Cassey smiled after putting her phone down. Katatapos lang nilang mag-usap ni Mathew. He called her to inform her na nakauwi na ito and to remind her about tomorrow. Since Saturday bukas at pareho silang free, susunduin siya nito at dadalhin sa beach house ng mga ito sa Batangas para makapag-unwind. Ipapakilala na rin daw siya nito sa parents nito at kapatid, na makakasama nila bukas.
She's a bit nervous at the same time appreciative na ipapakilala siya ng boyfriend sa family nito. It could only mean one thing, he is serious with her. With that thought, Cassey fell asleep with a smile.....
Maagang dumating kinaumagahan si Mathew upang sunduin siya, medyo madilim pa nga. Maaga silang umalis dahil ayon dito doon na sila sa beach house mag-aalmusal kasama ang pamilya nito.
"Bitawan mo kaya ang kamay ko para mas maayos kang makapag-drive", natatawang sabi ni Cassey dito. Katulad kagabi ay hawak na naman ni Mathew ang kamay niya habang nagmamaneho. Bibitiw lamang ito kung kinakailangan, pagkatapos ay pagsasalikupin uli ang mga kamay niya.
"I like the feel of your hands on mine." Itinaas nito ang kamay nila.
"Perfect fit", anitong nakangiti sabay kindat sa kaniya.
Namumulang nag-iwas na lamang ng tingin si Cassey. Na-o-overwhelm pa rin siya sa ipinapakitang sweetness ni Mathew sa kaniya.
"Don't worry sweetheart, you'll get used to it", nakangiting wika nito na tila ba nababasa ang iniisip ni Cassey. Inirapan lang ito ni Cassey bago umayos ng upo at ipinikit ang mga mata.
Masyado pang maaga at inaantok pa siya. Usually kasi pag Saturday nagbababad siya sa kama.
"Hmmm, mukhang inaantok ka pa, gusto mo bang mag-coffee saglit. May madadaanan naman tayong coffee shop", tanong ni Mathew nang mapansing nakapikit si Cassey.
"Huwag na, nakakahiya sa parents mo kung paghihintayin natin sila ng matagal. I'll just sleep habang bumibiyahe tayo. Usually kasi, kapag weekends, bumabawi talaga ang katawan ko sa tulog".
"Sleep sweetheart, I'll wake you up when we get there"
Nagising si Cassey sa pakiramdam na may humahalik sa kaniya. Napangiti siya nang marinig ang masuyong boses ni Mathew.
"Wake up sleeping beauty, we're here", anito at dinampian siya ng masuyong halik nang magmulat siya ng mata.
Pagkakababa ng sasakyan ay inilibot ni Cassey ang paningin sa paligid. Dalawang palapag ang bahay at ilang metro ang layo nito sa may dalampasigan. Fruit bearing trees dotted the front of the house at may mga natatanaw din siyang mga puno sa bandang likuran. Sa harapan naman ng bahay hanggang gilid kung saan kita ang terrace ay iba't-ibang halaman.
The house all in all have a very homely feel. She can feel the warmth, and she knew that it has something to do with the fact that it is a family vacation house. It has the feel of home, similar sa feeling ng sarili nilang bahay sa probinsiya. Parang bigla niya tuloy na-miss ang pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...
