Naglalakad si Cassey sa pasilyo ng ospital papunta sa clinic ni Dra. San Gabriel, ang psychiatrist na kinuha niya para sa kaso ni Mr. Alfonso. Kukumustahin niya ang result ng exam ng client at may mga itatanong na rin at the same time.
Hindi pa siya nakakapag-decide kung ano ang gagawin tungkol sa kaso nito. Alam niyang kailangan na niyang magdesisyon sa lalong madaling panahon lalo na ng makita niya ang CCTV footage kanina nang dumaan siya sa presinto bago nagtungo sa ospital.
Habang naglalakad at binabasa ang mga nameplate sa pintuan ay may tumawag sa pangalan niya.
"Cassey? Is that you?", gulat ngunit halatang natutuwa ang boses ng isang lalaki. Nilingon ni Cassey ang nagsalita at nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makilala ito. Nathan the jerk.
Tumatawang itinaas ng lalaki ang kamay at lumapit sa kaniya.
"Okay, I deserve that....I've been a total jerk the last time we met. Hindi pa nga pala ako nakakahingi ng sorry. Better late than never right.....", alanganin ang ngiting wika nito nang makalapit sa kaniya.
"Im sorry Cassey....really sorry", sincere na wika nito nang manatiling nakataingin lang si Cassey sa lalaki.
Nagdududang tiningnan pa rin ito ni Cassey, inaarok kung bukal sa loob nito ang paghingi ng sorry. Bahagyang napangiti siya ng makita ang sincerity nito.
"Matagal na yon, forget it."
"Thank you, at least nabawasan na naman ng isa ang taong may atraso ako"
"Huh?"
"Come on Cassey, I know I was a total asshole then, marami akong naagrabiyado. But I'm a changed man now...", ani Nathan na nakangiti.
"What brought this on?"
"I fell in love...deep....", tumatawang wika nito na nagpangiti kay Cassey.
"I see....so why are you here?", tanong niya na pinasadahan ito ng tingin. He's wearing a doctor's coat.
"Residente ako dito and my family owns the hospital. Ikaw?"
"I have an appointment with Dra. San Gabriel".
"My wife?", gulat na tanong ni Nathan. "Bakit mo kailangan ng psychiatrist?"
"Hindi para sa akin sira, siya ang psychiatrist ng kliyente ko."
"Oh right, you're a lawyer now. Congrats ha kahit huli na"
"Thank you"
"Come, I'll walk you to her clinic. Doon din naman ako papunta".

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomantikaCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...