Chapter 33: Teacher

3K 177 15
                                    

Ang tensyon sa paligid ay lalong tumindi at ang mga titig nila'y nakatuon sa isa't isa, na tila takot ang dalawa na may makawalang galaw sa kanila.

"Tumigil kayo! Ang makipaglaban ng walang pahintulot mula sa mga direktor ay ipinagbabawal!" Sigaw ni Dave.

Hindi pinansin ng dalawa si Dave. Para bang nasa ibang dimensyon ang dalawa na sarili lang nila ang kanilang nakikita.

'Asar!' Tungay ni Dave sa kanyang isip.

'Hindi ko alam kung ano ang binabalak mong gawin, ngunit kung laban ang hanap mo hindi kita uurungan.' Sa isip ni Titus.

Ilang sandali pa'y biglang nagiba ang sitwasyon at umikot ng 180 digri.

Nagsalita ang Disipulong may malakas na killing intent at sinabing, "Wala pa akong kinikilalang karibal simula pa noong ipinanganak ako. Kahit pa ang mga martial artist na mas matanda sa atin ng ilang henerasyon ay hindi ko parin sila tinuring na kasing lebel ko, pero ikaw, pinakita mo sa'kin kung gaano kalaki ang mundo!" At pagkatapos ay binati niya si Titus.

"Ako si Vorst Verheid, at masaya akong magkaroon ng isang karibal na kagaya mo."

Nagulat si Titus sa biglaang pagpapakilala ni Vorst sa kanya.

Tumawa ng marahan si Titus, "Akala ko gusto mong makipagpalitan ng atake. Ako si Titus Krieg." Binalik ni Titus ang pagbati sa kanya.

Napailing si Vorst. "Hindi pa ito ang panahon para maglaban tayo."

Nang makita ito ni Dave napahinga siya ng maluwag. 'Mabuti naman at hindi sila naglaban.' at pagkatapos ay ibinuka niya ang kanyang bibig at sinabing, "Ngayong natapos na ang huling pagsusulit, pwede na tayong magpatuloy sa mga makukuha niyong premyo." huminto rito si Dave at tiningnan ang lahat.

Kahit na nakapasa at naging disipulo ng Azure Dragon Academy ang karamihan sa kanila, may lungkot paring makikita sa mga mukha nila. Wala silang matatanggap na premyo dahil hindi sila kasali sa top ten.

Walang dapat sisihin sa bagay na ito dahil mula pa sa simula, may nananalo na't may natatalo.

"Sa mga disipulong nasa top ten ng rankings, sumunod kayo sa'kin." Sabi ni Dave at pagkatapos ay tumalikod siya't nagsimula ng maglakad.

Lumapit si Miera kay Titus at binigyan siya ng Earth Recovery Pill. "Kunin mo ito."

Nagpasalamat si Titus at kinuha ang Pill saka ginamit.

**********

Sina Titus, Vorst, Pangdu at pito pang iba na nasa top ten ay pinangunahan ni Dave patungo kung saan kukunin ang mga premyo, habang ang natitirang labing-isa naman ay pinangunahan ni Miera.

Habang nasa daan ay pinaliwanag na ni Miera sa labing-isa ang mga panloob na detalye ng Azure Dragon Academy.

Ang lugar kung saan sila manunuluyan ay magiiba na dahil isa na silang tunay na disipulo ng Academy. Ang magtuturo ng pangkalahatang aralin sa mga disipulong nasa unang baitang ay ang mga nasa pangalawa't pangatlong baitang, habang ang mga Direktor naman ay magtuturo pa minsan-minsan kung kanilang nanaisin.

**********

Natanggap ng mga nasa Top Ten ang kanilang mga premyo, maliban lang kay Titus.

Naghintay si Titus ng ilang sandali pa ngunit walang nangyari kaya nagdesisyon siyang tanungin si Dave.

Nilapitan ni Titus si Dave. "Tagapangasiwang Dave..." Pero bago madugtungan ni Titus ang kanyang sasabihin ay nagsalita na agad si Dave.

"Disipulong Titus, pinapatawag ka ng Punong Direktor sa Grand Hall ngayon na mismo."

**********

"Tagapangasiwang Dave, pwede ko bang malaman ang rason kung bakit ako pinatawag?"

Hindi mapigilang mapatanong ni Titus kay Dave habang sila'y naglalakad patungo sa kanilang destinasyon.

Ngunit, ngiti lang ang sagot sa kanya ni Dave. "Huwag kang masyadong mag-alala. Mabuti ito...."

Lumipas ang ilang minuto, dumating na sila sa Grand Hall.

Sa Grand Hall may limang tao ang nakaupo at nakaabang na sa kanila.

Ang lakas ng limang taong ito ay hindi bababa sa Grandmaster Rank at lahat sila'y nagpapakawala ng malakas na presyur.

Pero hindi dito nagulat si Titus, ang ikinagulat niya'y ang middle-age man na nakaupo sa gitna.

Nagpapakawala ng presyur na higit pa sa isang Grandmaster Rank.

'Legend Rank!' Ang puso ni Titus sa mga oras na ito'y tumitibok ng mabilis.

Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa adrenaline rush na kanyang nararamdaman.

Ito ang pundasyong naipon ng Azure Dragon Academy sa mahigit limang daang taong nakalipas, kung saan nagbigay sa kanila ng kapangyarihan upang maging isa sa limang pinakamataas na Sect sa kontinente ng Stervel.

"Ako ang Punong Direktor ng Academy na ito na si Asdawer Draak, at ang apat na nasa aking tabi ay ang mga Direktor." Sabi ni Asdawer.

"Ngayong nandito kana, may isang tanong ako para sayo."

'Tanong? Anong tanong naman kaya ito. Hindi kaya gusto nilang malaman kung ano ang nakuha ko sa ikasampung palapag?' Tanong ni Titus sa kanyang sarili.

Ngumiti si Asdawer. "Titus krieg, payag ka bang maging isang personal na disipulo ko?"

Napalunok si Titus ng hindi niya namamalayan sa kanyang narinig.

"Tinatanong ka ng Punong Direktor, kung gusto mo ba siyang maging teacher mo!" Sigaw ni Direktor Daha mari.

Agad na yumuko si Titus at nagbigay ng pagbati para sa isang master. "Ang disipulong ito'y binabati si Teacher."

"Mm." Tumango si Punong Direktor Asdawer.

"Binabati kita Punong Direktor." Saad ni Daha mari.

"Binabati rin kita Punong Direktor. Para sa pagkakaroon ng mabuting disipulo."

Kinaway ni Punong Direktor ang kanyang kamay at isang itim na kahon ang lumitaw.

"Bilang Teacher mo, bibigyan kita ng isang regalo..."

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon