Chapter 34

566 8 0
                                        

Pagkagaling sa presinto kanina ay personal niyang binantayan ang pagpa-file ng kaso kina Charry Alfonso sa prosecutor's office. He will be Cassey's private prosecutor, sa oras na nasa korte na ang kaso. Sisiguruhin niyang magbabayad ang mga ito.

Nakausap na rin niya si Mr. Alfonso, matutuloy na rin sa wakas ng matiwasay ang kaso nito, kahit ang habol niyang custody sa anak ay may laban dahil sa ginawa ng asawa nito.

Matapos ayusin ang lahat ay saka lamang siya umuwi sa unit niya upang magpalit lamang ng damit at kumuha ng ilang gamit bago uli bumalik sa ospital. Hindi na siya nagpahinga, sa ospital na lang niya gagawin iyon. Gustong-gusto na niyang makita uli si Cassey. Umalis na rin ang Mama niya at si Kat ang pansamantalang kasama nito habang hinihintay siya.

Pagkakita sa kaniya ni Kat ay agad na itong nagpaalam. May date pa daw ito at ang asawa. Hinintay na muna niyang makalabas si Kat upang maisara niya ang pinto bago nilapitan si Cassey na nakasandal paupo sa kama.

"How are you sweetheart?", tanong niya rito ng makalapit matapos itong bigyan ng magaang halik sa labi at iabot ang biniling bulaklak para dito.

"Medyo nahihilo pa at masakit ang ulo at buong katawan"

Pinagmasdan ito ni Mathew, she is still pale at halata pa ang panghihina sa boses nito. Kinuha niya ang kamay nitong walang suwero at hinalikan.

"Kumusta ang lakad mo?", tanong ni Cassey rito.

"Naayos ko na ang lahat sweetheart. Naka-file na ang case against them. I'll personally handle it, to make sure na mananagot sila."

Ngumiti lang si Cassey sa sinabi nito. Hahayaan na niya ito sa gusto nito. Alam niyang personal ang dahilan nito kaya ito ganun kaseryoso.

"Thank you"

"I love you sweetheart, very much and I won't let anyone hurt you and Jace. Kung sinuman ang magtangka, I will make sure to make them pay"

"I know and I'm thankful that you're here"

"I'll always be here for you and Jace sweetheart. Si Jace nga pala?" Tanong ni Mathew nang maalala ang anak.

"Nakina Mama muna siya."

"Ang parents mo?"

"Nakausap ko na sila kanina. Hindi ko na sila pinaluluwas, maayos naman na ang lagay ko."

"Im sure they're very worried"

"Yes they are, pero alam naman nilang nandiyan ka so hindi na sila nagpumilit lumuwas"

"Hmmm......I want so badly to embrace you but I'm afraid na masaktan ka"

"I'm bruised all over, ang hirap kumilos but I could do with that embrace basta huwag mahigpit", ani Cassey na nakangiti. Mabilis siyang niyakap ni Mathew pero ingat na ingat itong huwag siyang masaktan.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon