Chapter 21: Ethereal Ice Body

2.9K 183 4
                                    

"Hmm?" Pag dilat ng mga mata ni Titus, nakita niyang nasa isang silid siya.

Inobserbahan niya ang buong silid, pagkatapos ang kanyang katawan. Naghilom na ang mga sugat na kanyang natamo ngunit may iniinda parin siyang konting sakit at pagod sa kanyang buong katawan.

Biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok si Delia.

Lumapit si Delia kay Titus at umupo sa upuan na malapit sa higaan.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo young master Krieg?" Tanong ni Delia.

Tiningnan ni Titus ang kanyang mga kamay at pagkatapos tumingan siya kay Delia tsaka sinabing, "Mm, hindi na problema sa'kin ang gumalaw," Napahinto siya sandali at nagpatuloy, "Siya nga pala, ilang araw na akong walang malay?" Tanong niya.

"Dalawang araw na," Tugon ni Delia.

Napahawak si Titus sa kanyang baba at napaisip, 'Isang buwan nalang bago ang pasusulit sa Azure Dragon Academy, kailangan kong magsanay."

Pagkatapos tumingin si Titus kay Delia, "Ano na ang nangyari sa diyablong si Koruk? Hindi ko na masyadong matandaan ang mga nangyari."

"Dumating ang mga guwardiya ng emperador subalit nakatakas ang diyablo," Sagot ni Delia.

Tumango si Titus.

"Ahh! Muntik ko nang makalimutan, pumunta pala dito si Binibining Selesti kahapon pero hindi rin siya nagtagal at umalis din kaagad," Sabi ni Delia.

Napangiti si Titus ng maranig niya yun.

Lumipas ang ilang sandali may biglang naalala si Titus, "Binibining Delia, gusto ko lang malaman, nakakaramdam ka ba ng pananakit gabi-gabi sa 'yong buong katawan?" Tanong niya.

Napatulala si Delia, "Oo, paano mo nalaman 'yon young master Krieg?"

"Tama nga ang hula ko," Sabi ni Titus, "Iniisip mo ba na ika'y may sakit?" Tanong niya.

"Oo, apat na taon ko na 'tong nararamdaman," Tugon ni Delia at pagakatapos napahinto siya sandali tsaka nagpatuloy, "Bakit mo pala natanong, may alam ka bang solusyon para dito?"

Tumawa ng marahan si Titus at sinabing, "Wala kang sakit Binibining Delia. Kung hindi ako nagkakamali mayroon kang Ethereal Ice Body!"

"Ethereal Ice Body?"

"Tama, Ethereal Ice body. Isang konstitusyon ng katawan na bihira lang lumabas sa sampung libong taon! Ang katawang ito'y mapanganib para sa lalaki pero ito'y isang biyaya para sa inyong mga babae. Nakakaramdam ka ng matinding sakit gabi-gabi ay marahil sa mga barado mong meridian." Paliwanag ni Titus.

"Kung ganon, young master ano ang dapat kong gawin?" Tanong ni Delia.

"Simple lang ang gagawin mo Binibining Delia, kailangan mo lang ipakita sa'kin ang iyong likod." Sabi ni Titus habang nakangiti.

(A/N: parang manyakis ang dating ng bida natin dito mga paps.)

Nabigla si Delia at napatayo sa kanyang upuan dahil sa sinabi ni Titus.

Tumikhim si Titus at sinabing, "Ang ibig kong sabihin ay kailangan kong makita ang likuran mo upang magawa kong alisin ang pagka-bara sa iyong meridian,"

Nahiya si Delia at umupong muli tsaka nagtanong sa isang mababang tinig, "Ma..magsisimula na ba tayo ngayon?"

Tumawa si Titus, "Huminahon ka muna Binibining Delia. Para gawin ito kailangan ko ng dalawampung karayom."

***********

Nakaupo ngayon si Titus sa kama habang nakatalikod sa kanya si Delia. Sa tabi niya'y isang kahon ng karayom, "Magsimula na tayo," Sabi ni Titus.

Unting-unti nang binababa ni Delia ang kanyang pang itaas na damit at lumabas ang kanyang maputi, makinis at perpektong likod. Kung titingnan siya mula sa leeg hanggang sa kanyang likuran, makikita mo ang simbolo ng perpektong katawan ng isang babae.

Kumuha si Titus ng isang karayom. Sa oras na nasa kamay na niya ang karayom biglang naging seryoso ang kanyang ekspresyon.

Ramdam ni Delia ang bawat pag-hinga ni Titus at dahil do'n di niya mapigilan ang mahiya at mamula. Para hindi magambala ang konsentrasyon ni Titus pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at tinuon ang pansin sa kanyang likod.

Maririnig ang tunog ng pagsipol kasabay ng pag-galaw ng kamay ni Titus. Ang karayom ay naitusok ni Titus ng tama at mabilis.

Tuloy-tuloy ang pag-galaw ng kamay ni Titus. Sa bawat galaw ng kanyang kamay isang karayom ang nagagawa niya itusok sa likod ni Delia.

Sinubukang damhin ni Delia ang bawat karayom at napansin niya na sa bawat karayom may Spiritual Ki na nakahalo.

Alam ni Delia ang kasalukuyang kalagayan ni Titus. Dahil sa pinsalang natamo niya, hindi pa gaano nagagamit ni Titus ng maayos ang kayang Spiritual Ki.

Nakaramdam ng apeksyon si Delia dahil dito.

Bawat minutong lumipas, nagsisimula ng pagpawisan si Titus. Hindi basta-basta ang Spiritual Ki na hinahalo niya sa karayom, dahil kailangan niya pa itong gawing dalisay at sa oras na naitusok niya na ito dapat tuloy-tuloy ang daloy ng Spiritual Ki sa meridian ni Delia.

Matapos ang mahigit tatlong oras, nagawang maitusok ni Titus ang lahat ng karayom sa likod ni Delia.

Naghintay pa ng tatlumpong minuto si Titus bago niya tinanggal ang lahat ng karayom.

"Tapos na..." Inilagay muli ni Titus ang lahat ng karayom sa kahon at saka huminga ng maluwag.

Sa oras na sinabi ni Titus yon itinaas ni Delia ang kanyang damit tsaka lumingon, nakita niya ang maputla at pinagpawisan niyang mukha; "Young master!"

"Ayos lang ako. Kailangan ko lang ng konting pahinga," Sabi ni Titus.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon