"So, what's with you and Cassandra?", tanong ni Kaizer kay Mathew.
"Sa ngayon, wala pa", deretsong sagot ni Mathew rito.
"Whoah!, sa tono ng pananalita mo, mukhang may plano ka ha. So, seryoso ka na ba talaga?", pananalakab ng kaibigan kay Mathew.
"After last night.....I don't think I'll be able to think otherwise", seryosong sagot ni Mathew.
"Why, what happened last night?"
"Nathan!", maikling sagot nito.
Hindi na nakapagtanong si Kaizer sa ibig sabihin ni Mathew dahil dumating na ang prof nila. Napansin niya ang pagdilim ng mukha nito nang banggitin ang pangalan ng lalaki. Mukhang may iba pang nangyari maliban sa pagbibigay nito ng bulaklak kay Cassandra.
Tulad ng nakagawian na nilang magkaibigan, huling lumabas ng classroom sina Cassey at Kat. Ayaw kasing sumabay ni Cassey sa mga kaklaseng nag-uunahan sa paglabas, kaya naman nagulat siya nang paglabas ng room ay nakita niyang naghihintay si Mathew sa labas kasama ang kaibigan nito.
"Uwi na kayo?" Agad na tanong ni Mathew sa dalaga.
"Ahmm, oo", alanganing sagot niya. "Sabay na kami ni Kat".
"Aayain muna sana namin kayong mag-dinner kung okay lang."
"Ano kasi.....", hindi na naituloy ni Cassandra ang idadahilan dahil bigla na lang sumingit si Katarina sa usapan nila ni Mathew.
"Cass, naalala ko, may ipinapakisuyo nga pala si Mommy sa akin. May pinapadaanan siyang order sa favorite niyang bakery bago ako umuwi. Sa Makati pa iyon, so medyo malayo, kaya di na kita maisasabay ha. Una na ako sa'yo"
"Teka lang..... Kat!" Tawag ni Cassey sa kaibigan na nagmamadali ng makalayo.
"Wala ka namang nabanggit kanina ah...sabi mo sabay na tayong uuwi"
"Nakalimutan ko", anitong lumingon lang pero hindi huminto sa paglalalakad.
"Mathew, pakisabay na lang si Cass after niyong mag-dinner. Pareho lang kayong QC ang uuwian", aniya sa binata na sumaludo rito. Dali-dali ng umalis si Kat bago pa makapagreklamo si Cassey at mabuking siyang gawagawa lang niya ang kunwaring nakalimutang utos sa kaniya. Suspetsusa pa naman masyado ang babaeng yon.
Si Kaizer naman ay bigla na lang nawala. Hindi napansin ni Cassey na umalis na rin ito, kaya naman silang dalawa na lang ni Mathew ang naiwan.
"Hmmm, mukhang napagkaisahan tayo ha..." Nakangiting wika ni Mathew sa dalaga. Alam niyang sinadya ni Kat na iwan si Cassey sa kaniya. Nahuli na naman siya nito kanina sa pagtingin-tingin kay Cassey.
As for Kaizer, kusa na itong umalis nang umalis si Kat. Alam naman nitong gusto niyang masolo ang dalaga.

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...