Chapter 27: Spear God Yatem!

3K 188 11
                                    

Lahat ng nasa bulwagan ay nakatingin sa disipulong may malakas na killing intent, inggit ang makikita sa kanilang mga mata. Nagawa niyang unawain at bumuo ng martial art ng wala pang sampung minuto!

Lumipas ang kalahating oras, Si Pangdu Inie, na isa sa may mga nakamamanghang talento'y nagpakita narin ng palantandaan na may nabubuo na siyang martial art.

Nang makita ito ng mga disipulong hindi pa nagagawang unawain ang itim na bato unting-unti na silang nababahala at natatakot dahil dito'y mas lalo silang nahihirapan unawain at intindihin ang mga marka sa itim na bato.

Sa kabilang dako naman, habang nakatingin si Titus sa itim na bato iba't ibang ideya ang pumapasok sa kanyang isipan.

Itinuon ni Titus ang kanyang pokus sa mga ideyang ito ngunit sa sandaling ginawa niya 'yon bigla nalang nag dilim ang kanyang paningin at nawalan malay.

Boom!

Nang muling nagkamalay, nakatayo na siya sa isang misteryosong lugar at wala na sa loob ng bulwagan.

'hmm?'

Pinakalma niya agad ang kanyang sarili at sinuri ang kanyang katawan, wala namang nagbago o kahina-hinala at pagkatapos inilipat niya ang kanyang atensyon at siniyasat ang buong lugar pero sa sandaling 'yon biglang sumikip ang kanyang paghinga sa nakita niya.

Nasa loob siya ng isang yungib at sampung metro kwadrado ang laki nito pero hindi yan ang nakakuha ng kanyang atensyon, kundi ang lalaking nakatalikod na nasa harap niya!

Napalunok bigla si Titus ng di niya namamalayan. Iba ang binibigay na presyur ng lalaking ito kay Titus nakakakilabot.

Ito ang unang beses na nakaramdam si Titus ng ganito. Kahit nung nasa bingit na siya ng kamatayan ay hindi parin siya natinag ngunit ito... ito ang unang beses na nakaramdam siya ng pangingilabot.

Ang lalaking ito'y may mahabang buhok na abot sa kanyang likuran at nakasuot ng itim na damit.

Biglang may lumitaw na sibat sa kamay ng lalaking nakaitim at pagkatapos ay tumalikod ito't humarap kay Titus.

Ramdam ni Titus ang titig ng lalaking nakaitim; Napakatalim nito na tila isang karayom. Pakiramdam niya'y natutusok ang kaibuturan ng kanyang kaluluwa.

Nanlamig ang buong katawan ni Titus na para bang ang lahat ng lihim niya'y isa-isa nabubunyag sa harap ng lalaking nakaitim.

'Ano ang binabalak niyang gawin?'

'Dapat ba akong lumaban?'

'O dapat ba akong tumakas?'

Umiling si Titus at ngumiwi.

'Sino ba ang niloloko ko? Lalaban? Kahit may isang milyong ako pa ang nandito para sa kanya isa lamang akong langgam. Tatakbo? Kahit nasa rurok pa ako ng aking kapangyarihan hinding hindi ako makakatakas sa kanya.'

Nawalan na si Titus ng pag-asa't hindi na gumalaw sa kanyang kinatatayuan.

Pero kabaligtaran sa iniisip ni Titus ang mga sumunod na nangyari.

ibinuka ng lalaking nakaitim ang kanyang bibig at nagsimulang mag salita.

"Ang pangalan ko ay Yatem at mas kilala ako sa tawag na Spear God sa Divine Realm. Kung nagawa mong aktibahin ang Itim na batong iniwan ko, nangangahulugan lamang na walang kapares ang galing mo pag dating sa larangan ng sibat!"

"Ang itim na batong ito ang huli kong pag asa! Sa Divine Realm isa ako sa pinakamalakas subalit dahil sa isang pangyayari napilitan akong mag iwan ng kapirasong kaluluwa sa itim na batong ito."

"Hindi ko alam kung buhay pa ba ako o patay na sa mga oras na ito."

Itinaas ng lalaking nakaitim ang kanyang sibat.

"Konti nalang ang natitirang oras. Ipapakita ko sayo ang Technique na gumawa sa Spear God ng Divine Realm."

"Tanggapin mo ang aking karma at patayin mo ang Abyss Emperor sa oras na maabot mo ang stado ng aking lakas!"

Biglang gumawa ng galaw ang Spear God.

Boom!

Isang madagundong at mapanirang mundong atake ang bumulaga kay Titus.

Pakiramdam ni Titus nagunaw ang buong daigdig sa tindi ng lakas ng atake.

**********

Sa bulwagan, lahat ay nakatingin kay Titus ng may halong pagkagulat  na tila isa siyang halimaw.

Hindi nila magawang paniwalaan ang kanilang nakita.

Kanina lang nakita nila ang buong katawan ni Titus na lumiwanag. Kung ordinaryong liwanag lang ito hindi magiging ganito ang kanilang reaksyon subalit ang liwanag na nakita nila'y napakatindi, kasing tindi ng sikat ng araw.

Pero walang kaalam alam si Titus sa kasalukuyang nangyayari sa kanyang paligid dahil nakatuon siya sa kanyang isipan.

'Spear God...Divine Realm...'

Crack!

Habang okupado ang lahat, nagkaroon ng crack ang itim na bato.

Idinilat ng matandang lalaki ang kanyang mga mata at nagsalita.

"Buti nalang at umabot ka bago matapos ang isang araw na palugit,"

matapos ang ikalawang bahagi ng pagsusulit. laman parin ng usap usapan ang nangyari kanina sa Bulwagan.

Ito ang simula ng alamat. Simula nang maitatag ang Azure Dragon Academy si Titus lamang ang nakapag pakita ng ganoong katinding liwanag.

Sa madaling salita napaka taas ng kanyang pang-unawa.

**********

Ang ikatlong bahagi ng pagsusulit ay ang Combat Test na gaganapin sa Battle Pagoda.

Ang Battle pagoda ay binubuo ng sampung palapag at bawat palapag nito'y may puppet na nakaabang.

Pumunta si Dave sa harapan ng lahat at nagsalita.

"Ang una at ikalawang bahagi ng pagsusulit ay isa lamang pampa-init, huwag niyong masyadong intindihin ang Rankings. Ang Top 10 at Top 1 ay walang pagkakaiba, magagawa niyo paring ibahin ang inyong kasalukuyan na Rankings. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."

"Simulan na ang Combat Test!"

__________

Sorry kung ngayon lang. May dalawang major exams ako kanina kaya di nakapag update.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon