Chapter 7: A Young Maiden's Heart

3.6K 223 3
                                    

Lumipas ang dalawang araw. Gaya ng dati walang nangyaring kakaiba sa loob ng academy.

Sa kabisera ng Imperyong Draak.

Naglalakad si Titus sa isang kalye at patungo sa isang tindahan ng mga spiritual treasure para bumili ng sandatang angkop para sa kanya.

Bilang isang martial artist di pwedeng mawala ang sandata maliban nalang kung ikaw ay isang monghe.

Ang paraan ng pagsasanay ng mga monghe ay iba kumpara sa pagsasanay ng mga martial artist. Sinasanay nila ang kanilang katawan. Ang katawan ng isang monghe ay maikukumpara sa spiritual treasure.

Ayon sa alamat ang katawan ng Ancestor ng mga monghe ay maikukumpara sa First-grade Spiritual Treasure at ang iba naman ay nagsasabing hindi kayang wasakin ang katawan ng Ancestor ng mga monghe dahil naabot na nito ang antas ng isang Saint!

Matapos ang kalahating oras na paglalakad dumating na si Titus sa kanyang destinasyon.

Magnificent Treasure Pavilion.

Ang Magnificent Treasure Pavilion ay nagbebenta ng iba't ibang uri ng spiritual treasure.

May tatlong palapag ang Magnificent Treasure pavilion. Sa unang palapag binibenta ang mga normal na uri ng treasure, habang sa pangalawag palapag naman ang mga spiritual treasure na nasa tenth grade hanggang sixth grade, at ang ikatlong palapag ay para sa mga mahahalagang tao lamang.

Pagpasok ni Titus, agad siyang sinalubong ng tagapag-lingkod.

"Ginoo, maligayang pag dating sa aming Magnificent Treasure Pavilion. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Pagbati sa kanya ng tagapag-lingkod.

Napatigil si Titus saka sinabing, "gusto kong bumili ng spiritual treasure."

"Nasa ikalawang palapag po ang mga spiritual treasure. Para pumunta po doon ay kailangan niyo pong mag deposito ng isang daang Gold Royals!" Paliwanag ng tagapag-lingkod.

Napaisip sandali si Titus pagkatapos ay nagdesisyon na magbigay ng isang daang Gold Royals at pumunta ng ikalawang palapag.

Sa ikalawang palapag mangilan-ngilan lang ang mga taong naririto. Iilang tao lamang ang may kakayahang mag bigay ng isang daang Gold Royals na deposito.

Para sa isang pamilya ang isang daang Gold Royals ay kasya na para sa isang buong taon! Pero para sa isang kagaya ni Titus, hindi problema ang Gold Royals dahil anak siya ng heneral ng imperyo.

Nakakita si Ttus ng isang espada at kinuha niya ito para suriin. Sa likod niya nakasunod parin ang tagapag-lingkod.

"Seventh-grade Spiritual Treasure!" Hindi mapigilan ni Titus ang mapasigaw.

Ang espadang ito'y may lapad na 2 inches at may haba na 1.5 meters. May kidlat ding nakaukit sa hawakan ng espada.

Lumapit ang tagapag-lingkod at agad na sinabing, "ginoo, ang espadang ito ay ang Fierce QuickBlade. Gawa ito sa pinaghalong Cold Steel at Black Mellinium Ore."

Tumango si Titus at muling nilagay ang espada saka nagpatuloy na tumingin tingin.

"Karamihan sa mga spiritual treasure na nandito ay tenth at ninth grade, may walong eigth grade at tatlong seventh grade pero dalawa lang ang nakita kong sixth grade." Tumingin si Titus sa tagapag-lingkod at nag tanong, "wala bang Fifth-grade Spiritial Treasure dito pababa?"

Agad na sumagot ang tagapag-lingkod, "mayroon po kaming Fifth-grade Spiritual Treasure pababa, ang kaso lang ay nasa ikatlong palapag."

"Kung gano'n ay tayo na. Gusto kong tingnan ang nasa ikatlong palapag."

"Ginoo, pasensya na po subalit para sa mga mahahalagang tao lamang ang ikatlong palapag!"

"Oh!" May kinuha si Titus at ipinakita sa tagapag-lingkod. "Pwede na ba akong pumunta sa ikatlong palapag?"

"Ang tatak ng pamilyang Krieg! Pasensya na po young master Krieg, di ko po kayo agad nakilala." Nagulat ang tagapag-lingkod at agad na humingi ng paumanhin.

'Malas! Bakit sa anak pa ako ng heneral napunta. Baka gagawa lang 'to ng gulo dito.' Sabi ng tagapag-lingkod sa kanyang sarili.

Hindi siya nasiyahan ng nalaman niyang si Titus ang inaalalayan niya pero wala siyang lakas na loob para ipakita ito. Hindi niya alam kung ano ang pwede gawin sa kanya ni Titus kung magagalit ito kaya pinilit niya paring maging magalang.

"Ayos lang." Pagkatapos ay sinamahan si Titus ng tagapag-lingkod papunta sa ikatlong palapag.

Pagtungtong nila sa ikatlong palapag, may nakita si Titus na isang babae at isang lalaki na may kasama ring tagapag-lingkod.

Kulay rosas ang suot na damit ng babae habang ang kasuotan ng lalaki ay kulay asul.

"Prinsesa Elizabeth, ako na ang bibili niyan sayo," Sabi ng lalaki.

"Zamza, wag na." Pagtangging sinabi ni Elizabeth

Nagdilim ang pagmumukha ni Zamza subalit panili niya paring tanggapin ang pagtanggi sa kanya ni Elizabeth

Napatingin siya sa direksyon ni Titus at nagkasalubong ang kanilang paningin.

Nakaramdam ng matinding galit si Zamza dahil doon. "Anong tinitingin-tingin mo?! gusto mo bang mamatay?"

Kani-kanina lang ay napahiya siya nang tanggihan siya ni Elizabeth kaya nang makita niya si Titus ay agad niyang pinagbuntungan ng galit.

Hindi na sumagot si Titus at napailing na lamang.

Ang mga ganitong tao ay dapat pinapabayaan.

Lumapit si Titus sa isang spiritual treasure at tiningnan ito ng maigi.

Nang makita ni Zamza na binabalewala siya ni Titus, na insulto siya. "Hoy! Kinakausap kita!"

Tumigil si Titus sa kanyang ginagawa at pinagmasdan si Zamza. "Hindi HOY, ang pangalan ko. Kung galit ka dahil sa ayaw sayo ng babae hindi ko na problema 'yon. Hindi lahat ng babae ay kagaya ng iniisp mo." Pagkatapos ay inilipat niya ang kanyang tingin kay Elizabeth. "Hindi ba mahal na prinsesa?" Sabay kindat sa kanya.

Badump!

Biglang bumilis ang pintig ng tibok ng puso ni Elizabeth dahil sa sinabi at pagkindat na ginawa ni Titus.

Nakaramdam siya ng kakaiba na nanggagaling sa kanyang dibdib at biglang namula ang kanyang mukha kaya napayuko na lamang siya.

Bilang isang prinsesa at prinsesa pa ng imperyong Draak di nagkukulang si Elizabeth sa mga lalaking may gusto sa kanya pero ito ang unang beses na nangyari ito bukod pa doon ay nagawa pa siyang kindatan.

Napangiti si Titus sa nakita niyang reaksyon ni Elizabeth at pagkatapos hindi niya na pinansin ang dalawa.

Para kay Titus wala ng mas importante pa sa mundo kundi ang maging malakas.

"Pangahas ka!" Biglang sigaw ni Zamza, halatang galit na galit talaga na animo'y isang bulkan na sasabog.

Sa sitwasyong ito agad na umawat ang isang tagapag-lingkod at ang isa naman ay nagtungo para puntahan ang may ari ng Magnificent Treasure Pavilion.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon