Chapter 15

561 10 0
                                        

"Tama na muna yan sweetheart, pahinga muna tayo saglit", ani Mathew na itinago na ang binabasang reviewer at yumakap kay Cassey. Ibinaon niya ang mukha sa leeg nito raining feathery kisses on it.

"Sweetie...behave....marami pa tayong kailangang basahin", saway ni Cassey kay Mathew  at tinapik ang kamay nito na nagsisimula ng maglikot. Naroroon sila sa apartment ni Cassey at sabay na nagrereview.

"I miss you, it's been a week since....you know", anito giving her earlobe a gentle bite before turning his attention on her lips kissing her deep.

Marahang itinulak ni Cassey ang lalaki nang lumalalim na ang halik nito. Nakasimangot na tumingin ito sa kaniya, tila ba nagtatampo.

"I miss you too...kaya lang kung hahayaan kita diyan sa iniisip mo, I'm sure di na tayo makakapagreview."

"But... I miss you so much. I don't think I will ever get enough of you".

Namula si Cassey sa sinabi ng kasintahan.

"Ikaw ha, 'yon lang yata ang habol mo sa'kin".

"Alam mong hindi totoo 'yan. I asked you to marry me, didn't I? Ikaw lang naman 'tong ayaw pakasal agad"

"Napag-usapan na natin ang tungkol diyan. Let's finish the bar exam first para hindi hati ang oras natin."

"I can't wait to make you mine sweetheart"

"I'm already yours..."

"Mine....as my wife", ani Mathew habang titig na titig sa kaniya at hinahaplos ang pisngi niya.

" I want that too, pero may mga bagay tayong dapat unahin. Kaya sige na mag-aral ka na uli", aniyang inabot dito ang binabasa nito kanina.

"Pa-kiss muna...", ungot ni Mathew na pinagbigyan na lang ni Cassey para matigil na ito at hindi na mangulit.

Marami pa man din silang kailangang tapusin.

"Sa wakas natapos din, akalain mo Cass, ga-graduate na tayo", masayang wika ni Kat sa kaibigan.

Tulad ng nakagawian nila ay nagpahuli na naman silang lumabas. Si Mathew ay alam niyang nasa labas na at hinihintay siya.

"Worth it lahat ng pagod, konting sikap na lang".

"Anong plano nyo ni Mat after graduation? Kailan kayo magpapakasal?"

"Bar exam muna bago namin aasikasuhin ang kasal. Hindi naman kami nagmamadali".

"Hindi pa ba nagmamadali sa lagay na iyan si Mathew. Tingnan mo nga at agad sinuotan ng singsing ang kamay mo", nakataas ang kilay na wika ni Kat na nakatingin sa kamay niya.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon