Matamang tinitingnan ni Cassey ang kaklaseng si Mathew habang nakikipagdiskusyon ito sa kaklase nilang si George. Kasalukuyang pinagdedebatihan ng dalawa ang assigned case sa kanila ng prof nila sa criminal law. Fourth year na sila sa college of law at sa loob ng apat na taong iyon ay lihim din niyang itinago ang masidhing pagkagusto rito.
Mula ng makita niya ito sa unang taon nila sa kursong iyon ay nagkagusto na siya sa lalaki. At dahil kaunti lamang sila ay nanatili silang iisang section at magkaklase sa apat na taon kaya naman madalas niyang nakikita ito na naging dahilan upang mas lalong lumalim pa ang nararamdaman niya sa binata.
Mathew is rich, nice, friendly, charming, handsome matched with good physique and a brain to match kaya naman hindi nakakapagtakang marami ang nahuhumaling rito, kabilang na nga siya. Too bad, hindi siya katulad ng iba na malakas ang loob na ipangalandakan ang nararamdaman.
Cassey is always careful na walang makahalata sa feelings niya lalo na kung nasa paligid lang ang binata. In fact, ang tanging nakakaalam ng feelings niya ay ang bestfriend niyang si Katarina. Dito lang niya nailalabas ang nararamdaman sa binata.
"Hoy, tulala ka na naman diyan", untag sa kaniya ng kaibigan.
"Busy ka na naman sa pagtitig sa lalaking yan. Haynaku Cassandra, four years mo na yang kinikimkim, if I were you, I'll be making my move soon. Malapit na tayong grumaduate, after graduation, who knows kung kailan uli kayo magkikita or kung magkikita pa kayo".
"You know very well I can't do that", nakasimangot na sagot ni Cassey kay Kat nang balingan niya ito.
"And why not?", nakataas ang kilay na balik tanong nito.
"Nakita mo naman ang mga babaeng humahabol sa kaniya", mahinang sagot ni Cassey.
Tinaasan lang siya ng kilay ng kaibigan kaya naman pabuntong hiningang nagpaliwanag siya.
"They're beautiful, sophisticated and rich. Anong panama ko sa kanila?"
"Hindi hamak na mas maganda ka naman sa mga iyon, kahit pagsamasamahin mo pa silang lahat. Kulang ka lang sa confidence. Ano ang laban ng mga babaeng yon sa pinagsamang ganda at talino mo?"
"Hindi pa rin kami bagay. Mayaman siya, we are not in the same league."
" Kailan pa naging sukatan ang pera para masabing bagay ang dalawang tao?"
"That's the reality of life Kat"
"Hello!, masyado ng outdated ang paniniwalang 'yan. That's soooo yesterday, tingnan mo nga si Prince William pinakasalan si Kate...even royals no longer believe that royals should be for royals. Love knows no classification. Besides, you are not poor, may maganda kang trabaho at may business ang family niyo."
"Compared to his family's wealth, walang binatbat 'yon."
"Well, he really is filthy rich, I'll give you that but still.....hindi naman siya ang tipong tumitingin sa status ng isang tao. Malay mo naman. Ang kailangan lang, kahit sana papaano, subukan mo namang lumapit sa kaniya."
Hindi na sumagot si Cassey sa tinuran ng kaibigan. Si Kat naman ay nanahimik na lang din, kilala niya ang kaibigan, hindi ito mapipilit sa isang bagay na ayaw nitong gawin. Sa halip ay inilibot niya ang paningin sa mga kaklase nila hanggang sa dumapo ang tingin niya kay Mathew na huling-huli niyang titig na titig kay Cassey. Napataas ang kilay niya nang agad itong mag-iwas ng tingin, mukhang may sekreto rin ang lalaki at mukhang tungkol sa kaibigan niya. Mukhang pareho ng nararamdaman ang dalawa at sa hindi niya maintindihang dahilan ay parehong walang kumikilos sa mga ito.
----------------------

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...