Tahimik na sumunod sa pagpasok si Mathew sa loob ng bahay. Nasa sala ang anak nila at busy sa paglalaro sa iPad nito. Ang yaya nito ay tahimik na umalis nang makita silang pumasok.
"Baby....", tawag ni Cassey sa anak nang lapitan ito. Marahan niyang kinuha mula rito ang iPad at kinarga ang anak patungong sofa upang maupo.
Si Mathew ay nanatiling nakatayo malapit sa pintuan at pinagmamasdan ang kaniyang mag-ina. Warmth flowed in his heart at the picture they present, it's picture perfect.
"I want you to meet someone", banayad na kausap ni Cassey sa anak habang kalong ito.
"Friend?", tanong ni Jace. Umiling lang si Cassey at ibinaling ang tingin kay Mathew. Sinundan ng tingin ni Jace ang tinitingnan ng ina.
"No baby, I want you to meet your Daddy"
"Daddy?"
Tumango lang si Cassey. Si Mathew naman ay lumapit na sa kaniyang mag-ina at sumalampak sa sahig sa harapan nila. Hinihintay ang magiging reaksiyon ng anak.
Ilang sandali muna siyang tinitigan ni Jace na wari bay pinag-aaralan kung totoo ba ang sinabi ng ina. Ilang saglit pa iniumang nito ang mga kamay sa kaniya na tila nagpapakarga. Inabot naman ito ni Mathew at iniupo sa hita niya habang pigil na pigil niya ang sariling yakapin ito. Naninikip ang lalamunan sa pinipigil na luha at sari-saring emosyon habang masuyong pinagmamasdan ang kaniyang anak na titig na titig pa din sa kaniya. Bahagyang namasa ang kaniyang mga mata nang ngumiti ang anak sa kaniya at yumakap.
Hindi na napigilan ni Mathew ang sarili. Niyakap ang anak ngunit iniingatang hindi masyadong maipit ito sa higpit ng yakap niya. Hinalikan niya ito sa ulo bago pinakawalan ng mapansin ang pagkilos nito palayo sa kaniya. Nakangiting pinagmasdan ito ni Mathew ng muli itong tumitig sa kaniya. Umangat ang kamay ni Jace at humawak sa kaniyang mukha, bago tinanong bakit daw siya umiiyak.
"Daddy's crying because he is happy to finally see you and hugs you like this because he misses you so much", aniyang hinalikan ang palad nito.
"Mommy too?"
"Yes, mommy too"
"Jace happy too, to see Daddy"
Muling niyakap at hinalikan ni Mathew ang anak nang marinig ang sinabi nito.
"I love you baby", bulong niya rito sa garalgal na tinig.
"Daddy handsome...", ani Jace na titig na titig na muli sa ama.
"You're handsome too baby" , nakangiting wika ni Mathew na nagpahagikgik kay Jace bago bumaling sa ina.
"Mommy pretty....."
"Yes baby, mommy is pretty", ani Mathew at kinindatan si Cassey.
BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...
