Chapter 35

633 8 0
                                    

"Welcome to our home sweetheart", ani Mathew nang makarating sila sa bahay na titirhan nilang mag-anak.

Bumaba si Mathew ng sasakyan at umikot sa gawi niya upang ipagbukas siya ng pinto. Inalalayan siya nito sa pagbaba at inakbayan habang pinapasadahan niya ng tingin ang bahay.

Napakalaki ng bahay at dalawang floor iyon at maganda ang pagkakadesign. May malawak na garden ito sa harapan  na may swing sa isang sulok at sa gilid ay ang garahe. Ang buong solar ay napapalibutan ng mataas na bakod kaya hindi kita ang loob ng bakuran mula sa labas.

"Ang laki ng bahay na 'to Mat, baka magkawalaan na tayo diyan."

"Silly", anito na kinudlit ang ilong niya. I want a big family, kaya tama lang  'yan"

"How big?"

"At least six kids, so mga limang kapatid pa ni Jace" ani Mathew with twinkle in his eyes

"Just one more, sapat na ang dalawa", tawad ni Cassey.

"Five"

"Two more...ang hirap kayang manganak, ang sakit. Kung gusto mo ng lima, ikaw ang magbuntis at manganak", nakasimangot na wika ni Cassey.

"Okay, two more", Mathew agreed with amusement in his eyes. Pinaningkitan ito ng mga mata ni Cassey. Mukhang tatlong anak lang naman talaga ang gusto nito dahil sa bilis nitong pumayag. Mukhang naisahan siya dun ah.

"Come on sweetheart, pumasok na tayo sa loob. Nasa loob na sila Mama, hinihintay tayo", ani Mathew na iginiya na siya papasok.

Nasa may pintuan pa lamang sila ay mabilis nang sumalubong sa kanila si Jace at nagpakarga sa ina. Mabilis naman itong kinarga ni Cassey at pinupog ng halik. Na-miss niya ang anak, at mukhang ganun din ito sa kaniya kung pagbabasehan ang napakahigpit na yakap nito.

"Miss me baby?"

"Yes Mommy, dito na po tayo tira sa house ni Daddy, Mommy?, tanong ng anak na tinanguan lang niya. Ginulo naman ni Mathew ang buhok ng anak bago hinalikan.

"Ayaw mo ba dito kiddo?", tanong ni Mathew sa anak.

"Gusto po. "

"Did you see your room already?"

"Yes Daddy, it's big....ang daming toys", ani Jace na tuwang-tuwa. Iniumang nito ang kamay sa ama at dito naman nagpakarga.

Noon naman pumasok sa living room ang Mama ni Jace. Mukhang galing itong kusina.

"O, nandito na pala kayo. How are you hija?", tanong nito matapos siyang yakapin.

"Maayos naman na po Ma. Thank you po sa pag-aalaga kay Jace ha."

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon