Chapter 25: Humiliation

2.8K 183 4
                                    

Ginagawa ng lahat ang kanilang makakaya upang akyatin ang Stairs of True Heart. Kahit na hindi sila mapabilang sa Top 10 na disipulo ayaw nilang mapahiya ang kani-kanilang mga sarili, lalo't lahat sila'y may superior grade na talento pataas.

"Haha, anong problema? Naiiyak kana ba? Bumalik kana lang sa pinanggalingan mo!"

Isa sa mga disipulo'y tumalikod at sinabihan ang isa pang disipulong nasa kanyang likuran.

"Ikaw ang bumalik! Tingnan nalang natin kung sino ang iiyak sa 'ting dalawa!"

Namula sa galit ang disipulong ito't nagsalita ng pabalik.

"Tumabi ka lampa!"

"Stupido! Tingin mo mauunahan mo ako? Managinip ka ng gising!"

"Mga mababang tao! Tumabi kayo't padaanin niyo ako!"

Dahil sa matindi ang labanan sa pag-akyat ng Stairs of True Heart, iba't ibang uri ng pag-kutya at panunuya ang maririnig mula rito.

Medyo nagiging magulo na ang kompetisyon, karamihan sa kanila'y nasa parehong bilang ng hakbang, kaya't may nagtutulakan at nagbabanggaan. Lahat sila'y nagpipigil ng kanilang mga galit, kung hindi dahil sa patakaran na bawal ang makipag laban sa Stairs of True Heart, malamang ay naging lugar na ito ng labanan.

Kahit na bawal ang makipag laban dito, ang makipag laban gamit ang salita'y maari kaya't marami sa mga disipulo ang mga nagkukutyaan.

Sa mga disipulong may totoong kakayahan naman ay nakasirado lang ang kanilang mga bibig habang umaakyat gamit ang lahat ng kanilang makakaya.

Pero ang kapansin-pansin sa kanilang lahat ay sina Titus, Pangdu, at ang may malakas na killing intent na disipulo.

Kahit na sila ang huling umakyat sa Stairs of True Heart, nagawa parin nilang lampasan ang mga nauna sa kanila.

Makapalipas ang ilang minuto.

Sa oras na umabot na sa pang-animnapung hakbang ang karamihan sa mga disipulo'y unting-unti ng nag-iiba ang kanilang mga tindig at medyo bumabagal narin sila.

Ang presyur sa itaas ay papalakas ng papalakas.

Nagdesisyong umupo muna si Pangdu sa pampitonput walong hakbang upang ayusin ang kanyang paghinga.

Sa mga sandaling ito, isang binatilyo ang dumaan at lumampas kay Pangdu.

Pagtingin niya, ang binatilyong ito'y si Titus.

Ang ekspresyon ni Titus ay kalmado na tila hindi niya nararamdaman ang paglakas ng presyur habang siya'y pataas ng pataas.

'Ano?! Paano niyang napapanatiling kalmado ang kayang sarili sa kanyang bawat hakbang?! Sigurado akong hindi biro ang lakas ng presyur dito!' Sa isip ni Pangdu.

Tumalikod sa Titus at binati si Pangdu,"Pangdu, pagbutihan mo ang pag akyat. Mauna na ako sayo. Magkita nalang tayo mamaya."

Matapos sabihin 'yon ni Titus ay nagpatuloy siya sa kanyang pag akayt.

**********

Sa Training Grounds.

"Imposible to! Isa itong malaking kahibangan!"

Ang mga mata ni Elnar Greis ay nanlaki sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan.

"Hmph! Elnar Greis huwag mo sanang kalimutan ang napagpustahan natin! Ngayon lampas na sa pampitongpung hakbang ang kapatid ko, ako na ang panalo sa pustahan!"

Biglang paalala sa kanya ni Selesti.

"Isa lamang siyang hamak na lampa! Nandaya siguro siya kaya niya nagagawang umakyat ng mabilis!" Sabad ni Elnar.

"Base sa sinabi mo, nais mo bang bawiin ang ating napagpustahan?" Galit na tanong ni Selesti.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?! Pero hindi ako makakapayag sa ganitong paraan! Alam kong nandaya ang kapatid mo! O di kaya'y sira ang Stairs of True Heart!" Pagdadahilan ni Elnar.

Hindi niya matanggap ang mga nangyayari.

"Sinasabi mo bang may mali sa Stairs of True na isang Grandmaster rank ang gumawa?" Isang boses ang biglang pumutol sa kanilang pagtatalo.

Napatingin sina Selesti at Elnar sa direksyon ng boses.

"Martha!" Sigaw ni Selesti.

"Ma..Martha!" Nanginginig na saad ni Elnar."Hi...hindi ganoon ang ibig kong sabihin," dugtong niya.

Suminghal si Martha at sinabing,"kung ganoon hindi ka naman tatalikod sa napagpustahan niyo ni Selesti hindi ba? Sa inyong dalawa nakatuon ang atensyon ko habang nakikipag puastahan kayo. Kaya pwede akong sumaksi!"

Nagngalit si Elnar sa kanyang narinig."Panalo kana selesti!" Sabi ni Elnar na may halong bigat na nararamdaman.

"Selesti ano ang ipapagawa mo sa kanya ngayon ikaw ang nanalo sa pustahan niyo?" Tanong ni Martha.

Hindi na nagisip pa si Selesti.

"Yumuko ka ng tatlong beses sa harapan ko habang humihingi ng kapatawaran!"

Napakimkim si Elnar ng kanyang mga kamao sa narinig niya.

"Oh, ano pa ang hinihintay mo? Gawin mo na ngayon," giit ni Martha.

Walang nagawa si Elnar kundi gawin ito.

Bang!

Bang!

Bang!

malalakas na tunog ng paghampas sa lupa ang maririnig sa bawat pagyuko ni Elnar.

'Hinding hindi ko makakalimutan ang kahihiyang ito! Pagbabayaran niyo itong magkapatid!'

Labis na poot ang nararamdaman ni Elnar sa mga oras na ito. Wala siyang ibang nais gawin ngayon kundi ang hiwain at pagpira-piarasuhin ang katawan ni Selesti.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon