Chapter 5: 3 month Agreement

3.7K 218 4
                                    

Tumingin si Titus sa direksyon niya ng kalmado "At kung sabihin kong ayoko?"

Hindi tanga si Titus para hindi malaman ang intensyon ng kabilang partido, kung sasama siya, ang ibig sabihin no'n ay tinatanggap niya si Elnar na higit na mataas kaysa sa kanya.

Bilang number one assassin sa Earth, mataas ang tingin ni Titus sa kanyang sarili. Sanay siyang siya ang nasa itaas. Kaya bakit niya susundin ang isang binatilyong kagaya ni Elnar?

"Titus! hindi mo alam ang nakakabuti sayo! sumama ka nalang sa akin bago pa ako gumamit ng dahas!" Tumaas ang tono ng boses ng lalaki.

"Hindi alam ang nakakabuti? Ito ang sabihin mo sa boss mo. Mas mabuti pang humanap nalang siya ng iba dahil hindi ako interesado para maging isa sa mga tauhan niya," Sagot ni Titus sa kanya.

Nagulat ang lalaki. "Titus! Baka hindi mo alam, si boss Elnar ay isa sa top 10 ng unang baitang, isang karangalan na ito para sayo ang imbitahan ka niya. Dito sa academy iilan lamang ang may lakas na loob para tanggihan ang alok niya. Ikaw... sigurado ka ba sa desisyon mo? Tatanggihan mo ang alok niya?"

Ang tono ng pananalita ng lalaki ay may halong panglalait.

Kitang kita na sinasabihan niya si titus ng. 'Wala kang karapatan para tanggihan ang alok ni boss Elnar.'

"Kung wala ka ng sasabihin pa, maiwan na kita." Hindi natinag si Titus.

Hindi makapaniwala ang lalaki sa inasal ni Titus.

Para sa lalaking ito, si Elnar ang kanyang hari. Ang kanyang buhay.

Hindi niya akalain na may tatanggi sa boss niyang si Elnar. Dati may isang disipulo ang tumanggi sa boss niya pero naturuan din ito kaagad ng leksyon.

"Kung yan ang desisyon mo, wag mo akong sisisihin kung magiging marahas ako!" Sabi ng lalaki sakanya.

Biglang nakaroon ng tensyon sa paligid.

Halatang aatake ang lalaki dahil sa pagpapakita ni Titus ng walang kagalangan sa kanyang boss.

"Dino! Tama na yan!" Isang boses ang narinig ng dalawa mula sa malayo.

Napalingon ang lalaki sa direksyon ng boses at nang makita niya kung sino ito biglang nag iba ang reaksyon ng kanyang mukha, mula sa pagiging galit, naging paghanga ito.

"Bo.. boss! Boss Elnar," Sabi ni Dino.

Lumapit si Elnar kay Dino at pagkatapos ay pinagmasdang mabuti si titus. Inobserbahan niya si Titus mula ulo hanggang paa.

Ngumiti ng kaunti si Elnar. "Napaka interesante! Titus, saan ka kumukuha ng lakas ng loob para tanggihan ako?"

Sa kanyang tabi, makikita ang reaksyon ni Dino na tuwang-tuwa sa kamalasan ni titus 'hmmp! Hindi alam ang mabuti sa masama! Ngayon nandito na si boss Enar tingnan natin kung ano ang magagawa mo.'

Napakunot-noo si Titus nang marinig niya 'yon. "Ano ang tingin mo sa sarili mo? Isang diyos para sundin ko?"

'Sino ka para utusan ako, na si Titus!'

Nagalit si Elnar sa sinabi ni Titus at bigla niyang pinakawalan ang puwersa ng isang Warrior Rank 3 stars.

"Magaling! Magaling! Porket natalo mo ang isang Warrior Rank 1 star ng hindi pa nabubuksan ang mind palace mo'y susubukan mo na akong kalabanin? Kung tuturuan kita ng leksyon ngayon baka sabihin ng iba na sa mahina lang ako pumapatol. Bibigyan kita ng anim na buwan! pagkatapos ng anim na buwan ay magtutuos tayo sa Fighting Ring!"

Napangiti si Titus sa kanyang narinig. "Anim na buwan? Masyadong mahaba ang anim na buwan. Tatlong buwan! Magtutuos tayo sa loob ng tatlong buwan."

"Kung yan ang gusto mo sige! Wag mong sabihin na hindi kita binigyan ng pagkakataon. Hmmmp! Dino tayo na!" Pagkatapos ni Elnar sabihin 'yon ay umalis na sila.

**********

Crash!

"Ano?! Hinamon ni Elnar si Titus ng laban at magtutuos sila sa loob ng tatlong buwan?" Napatayo si Selesti mula sa kanyang upuan.

"Ate Selesti pwede bang huminahon ka muna." Pagkumbinsi ng babae kay Selesti.

Palakad lakad si Selesti at hindi mapakali pagkatapos ay tumigil siya at tumingin sa babae "Arrie, paano ako hihinahon! hindi pa nga nabubuksan ni titus ang kanyang Mind Palace habang si Elnar ay nasa warrior rank 3 stars na!"

"Ate, imbes na mag alala ka diyan eh mag isip nalang kaya tayo ng paraan para sa kapatid mo. Bakit di mo nalang kausapin si heneral Arthur? Baka sakaling maiba niya ang isip ni Titus." Pagmungkahi ni Arrie.

"Imposible yan!kasalukuyang nasa pagitan ng imperyong Draak at imperyong Palfrenier sa silangan si papa para depensahan ang ginagawang pag atake ng kabilang imperyo."

Napakunot-noo si Arrie. "ang hirap naman ng sitwasyon niyo ate Selesti."

"Arrie, samahan mo ako. Pupuntahan natin ang kapatid ko."

**********

'Tatlong buwan... di lang kita tatalunin, dudurugin pa kita.' Sa isip ni Titus habang patungo sa kanyang tinutuluyan.

Maya't maya pa ay nasa harap na si titus ng kanyang silid pero bago makapasok si Titus ay may narinig siyang boses.

"Titus!" Sigaw ng isang babae mula sa kanyang likuran.

Lumingon si Titus at nakita niya si Selesti na may kasamang babae na tumatakbo papunta sa kanya.

"Ate? Anong ginawa mo dito sa lugar ng mga nasa unang baitang?" Tanong ni Titus kay Selesti.

Hindi sinagot ni Selesti ang kanyang tanong, sa halip ay pinagalitan siya nito. "Nasisiraan kana ba ng bait ha! Titus? Bakit mo naman naisipang tanggapin ang hamon ni Elnar? gusto mo na bang mamatay?"

Ngumiti si Titus at tumingin sa kanya. "Ate sa mundong ito may mga bagay na kailangan mong ipaglaban kahit na alam mong hindi pabor sayo ang sitwasyon. Huwag kang mag alala ate, tatalunin ko siya."

Napatigil sandali si Selesti, pagkatapos may kinuha siya mula sa kanyang Bag of Holding. "Heto, kunin mo to. Makakatulong ito sayo."

☆☆☆☆☆

A/N: Bag of Holding - isang uri ng Storage Treasure na may sariling space sa loob.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon