Chapter 12: Asking for Help

3.3K 207 12
                                    

"Magbabayad ka!" Bulyaw ni Kruhen at pagkatapos ay sumugod siya kay Titus.

Ngumiti si Titus at ang pagnanais niyang makipaglaban ay dumaluyong sa kanyang buong katawan.

Clang~~~

Clang~~~

Sampu-sampung pag atake ang ginagawang palitan ng dalawa at sa lakas ng kanilang mga atake ay naaapektuhan ang kanilang paligid.

Sa tuwing magkasalubong ang kanilang mga atake ay nakakaramdam si Kruhen ng pamamanhid sa kanyang mga kamay.

Hindi mapigilang mapangiwi ni Kruhen.

'Ang bibigat ng mga hampas niya! Mala halimaw ang lakas!' Gulat na gulat siya sa kanyang isip.

Pero lingid sa kaalam niya ay nahihirapan si Titus na makipag sabayan sa kanya dahil sa mabilis na pagkaubos ng Spiritual Ki.

Sa bigat ng Eternal Rest ay kailangang ituon ni Titus ang kangyang Spiritual Ki sa pareho niyang kamay para magamit ito ng mabuti.

**********

"Kuya makakaya bang talunin ng nakaputing binatilyong 'yon si Kruhen?" Nagaalalang tanong ni Arlana kay Guido.

"Hindi ko alam Lana, malakas si Kruhen. Kilala siya sa kanyang husay sa pakikipag laban. Ipanalangin nalang natin na sana matalo ng binatilyong 'yon si kruhen... puah!" Sa gitna ng kanyang salita ay napa suka siya ng dugo.

"Kuya!" Agad siyang sinuportahan ni Arlana.

"Huff... huff.. ayos lang ako, tulungan mo akong tumayo at humanap tayo ng ligtas na lugar. Ramdam ko mula dito ang lakas nilang dalawa hindi tayo ligtas dito," Sabi ni Guido.

"Mm." Tumango si Arlana.

**********

"Hahaha! Anong problema? Tila yatang nanghihina na ang mga pagatake mo!" Sabi ni Kruhen na may halong panlilibak.

(A/N: in case na bago sa inyo ang salitang panlilibak, sa ingles ito ay mockingly.)

Nadismaya si Titus sa kanyang narinig dahil alam niyang sasamantalahin ito ni Kruhen at aatake pa lalo.

Matapos ang ilang ulit pang palitan ay nagsisimula nang humingal ni titus at napansin kaagad ito ni Kruhen.

"Pagod kana!"

Bang!

Lumipad papalayo si Titus dahil sa lakas ng pagkakatama sa kanya, sa kabutihang palad ay habang nasa ere siya ay nagawa niyang manatiling kalmado at lumapag sa lupa ng nakatayo.

Giiii~~~

Ilang metro pa ang kinailangan bago siya tumigil sa pag urong.

Whoosh!

Muling sumugod si Kruhen ng hindi binibigyan ng pagkakataon si Titus na makabawi.

Ang magagawa nalang ni Titus ay ang dumipensa.

Clang~~~

Nagkasalubong muli ang kanilang mga sandata at hindi humito si Kruhen dito, pabilis ng pabilis ang mga pag-atake ni Kruhen sa kanya hanggang sa nagiging malabo na ang espada.

"Katapusan mona! Bata!"

"Thirteen fierce strikes!" Malakas na sigaw ni Kruhen.

First strike!

Second strike!

Third strike.

Bawat strike na pinapakawalan ni Kruhen ay mas malakas kesa sa nauna.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon