Chapter 13: White Snake Gang

3.5K 192 7
                                    

Naglakad si Titus sa isang espasyong lugar at pagkatapos ay ginamit niya ang kanyang sibat para gumawa ng isang butas. Matapos niyang gawin 'yon ay kinolekta niya ang mga katawan nila kruhen saka niya inilibing.

Gabi na ng dumating sila sa kapitolyo ng emperyo. Sa daan habang naglalakad, agaw pansin ang kagandahan ni Arlana.

Hindi maiwasang pagmasdan ng mga tao na nasa kapitolyo ang kagandahan niya, sari saring komento ang mga naririnig ni Titus.

Pero wala kahit na isa ang naglakas loob na lumapit dahil natatakot silang galitin siya.

Maya't maya pa ay nasa harap na sila ng pinto ng mansyon.

Creak~~~

Pagbukas ng pinto, agad silang sinalubong ng guwardiya. "Young Lord! " Sigaw nito at dali-daling binuksan ang buong pintuan.

Pagpasok nila tumingin si Titus sa guwardiya at inutusan niya ito. "Mag handa ka ng dalawang kwarto para sa dalawang 'to." Sabay turo sa magkapatid na kundes.

Natulala ang guwardiya kaya hindi niya narinig ang utos ni Titus.

Napakunot-noo si Titus. "Hindi mo ba ako narinig?" Ngayon itinaas niya ang kanyang boses.

Ahh!

Biglang natauhan ang guwardiya at agad na sumagot. "Masusunod po Young Lord."

Dahil sa sobrang kagandahan ni Arlana di mapigilang pagmasdan siyang masyado ng guwardiya, ngnunit hindi nag papantasya ang guwardiya sa kanya, sa halip ay iniisip kung ano ang pagkatao ng dalawa at kung ano ang relasyon nila kay Titus.

Pagkatapos ay nagtungo na din si Titus sa kanyang kwarto para magpahinga.

**********

Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay nasa hardin na ng kanilang mansyon si Titus.

"Kahapon nakinabang ako ng malaki sa laban namin ni Kruhen. Lalo na sa huling atake niya gumamit siya ng isang technique. Kada atake niya ay mas malakas kesa sa nauna." Pagninilay nilay ni Titus.

Sou!

Gumawa siya ng isang simpleng stab sa ere.

Pagkatapos ay napaisip siya ng malalim. "Iba ang ginawa niya sa ginawa ko. Hmmm... paano kung mag dagdag ako ng Spiritual Ki sa bawat atake ko?"

Pero agad niyang winaksi ang ideyang ito. "Ai.! Imposible, madaling mauubos ang Spiritual Ki ko pag ginawa ko 'yon."

Kung technique lang ang pag uusapan, hindi siya kinukulang nito subalit ang lahat ng technique na alam niya ay talagang hindi angkop para sa sandatang gamit niya.

Di naman pwedeng magiba siya ng sandata ng dahil lang sa wala siyang technique para dito. Ang tunay na martial artist sa oras na makapili ka na ng iyong sandata ay pang habambuhay na ito.

Kaya niya napili ang sandatang sibat ay dahil sa ito ang hari ng mga sandata!

"Susubukan kong kopyahin ang technique na ginawa ni Kruhen."

Sou! Sou!

Sa oras na 'to gumuwa si titus ng labing tatlong stab na may nakadagdag na Spiritual Ki niya.

Matapos niyang kopyahin ang technique ay muling napaisip ng malalim si Titus. "Imposible ito para sa isang sibat."

"Oo, tama! Gagawin ko ng gano'n."

Hong~~~

Sa pagkakataong ito inipon niya ang spiritual ki niya sa ulo ng talim ng sibat.

Ziiiiiii~~~

Boom!

Isang maliit na pagsabog ang naganap at tumilapon si titus patalikod!

Tumayo si Titus at natuwa sa nangyari.

Natuwa siya hindi dahil sa tumilapon siya, kundi dahil sa resulta ng ginawa niyang pag lagay ng Spiritual Ki. Ayon sa lakas nito magkakaroon ng malaking pinsala ang sinumang tamaan kahit na mas malakas pa ng isang level sa kanya.

Ang problema ay, papaano niya gagawin ito ng hindi tumitilapon?

Kailanga niya ng wastong paraan sa paggamit ng kanyang Spiritual Ki papunta sa talim ng sibat!

Muli niyang pinagana ang kanyang Spiritual Ki pero hindi niya agad ito nilagay sa sibat. Ginawa niyang hugis dragon ang kanyang Spiritual Ki at pagkatapos ay saka niya ito unti-unting nilalagay sa sibat.

Ang hugis dragon na Spiritual Ki na ginawa ni Titus ay dahan dahan na pumapalupot sa kanyang sibat hanggang sa umabot ito sa talim at di kagaya ng kanina, walang nangyaring pagsabog.

Hong~~~

Sinubukan niya ito sa hangin.

Boom!

Isang nakakapaminsalang puwersa ang lumabas mula rito.

Tagumapay! Nakagawa si Titus ng sarili niyang technique. Kung maglalaban sila ulit ni Kruhen ay mas madali niya itong matatalo kahit hindi niya gamitin ang YinYang Mighty Force Sutra!

"Papangalanan ko ito ng Nine Dragons Destruction Art!" Bulong niya.

**********

Pagkatapos ng almusal ay umalis na ng kapitolyo si Titus patungo sa bayan ng Afreeton dahil kailangan niya pa itong daanan bago siya makarating sa nayon.

Bago siya magdesisyong mag tungo sa nayon ay pinagisipan niya muna ang lahat. Sa kapangyarihang militar na hawak ni Arthur ay hindi imposible na puksain ang isang gang, subalit wala dito ngayon ang hukbo nila at ang mga guwardiya naman ng mansyon ay nasa warrior rank lang lahat, at di naman pwedeng gamitin niya ang mga ito dahil magagalit ama niyang si Arthur

(A/N: si Arthur ay ang ama ni titus na si Arthur Krieg.)

Higit pa dito, sa kanyang pagiisa ay masusubukan niyang muli ang kanyang lakas. Katunayan Magandang paraan din ito para sanayin ang kanyang sarili at isang aktuwal na laban ang kailangan niya.

Inabot siya ng apat na oras ng nakakabayo bago siya dumating sa bayan.

Sa bayan, pumasok siya sa isang restawran para kumain at pagkatapos niyang kumain ay bumili narin siya ng mga kakailanganin niya sa paglalakbay saka muling nagpatuloy.

Bago mag takipsilim sa ikapitong araw ng kanyang paglalakbay ay may nasisilayan na siyang isang nayon.

**********

Sa mga oras na to.

Nayon ng Roselake.

Ilang mga lalaki ang makikita sa harap ng pasukan ng nayon na ito at ang pinuno nila ay may pandak na pangangatawan at may hawak siyang palakol.

Sa harap niya ay ang mga lokal na tao ng nayon "Natapos na ang isang linggong palugit! Ilabas niyo na ang batang babaeng nagngangalang Arlana!" Sigaw niya sa kanila.

"Wala talaga dito sa amin si arlana! Mahigit isang linggo na siyang hindi bumabalik." Sagot ng isang matanda.

"Mukha yatang nakakalimutan niyo na ang salitang takot? Magaling! Ngayon, ang White Snake Gang ay ipaparamdam sa inyo ang salitang takot!" Sabi ng lalaking pandak ng may halong malisya.

Humarap si pandak sa kaniyang mga kasama at sinabing "Mga kasama tuturuan natin sila kung ano ang salitang takot!"

Isa-isa inilabas ng mga lalaking kasama ni pandak ang kanilang mga sandata.

Nang makita ito ng matanda agad siyang lumuhod. "Pakiusap! Parang awa mo na pabayaan mo na ang nayon namin. Wala talaga dito si Arlana."

Tumingin sa kaniya si pandak "Hmmp! Binigyan ko na kayo ng panahon pero sinayang niyo!" at pagkatapos ay inugoy niya ang kanyang palakol patungo sa matanda.

Splat!

Kumalat ang dugo sa paligid.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon