Chapter 15: Change of Plans

3.2K 200 8
                                    

Sa isang magaspang at gawa sa kahoy na bahay si Titus ay nakaupo sa lotus na posisyon. Binabawi niya ang nawalang Spiritual Ki na ginamit niya kanina.

Tungkol naman sa mga residenteng namatay ang mga taga nayon na ang bahala doon.

Sa nangyari kanina, alam niya na ngayon ang salitang mahina. Nung sa Earth pa siya lagi siya ang nasa itaas at iilan lamang ang taong nakakapagbigay sa kanya ng laban.

Dahil sa ilusyon ng pagiging malakas niya sa Earth ay pati sa mundong ito pakiramdam niya walang makakatalo sa kanya kung bibigyan lang siya ng panahon. Nasanay siyang magisang lumaban, at aatras kung di pabor ang sitwasyon para sakanya.

Sa Earth wala siyang pamilya na kailangan niyang protektahan laban sa banta ng kanyang mga kalaban. Ang kinatatakutan ng lahat ay ang taong walang inaalala dahil sila ang mga taong walang kinatatakutan at ganun si titus noon.

Pero ngayon hindi na siya nag iisa. May pamilya na siyang uuwian. May ate na handang magsakripisyo para sa kanya at tatay na nakikipaglaban para sa kabutihan nilang magkapatid.

Dalawamput tatlong araw na mula nung napapad siya sa mundong ito. Oras na para magpalakas.

Matapos niyang mabawi ang kanyang spiritual ki ay kinuha niya ang limang Mortal Spiritual pills. Hindi niya nagamit ang mga ito dahil sa tulong ng spiritual gathering artifact na pinahiram ni Selesti sa kanya.

Kumuha siya ng isang Mortal Spiritual pill at nilagay ito sa kanyang bibig at dahan dahan itong napupunta sa kanyang dantian.

Nang nasa dantian na ang pill ay agad itong natunaw at naging isang purong enerhiya. Sinimulan ng paikutin ni titus ang kanyang ki sa kanyang mga meridian. Isang ikot, dalawang ikot...

(A/N: ang term na "dantian" ay nagmula sa salitang chinese na ang ibig sabihin ay "elixir field" o "energy center" kung saan naiipon ang lahat ng chi o ki ng isang tao. Ang meridian naman ay ang daanan ng ki.)

Pagkatapos ng ilang oras ay kumuha ulit si Titus ng isa pang Mortal Spiritual pill at nilagay sa kanyang bibig. Kagaya ng kanina patuloy parin siya sa pagpaikot ng kanyang spiritual ki sa kanyang meridian para hithitin ang enerhiya na mula sa pill.

Segundo, minuto, oras....

Habang tumatakbo ang oras ay unting unti nang nauubos ang lahat ng spiritual pills niya.

Sampung oras na ang nakalipas nang magsimula si Titus sa kanyang pag meditate. Hawak niya ngayon ang huling spiritual pill niya at pagkatapos ay inilagay niya sa kanyang bibig.

Sa mga oras na to ang spiritual ki na nasa katawan ni titus ay umabot na sa maximum.

Rumble~~~

Ramdam niya na ang warrior rank 2 stars. Agad niyang pinaikot ng husto ang kanyang spiritual ki sa kanyang meridian.. na may bang!

nagawa niyang maging warrior rank 2 stars!

Bago maisaayos ni Titus ang kanyang katawan sa bagong niyang lakas ay may narinig siyang katok mula sa pinto. Dinilat niya ang kanyang mga mata at sinabing "Maari kang tumuloy."

Pagtingin ni Titus isang lalaking nasa labing pito o labing walo ang edad ang pumasok habang may dala dalang pagkain.

"Magiting na ginoo. Dinalhan kita ng almusal." Sabi ng lalaki habang inilapag ang pakain sa lamesa.

Dahil sa pag meditate niya, di niya namalayan ang oras at mahigit sampung oras na pala ang nakalipas.

"Siige." Tugon ni Titus.

Napansin ni Titus na nakatayo parin ang lalaki at may pag aatubili sa kilos niya "Anong problema?" Tanong niya.

Tumingin sa kanya ang lalaki at nanginginig na sinabing "Gi..ginoo, may alam ako tungkol sa White Snake Gang na makakatulong sayo."

Nasurpresa si Titus sa sinabi ng lalaki.

Tinanong niya ito "Ano ang alam mo tungkol sa kanila?"

"Nung nasa bayan pa ako, buwan buwan may ginaganap na subasta at ang susunod na subasta ay walong araw mula ngayon. Kaya masasabi ko na hindi muna gagawa ng anumang galaw ang White Snake Gang dahil sa hihigpit ang siguridad ng bayan."

"Paano ka naman nakakasiguro?" Tanong ulit ni Titus.

Nagpatuloy ang lalaki sa pagsasalita "Alam ng lahat na nasa bayan ng Afreeton ang kanilang kuta subalit hindi lang ito matukoy ng mga otoridad dahil sa may maharlikang pamilya ang pumuprotekta sa kanila."

Napaisp sandali si Titus at nagtanong muli "Alam mo ba kung anong maharlikang pamilya ang pumuprotekta sa kanila?"

Napailing ang ulo ng lalaki "Hindi ko alam."

"Sige, salamat sa impormasyon malaking tulong to para sa akin."

Plano sana ni Titus na dumito muna sa nayon at hintayin ang susunod na gagawin ng White Snake Gang. Kahit na buong White Snake Gang pa ang pumunta dito ay makakaya parin itong harapin ni Titus. Balak niyang sabihan ang mga residente ng nayon na gumawa ng maraming maliliit na sibat para sa darating na laban. Hinahanda niya na ang kanyang sarili pero sa nalaman niya kanina ay nagbago ang isip niya.

Kailangan niyang bumalik sa bayan ng Afreeton. Bago pa gumwa ng hakbang ang white snake gang ay uunahan niya na ito.

**********

"Aalis ka na agad?" Tanong ng isang bata kay Titus.

"Oo, kailangan ko nang umalis." Tugon niya sa bata.

Nilapitan si Titus ng isang middle aged man "Kahit na nadamay ang nayon. Hindi kami nagagalit kay arlana kasi nagawa parin niyang isipin ang kalagayan namin sa pag hingi niya ng pakiusap sayo na puntahan ang nayon namin kahit malayo."

Tumango lang si Titus.

"Wag kayong mag alala. Gagawin ko ang lahat upang puksain ang white snake gang." Sabi niya sa lahat ng resident pagkatapos ay sumakay na siya sa likod ng kabayo.

"Hiiieeeeyah!"

At mabilis na umalis.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon