Palabas na si Mathew sa 7'11 na malapit sa university nila nang mapansin niya ang isang babaeng hinihila ng isang lalaki. Hindi na sana niya papansinin dahil baka isang ordinary lover's spat lang ang nagaganap nang mamukhaan niya ang babae.Ganun na lamang ang pagsulak ng galit niya nang makitang pilit isinasakay ni Nathan si Cassey sa kotse nito. Kilala niya ang lalaki at wala siyang tiwala rito, kaya naman dali-dali siyang lumapit sa dalawa.
Nang makalapit ay narinig niya ang pagtanggi ng dalaga.
"The lady said, let go of her, ayaw sumama sa iyo", sabat niya.
Napabaling si Cassey sa direksiyon niya at kitang-kita ang relief sa mga mata nito nang makita siya. Marahang napamura si Mathew at lalong nag-igting ang galit na nararamdaman. Walang pagdadalawang-isip na hinila niya si Cassey palayo sa lalaki at marahan niya itong itinago sa kaniyang likuran. Ramdam niya ang panlalamig ng palad nito nang mahawakan niya at ang bahagyang panginginig.
"Damn", he cursed softly. Mabuti na lang at naisipan niyang bumili ng tubig, otherwise baka kung ano na ang nangyari sa dalaga. He's at the right place at the right time and it's just pure luck that it happens.
"Stay away from this Mathew, wag kang makialam sa amin ng girlfriend ko", galit na wika ni Nathan.
Mathew chuckled sarcastically.
"You must be dreaming Nathan if you think I'll believe you", galit niyang turan dito
"And what do you mean by that?"
"Kilala ko si Cassey, she'll never go for the likes of you. Kaya mabuti pa umalis ka na at huwag ka ng lalapit pa kay Cassey or ako ang makakalaban mo ", matalim ang tinging banta niya dito.
Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki, mayamaya ay nakangising tumalikod na si Nathan sa dalawa. Ngunit bago sumakay sa sasakyan ay may pahabol pa ito.
"You think, you're better than me huh, pareho lang tayo. Wala kang mapapala sa isang 'yan."
"Go to hell Nathan, huwag mo akong itulad sa iyo." Tumalikod na si Mathew at maingat na inakay si Cassey palayo.
Pumasok sila sa convenience store at ibinili niya ng tubig ang dalaga. Hindi pa rin ito umiimik at bahagya pa ring namumutla. Hindi pa niya nakitang ganito si Cassey, nangangati ang kamay niyang suntukin si Nathan dahil sa ginawa nito.
"Drink, makakatulong sa iyo 'yan para kumalma ka", masuyong wika niya sa dalaga na inabot ang tubig.
Nag-angat ito ng tingin at tiningnan siya.
"Thank you", pasasalamat ni Cassey kay Mathew.
"You're welcome, bakit mag-isa ka? Nasaan si Kat, di ba sabay kayong umuwi?"
![](https://img.wattpad.com/cover/146456814-288-k844214.jpg)
BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomansCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...