Chapter 32: Heaven Conquering Godly Physique

3K 186 12
                                    

Agad na kinansela ni Zonder Draak ang kanyang technique at bumuntong hininga.

"Hindi ka talaga nauubusan ng paraan para pamanghain ako." Napailing si Zonder Draak sa kanyang kinatatayuan.

Kapag maabot ng martial artist ang isang antas ng kasanayan sa sandata, unti-unti niyang mauunawaan ang tinatawag na Intent. Sword Intent, Saber Intent, o Spear Intent, ang sinumang umabot dito ay ang mga totoong dalubhasa pagdating sa kani-kanilang sandata.

Subalit hindi gano'n kadali i-perpekto ang isang uri ng Intent. Ang Spear Intent ay isang uri ng espesyal na stado ng pag-iisip kung saan maaari lamang maabot kapag ang kaalaman sa sibat ay umabot ng sukdalan.

Kung hindi hinamon ni Titus ang ikasampung palapag at nakipaglabanan hanggang sa dulo, maaaring abutin pa siya ng mahigit dalawang taon bago niya maunawaan ang Spear Intent.

Pero walang salitang 'kung' sa mundo ng martial arts.

Lahat ay naaayon depende sa sitwasyon. Ayon nga sa kasabihan, ang kapangyarihan ay darating sa tugon ng pangangailangan at hindi sa kagustuhan.

'Maaari kayang ito ang Spear Intent?' Napangiti si titus.

Ang sarap sa pakiramdam.

Hua

Tumayo si Titus ng matuwid tsaka pinakawalan ang kanyang Spear Intent.

"Haaa!"

Napatawa ng marahan si Titus.

'Pakiramdam ko kaya kong tusukin kahit ang kalangitan, ngunit sa katanuyan isa lamang itong ilusyon.' Biglang napakunot ang noo ni Titus, 'Pero iba to sa Spear intent na nabasa ko sa libro!'

"Bata, nagawa mong maunawaan ang Spear Intent?" Nakita ni Zonder Draak na napakunot ang noo ni Titus bago nagdesisyong magtanong.

Ngayon lang naalala ni Titus na nasa gitna pa pala siya ng isang laban, "Paumanhin at ipinaghintay ko kayo. Pwede na nating ituloy ang ating laban."

"Hahahaha, hindi na kailangan. Isa lamang akong maliit na diwa ng totoong katawan at ang lakas ko ay katumbas lamang noong ako'y nasa iyong edad pa, bukod pa rito hindi ko pa nagagawang maunawaan ang Sword Intent sa panahong 'yon. "Huminto si Zonder Draak saka nagpatuloy. "Tatanuningin ulit kita, naunawaan mo ang Spear Intent?"

"Oo." Tumango si Titus.

"Isa ka ngang tunay na henyo! Marahil ay may pag-asa kang maabot ang Grand Completion ng Divine Art na 'yon." Hindi maikubli ang matinding pagnanasa sa mga mata ni Zonder Draak."Oh, siya nga pala, ilang taon kana ngayon?"

"labing-apat na taon." Tugon ni Titus.

"Huli ako ng dalawang taon sayo pagdating sa Intent." Saad ni Zonder Draak.

**********

"Lampas na sa labing limang minuto!" Sabi ni Dave habang nakatingin sa Battle Pagoda.

"Sa tingin ko nasa panaginip ako ngayon." Inilipat ni Dave ang kanyang tingin sa babaeng nasa mid-thirties na nasa kanyang tabi. "Miera, Pwede bang kurutin mo ang pisngi ko?"

Ngumiti ng masama si Miera at iniabot ang kanyang kamay patungo sa pisngi ni Dave, saka kinurot ng buong lakas.

"awww!" Napaungol si Dave dahil sa sakit. "Ba't mo naman nilakasan ng husto?"

"hmmp! Para mas maging epektibo!"

"Hindi nga talaga ako nananaginip!" Sambit ni Dave habang nakahawak sa kanyang pisngi. "Ibang klase ang Titus Krieg na 'to. Ayon sa pagkakaalam ko, may walang kaparis na lakas at bilis ang  nasa ikasampung palapag."

**********

"Heaven Conquering Godly Physique?" Tanong ni Titus na may halong supresa sa kanyang tono.

"Oo. Ang dahilan kung bakit mas malakas at mas mabilis ako gamit lamang ang aking pisikal na katawan ay dahil dito." Paliwanag ni Zonder Draak. "Natagpuan ko ang Divine Art na 'to sa isang kweba, at sa loob ng kwebang 'yon ay may isang kalansay na yari sa batong lungtian. Nang nilapitan ko ang kalansay bigla itong lumiwanag at pagkatapos ay nag salita."

Nanginig si Zonder Draak sa puntong ito. "Hinding hindi ko makakalimutan ang huling salitang binitiwan nito sa akin."

"Lupigin ang mga ipokritong nilalang na nasa kalangitan!"

Nagulat si Titus sa kanyang narinig. 'Gaano kalakas kaya ang taong 'yon para maglakas loob na sabihin ang gano'n sa kalangitan.'

"Ramdam ko ang puot, galit at ang Hindi matinag na kalooban nito. Pagkatapos no'n may isang gintong balumbon ang lumitaw sa 'king harapan at nakatala roon ang Heaven Conquering Godly Physique!" Dugtong ni Zonder Draak.

Huminto sandali si Zonder Draak at nagpatuloy, "Kaya ko ito sinasabi sayo dahil ang premyo sa ikasampung palapag ay ang Divine Art na Heaven Conquering Godly Physique!"

**********

"Lumabas na ng Battle Pagoda si Titus Krieg!"

"Nakikita namin, Hindi mo kailangang sumigaw!"

Nagtamo ng malubhang sugat si Titus sa huling atakeng ginawa niya. Gayon pa man kahit gano'n ang kinalabasan ay nagawa parin niyang malampasan ang ikasampung palapag.

May nakuha rin siyang premyo mula sa founder ng Azure Dragon Academy at nagawa rin niyang unawain ang Spear Intent.

Kontento na siya sa kanyang resulta.

Tap~ tap~

Mabigat na mga yapak ang maririnig sa mga oras na ito.

Dahan-dahan na naglalakad ang lalaking may malakas na killing intent patungo kay Titus.

Labinlimang metro.

Sampung metro.

Hanggang sa umabot sa panglimang metro saka siya tumigil.

Ji~ji~ji~

Bigla siyang nagpakawala ng malakas na Killing Intent sa direksyon ni Titus.

"Hmm?" Nagulat si Titus sa ginawa ng disipulong may malakas na killing intent. 'Ano ang balak niyang gawin? Huwag mong sabihin na gusto niya akong labanan ngayon?' Tanong ni Titus sa kanyang sarili.

Muling naglakad ang disipulong may malakas na killing intent patungo kay Titus at huminto lamang ito nang magkaharap na silang dalawa.

Tales of the Wargod Emperor V1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon