Chapter 2

788 23 0
                                        

Binawi ni Mathew ang tingin kay Cassey nang magtama ang tingin nila ni Katarina, ang bestfriend ng dalaga. Kanina niya pa ito pinagmamasdan ng palihim habang kausap ang bestfriend nito.

He'd been in love with her since he met her four years ago. Natotorpe lang siyang manligaw dahil sa pagiging aloof at suplada ng dalaga. Kung titingnan mo ito ay siya ang tipo ng babaeng mataas ang standard sa potential boyfriend. Kaya nga sa apat na taon nila bilang magkaklase wala man lang siyang nabalitaang naging boyfriend nito. Kaya nga hindi siya makaporma dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya na ang tingin nito sa kaniya ay playboy.

But the truth is he never had a girlfriend since he met her, yes he goes out on a date, but that's just it. No girlfriend, since the only person he wanted to fill that position seems to be so out of his reach.

"Wow, 'tol, ang lalim ng iniisip natin ah...." biro ng kaibigan niyang si Kaizer.

"Same old thought"

"Tindi talaga ng tama mo 'no. Imagine, four years na yang pagsinta mong hilaw kay Cassey"

Agad niyang tinakpan ang bibig ng kaibigan.

" Mamaya may makarinig sa iyo."

"Sus, para namang magugulat pa ang mga 'yan. Alam ng lahat na inlove ka sa kaniya maliban sa kanilang mag-bestfriend. Bilib nga din ako sa 'yo, nakakapagpigil ka ng ganyan. Why don't you just court her para matapos na yang kalbaryo mo?"

"Kung ganyan lang kadali, matagal na sana akong nanligaw. But you know it's not that easy. Pagdating kay Cassey, I'm scared....., hell..... I'm terrified na mabasted."

"Kung malalaman lang ng mga babaeng naghahabol sa iyo na isa kang dakilang torpe, for sure magpipiyesta ang mga iyon. Iisipin nilang nakarma ka na sa pagpapaasa sa kanila".

Tiningnan lang ni Mathew ng matalim ang kaibigan.

"Payong kaibigan lang Mat, kumilos ka na ngayon. Would you rather, we graduate and you lost touch with her at makakilala siya ng lalaking mamahalin niya or court her now and risk  your heart, at least nakasama mo siya"

Bumuntong hininga lang si Mathew sa sinabi ng kaibigan. Naiiling na tinapik na lamang ito ni Kaizer sa balikat.

"Think about it Mat, konting oras na lang ang meron ka," anito at iniwan na siya.

Alam ni Mathew na tama ang kaibigan, tatlong buwan na lang at magtatapos na sila. After that he knows that they will be busy preparing for the bar exam. Alam niyang after graduation, maaring hindi na sila magkita uli ni Cassey. He was still pondering that nang makita niya ang isa nilang kaklase na lumapit kay Cassey at may iniabot ditong bulaklak. Napansin niyang may itinuro ito sa labas.

Nakita niya ang isang lalaking nakatayo doon. Marahil ito ang nagpapapabigay ng mga bulaklak.

Kilala niya ang lalaking iyon, medical student at ex-boyfriend ng pinsan niyang si Lexie. A complete asshole at hindi dapat pagkatiwalaan.

Ibinalik niya ang tingin kay Cassey upang makita ang reaksiyon nito. Kasalukuyan na nitong tinutupi ang papel na kasama ng mga bulaklak. Ibinalik niya ang papel at bulaklak sa nag-abot niyon sa kaniya. Sa tantiya niya ay ipinasasauli nito ang mga iyon.

Napangiti siya sa ginawi ng dalaga.

"Suplada talaga", napapangiting bulong ni Mathew. Tamang-tama namang nakabalik na si Kaizer sa tabi niya at huling-huli nito ang ngiti niya. Napaismid na lang ito dahil alam nitong natutuwa siya na hindi in-entertain ni Cassey ang bagong manliligaw.

"Hanep talaga ang babaeng 'yan.....cold! Sigurado ka bang tao 'yang nagustuhan mo?"

"Gago", aniyang binatukan ito.

"So, ano ang gagawin mo ngayon? Hindi mo maiiwasang may manligaw sa kaniya. Effective man siguro ang palihim na pambabakod mo sa ibang lalaking gusto siyang lapitan, meron at meron pa rin maglalakas ng loob na sumubok kagaya ng isang iyon. Lalo na kung nasa labas na siya ng protective  web mo."

"That incident just made my decision for me. It's time that I'll make my move. I'll try to grab what is mine all along"

"Naks 'tol, taas ng fighting spirit ah" pang-aalaska ni Kaizer sa kaniya.

"Tarantado"

Tumawa lang ito at inakbayan siya.

"Sige lang Mat, sulong lang sa laban. Nasa likod mo lang kami. Fighting!" sigaw pa nito na naging dahilan pa tuloy na mapunta sa kanila ang atensiyon ng iba nilang kaklase.

-------------------------------------

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon