Chapter 9: Conspiracy

3.5K 229 2
                                    

Kinagabihan.

Patungo si Titus sa kanilang mansyon, dahil sa gabi na nagdesisyon siyang umuwi nalang muna.

May ibang rason kung bakit siya uuwi. Uuwi siya upang mag sanay ng kanyang mga techniques. Para kay Titus mas makakapagsanay siya ng mabuti sa lugar kung saan pwede siyang mapagisa dahil sa loob ng academy bukod sa puno ng disipulo ay iisang lang ang lugar ng pinagsasanayan, kaya balak niyang manatili ng sampung araw sa kanilang mansyon.

Ayos lang naman sa kanya ang magsanay sa academy kung pare-pareho ang mga technique na gamit nila, pero ang mga dati niyang techniques bilang assassin ang mga sasanayin niya, kaya naging instinct na sa kanya ang hindi ito ipa kita sa iba.

May kasabihan 'Alamin mo ang iyong kalaban at alamin mo ang iyong sarili at lagi kang magwawagi.'

(A/N: ang quotes na to ay kinuha ko galing kay Sun tzu. Isang chinese general, strategist, manunulat at isang philisopher. "Know your enemy and know yourself and you will always be victorious.")

Buong buhay niyang pinaniwala ito kaya siya naging number one sa Earth. Kung hindi lang siya trinaydor ng kasintahan niyang si Jade ay malamang naka tayo na siya sa tuktok ng martial arts.

Habang naglalakad di maiwasang mapakunot-noo ni Titus. Ang assassin instinct niya at ang pagiging sensitibo sa Spiritual Ki ay nagsasabing may taong nakamatyag sa kanya.

'Nasa Master Rank ang taong 'to! Hindi ko alam kung bakit mo ako sinusundan pero sa kasalukuyan kong lakas isa lang ang magagawa ko kundi ang manatiling malayo saka tatakas.' Sabi niya sa isip at itinaas niya ang kanyang alerto sa sukdulan.

Binilisan niya ang kanyang paglalakad.

Di kalayuan sa kanya, may isang lalaking nakamaskara ang nakasunod. Ang lalaking ito ay ang lalaking ipinadala ni Zamza para turuan siya ng leksyon, na si Boris!

'Nakakapagtaka, napansin niya ba ako? Pero imposible 'yon! nakatago ang Spiritual Ki ko at wala kahit na katiting ang lumalabas sa aking katawan.' Sa isip ni Boris habang nakasunod parin.

'Asar! Nakasunod parin siya, kung ang lakas ko lang ay kagaya ng sa Earth ako hindi ako magdadalawang isip na harapin ka!' Walang magawa si Titus kundi ang pigilan ang sarili niyang lumaban.

Kasi sa kalagayan niya ngayon kahit ang presyur mula kay boris ay hindi niya kaya, 'yon pa kayang suntok niya.

'Para makatakas kailangan kong gamitin 'yon! Pero sampung segundo lang ang maitatagal ng technique na 'yon base sa lakas ko ngayon!' Tantiya niya sa kanyang isip.

Ang tinutukoy na technique ni titus ay ang Lightning Flash Steps.

Sa technique na'to kailangang ipunin ng gumagamit ang buong Spiritual Ki niya sa katawan papunta sa kanyang mga paa, sa ganoong paraan magkakaroon ang gumagamit ng bilis na parang sa kidlat.

Sa kabilang banda ang pinakamalaking kahinaan ng technique na'to ay ang labis na paggamit ng Spiritual Ki.

Sa madaling salita mauubos ang Spiritual Ki mo sa paggamit nito, maliban nalang kung ang gumagamit ay nasa Master Rank.

Biglang lumiko si Titus sa isang eskinita at agad niyang ginamit ang Lightning Flash Steps.

Zap~~~

Nawala siya sa kanyang kinatatayuan.

Nang lumiko si Titus nagulat si Boris.

'Ano ang binabalak nitong gawin? Wag mong sabihin na napansin niya nga talaga ako?!' Nagulat si Boris pagkatapos agad niyang binilisan at sumunod papunta sa eskinita.

Pagdating niya sa eskinata wala si Titus doon.

"Bwiset! Natakasan ako," Mura niya.

Kung kakalat ang tungkol dito, na ang isang dakilang master rank ay natakasan ng isang warrior rank siguradong magiging kakatawanan siya sa buong imperyo!

**********

"Huff! Huff! Kinailangan ko pang gamitin 'yon para lang matakasan siya." Maputla ang pagmumukha ni Titus, malinaw na pinuwersa niya ang kaniyang sarili sa paggamit.

Rumble~~~

Biglang tumunog ang tiyan ni titus. Hindi niya namalayan na hindi pa pala siya kumakain simula kaninang tanghalian.

Tumayo siya ng diretso at tumingin sa tabi. Doon may nakita siyang isang restawran.

Pumasok siya sa restawran at pagkatapos ay umupo malapit sa bintana. Umorder siya ng dalawang plato ng pagkain at isang bote ng inumin.

"Ano kaya ang pagkakakilanlan ng taong sumunod sa akin kanina. Imposible naman na ang taong 'yon ang lumason sa akin dahil sa lakas niya di niya kailangan pang gumamit ng lason." Kinuha niya ang bote ng inumin.

"Parami ng parami ang mga bagay na kailangan kong gawin dito. Sa ngayon kailangan ko munang alamin kung sino ang lumason sa dating may ari ng katawan na to." Pagkatapos ay uminom siya.

"Hahaha."

Di gaano kalakasang tawa ang maririnig sa isang lalaking pumasok sa restawran. Maputi ang lalaking ito at may pagmumukha ng isang babae at sa kanyang tabi naman ay isang lalaking payat.

Ang lalaking may mukha ng babae ay anak ng punong ministro at ang lalaking payat naman ay ang anak ng heneral ng timog ng imperyong Draak.

Sa likod nila, may mga nakasunod na utusan.

Dumiretso ang dalawa sa ikalawang palapag ng restawran.

'huh?' Nagulat si Titus sa kanyang nakita. Hindi niya inaasahang magkasama ang anak ng punong ministro at ang anak ng heneral ng timog.

Sa totoo lang magkaibigan ang dating may ari ng katawan ni Titus pati ang anak ng heneral ng timog at siya rin ang nagyaya kay Titus para uminom noong gabing na lason siya.

Sa takbo ng mga pangyayari isa lang ang naiisip ni Titus. Ang anak ng punong ministro ang may pakana ng lahat! Pero ang tanong, bakit?

Biglang naliwanagan si Titus. May balak ang punong ministro at ang heneral ng timog na mag rebelyon!

Hindi nila nagagawa ang mga balak nila dahil kay Heneral Arthur, at alam nilang tapat si Heneral Arthur sa imperyo kaya sinubukan nilang lasunin si Titus dahil alam nilang magwawala si Heneral Arthur sa oras na malaman niyang may masamang nangyari sa anak niya!

Dahil dito magkakaroon ng kaguluhan at magkakatiyansa silang sugpuin ang Heneral ng Silangan.

"Magandang plano subalit mabibigo kayo," Mahinahon na sinabi ni Titus.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon