'Mas bumuti pa ang mastery ko sa Nine Dragons Destruction Art sa nagdaang araw at kaya ko nang magpalabas ng dalawang dragon ng hindi nakakaranas ng matinding pagod sa katawan.' Sa isip niya.

'Ang Lighting Flash Step naman hindi ko pa pwedeng gamitin dahil sa lakas ko ngayon. Gagamitin ko lang ito kapag kailangan na dahil malakas ang paggamit ng Spiritual Ki nito.'

'Hindi ko magamit ang ilang pamamaraan na alam ko dahil para lang ito sa pagkitil ng buhay pero kampante akong makakasama ako sa Top Ten para bukas.'

'Ang premyo para sa mga Top Ten ay bibigyan sila ng pagkakataon para matutunan ang Dragon Path Art. Sabik na akong makita at matutunan ang sikat na pamamaraan ng Azure Dragon Academy.'

Tumayo si Titus at tumalon papunta sa baybayin ng talon at pagkatapos ay pinakawalan niya ang kanyang enerhiya.

"Handa na ako sa pagsusulit para bukas!"

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon