Maagang nagpunta sa law office niya si Mathew kinabukasan sa kabila ng pananakit ng braso. May appointment siya kay Mr. Alfonso. Tinawagan siya nito kagabi pagkatapos nitong makausap si Cassey.
Aasikasuhin muna niya ito ngayong araw upang matutukan na niya kaagad ang panunuyo kay Cassey.
"Wala ka bang planong kasuhan ang asawa mo?"
"Huwag na lang Atty., alang-alang sa anak namin. Gaya ng sinabi ko kay Atty. Arnaiz, ang mapawalang bisa lang ang kasal namin at makuha ang anak ko ang gusto ko."
"I have to tell you though Mr. Alfonso, that I won't be nice as you. Oras na mapatunayan ko na ang asawa mo at ang lalaki niya ang may kasalanan sa mga nangyari kay Cassandra, I'll take the proper action", Mathew said seriously.
"Naiintindihan ko Atty."
" I'll keep you updated then"
"Thank you Atty., aalis na rin ako", anitong tumayo na at nagpaalam.
Mathew just watch him leave. After a while, he got up and left. He still need to check on Paul at sa bantay na itatalaga niya sa mga magulang. Papabantayan na rin siguro niya si Cassey para lang makatiyak. Kahit na sabihin pang binitawan na nito ang kaso, hindi niya alam ang takbo ng utak ng asawa ni Mr. Alfonso.
He would take care of some matters first bago uli puntahan si Cassey and also to at least give her a day to think things through.
The following day Mathew finds himself barging into Kat's office. Katatapos lang nilang mag-usap ni Paul sa phone kanina. Hindi na siya tumuloy sa office nito upang alamin kung nagpadala na ito ng bantay sa bahay ni Cassey kahapon, dahil nauna ng sinabi nito na walang tao sa bahay ng dalaga.
Mukhang tinataguan siya nito. He should have known she'll do this after his declaration the other day. Hindi na muna siya tumuloy sa La Union gaya ng unang naisip niya kanina.
It's unlikely that Cassey will take refuge in there, alam nitong alam niya ang lugar. So the best way is to ask Kat, that is kung makiki-pag cooperate ito. Alam niyang alam nito kung nasaan si Cassey.
Kat just look at Mathew calmly nang pumasok ito sa opisina niya. Alam na niya kung ano ang sadya nito sa kaniya.
"Where's Cassey?", walang pasakalyeng tanong ni Mathew.
Nagtaas lang ng kilay si Kat at hindi umimik.
"Please Kat, where is she?"
"Nagbakasyon lang...", sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
"Where?"
"Bakit? Hahabulin mo?"

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...