Chapter 19: Dire Situation

3.1K 191 5
                                    

'Tama ang lahat ng hinala ko," Sabi ni Titus sa kanyang isip kasabay ng isang malalim na buntong-hininga.

Kung pagdugtong-dugtungin ang mga pangyayari at taon masasabi na ang gumawa ng White Snake Gang ay ang pamilyang Lorent. Dalawang taon silang nanahimik at kasabay nang pananahimik nila ang paglitaw ng White Snake Gang.

Dahil sa mabilis na paglaki at paglakas ng White Snake Gang, ang atensyon ng alkalde ay nakatuon dito. Sa paraang ito malayang nakakabili ng mga alipin ang pamilyang Lorent ng walang nakukuhang hinala mula sakanya.

Pang-takip lamang ng pamilyang Lorent ang White Snake Gang sa masama nilang balak.

Ang lawa ng dugo naman ang bunga ng kanilang pagbili ng mga alipin sa loob ng dalawang taon! Hindi makatao ang kanilang ginawa.

Ilang libong tao ang kinailangan para lang makabuo ng isang lawa ng dugo? Wala itong kapatawaran!

Sa sandaling yo'n nagkaroon ng puyo sa harapan ni Ganta at unting-unti nitong hinihigop ang lawa ng dugo.

"Graaaaah!" Isang makabagbag tengang ungol na alinma'y hindi sa tao o halimaw nanggaling ang dumagundong sa buong paligid.

Sa ungol na 'yon ito ang unang beses na nakaramdam si Titus ng kaba.

'Masama ang kutob ko sa susunod na magyayari,' Sabi niya sa kanyang isip.

Ang buong paligid ng bulwagan ay bumibigat sa bawat segundong lumipas, kahit ang kalangitan sa ibabaw nito'y nababalot na rin ng dilim.

Ilang sandali pa'y may naaaninag ng anino si Titus mula sa puyo.

'Dahil sa itim na ulap na bumabalot sa mansyon ng Lorent sigurado akong hindi na kailangan pang magpaliwanag ni binibining Delia sa kanyang ama,' sa isip ni Titus at pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang sibat 'Ang kailangan kong gawin sa ngayon ay ang pigilan ang paglabas ng nilalang na 'yon.'

Hinawakan ni Titus ang Eternal Rest hanggang sa kanyang tenga habang nakahilera sa lupa. Ang kanang paa niya'y nasa unahan ng sa gayon ay magkaroon ng momentum ang kanyang gagawin na pag bato.

'Nine Dragons Destruction Art: Second Form!'

Ginamit ni Titus ang kanyang Nine Dragons Destruction Art at biglang nagbigay ng kakaibang tunog ang buong katawan niya.

Crack!

Isang mala Bone-cracking na tunog ang maririnig mula sa kanyang mga buto kasabay no'n ang paglabas ng isang hugis dragon sa pamamagitan ng spiritual ki at sumunod do'n ay isa pang dragon ang lumabas.

Dalawang dragon na gawa sa spiritual ki!

Pangingibabaw at pagmamataas ang makikita sa mga mata ng dalawang dragon.

At pagkatapos ay ibinato niya ang Eternal Rest patungo sa puyo ng buong lakas!

Sou!

Sa lakas ng second form ng Nine Dragons Destruction Art kahit ang isang Elite Rank 1 star ay hindi makakaligtas!

Boom!

Sa oras na tumama ang Eternal Rest sa puyo nahinto rin ang paghigop nito ng dugo!

Nagiba ang pagmumukha ni Ganta "Mga inutil! Ano pa ang hinihintay niyo? Patahimikin niyo ang pangahas na gumambala sa ritwal!" Nanggagalaiti sa galit na bulyaw niya sa kanyang likuran.

Matapos niyang sabihin yo'n isang Expert Rank ang gumalaw.

'Hindi ako papayag na may humadlang sa muling pagkabuhay ng aking asawa!' Sa isip ni Ganta pagkatapos ay lumingon siya sa direksyon ni Titus 'pangahas na langgam! Kung hindi ko lang pipanatili ang pagdaloy ng dugo gamit ang spiritual ki ko'y pinaslang na kita!'

Sa isang iglap nasa harap na ni Titus ang Expert Rank.

Pero hindi siya natinag dito at gumawa siya ng hilang pagkilos at ang Eternal Rest ay agad na napunta sa kanyang kamay.

Ito ang Refining Ki into Thread!

"Langggam! Harapin mo si kamatayan!" Sigaw ng Expert Rank at sinuntok si Titus.

Mabilis na gumalaw si Titus at itinaas ang kanyang Eternal Rest para salagin ang suntok!

Boom!

Gaya ng isang bala, tumilapon si Titus papalayo hanggang sa tumama sa pader ng mga Lorent.

**********

Napadura ng sariwang dugo si Titus. Pinunasan niya ang kanyang bibig, hindi alintana ang sakit at itnaas ang Eternal Rest at muling ibinato sa direksyon ng puyo!

Sou!

Boom!

"Tumigil ka langgam!"

Kasabay ng kanyang pagbato ang atake ng isa pang Expert Rank!

Tinigasan niya ang kanyang loob at siya'y muling tumilapon.

**********

Sa puyo isang sigaw ang biglang dumagundong.

"Graaaah!"

"Sinong pangahas ang gumambala sa aking muling pagkabuhay!"

Pagkatapos no'n unting-unti may lumabas mula rito.

Isang nakaitim na damit na may maputlang kutis at mapulang mga mata. Ang buhok ay abot hanggang beywang at sa ulo nito'y may dalawang maliit na sungay.

Isa lang ang maiisip mo kapag makita mo ang lumabas, walang hanggang pagdurusa!

Isang walang hanggang pagdurusa ang dala ng diyablong si Koruk!

Tumingin si Koruk sa direksyon ni Titus "pangahas na mortal! Dahil sayo hindi ko lubusang nabawi ang akin lakas at napilitan akong lumabas ng maaga." At pagkatapos ay inilipat niya ang kanyang tingin kay Ganta "Ikaw ba ang muling bumuhay sa'kin?"

Agad na lumuhod si Ganta gamit ang isa niyang tuhod at sinabing "Oo, aking panginoon," habang nakayuko ang ulo.

Tumango si Koruk "Napakahusay. Sabihin mo ano ang iyong kahilingan?"

"Gusto kong makasamang muli ang aking asawa," Sagot ni Ganta.

Napakunot-noo si Koruk at sinabing "Sa kasalukuyan kong lakas mahihirapan akong gawin ang 'yong hiling. Ngunit huwag kang mag-alala mortal, ako na si Koruk kailan ma'y hindi sumira sa isang pangako. Bubuhayin ko ang asawa mo sa oras na bumalik ang dati kong lakas."

"Maraming salamat, panginoong Koruk," nanginginig sa tuwa na sagot ni Ganta.

"At ikaw naman pangahas na mortal, dahil sa ginawa mo ay pwede ka nang mamatay," Sabi ni Koruk kay Titus at pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay.

Pero bago niya pa ito magawa, isang marangal na boses ang bigla niyang narinig mula sa malayo!

"Diyablo! Kung ako sayo hindi ko gagawin yan!"

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon