Chapter 20

567 16 1
                                        

Nagmamadali na si Mathew at baka ma-late na siya sa hearing niya. May gasgasan siyang nadaanan kaya medyo naipit siya sa traffic. Ilang metro na lang ang layo niya nang makitang bumukas ang pinto ng court room at may lumabas na babae. Medyo nakatalikod ito kaya hindi niya kita ang mukha nito. May kausap ito sa cellphone nito. Nakahinga siya ng maluwag, ibig sabihin ay hindi pa siya late.

Nang makalapit ay narinig pa niya ang binubulong nito sa kausap.

"Yes baby, uuwi ako agad. Bye bye na ha. I love you"

Nakaharang kasi ito sa daraanan niya kaya tumikhim siya upang kunin ang atensiyon nito. Mukhang nagulat yata ito sa kaniya dahil bigla itong lumingon at dahil sa biglang pagkilos nito ay na-out of balance ito. Bago pa ito bumagsak ay nahila na niya ito at inayos sa pagkakatayo. He stiffened when he feels her body, he felt that familiar stirring na tanging sa isang tao lamang niya naramdaman. Noon ito nagtaas sa mukha at ganun na lamang ang pagkagulat niya nang makilala ito.

"Cassey...."

Lumabas saglit si Cassey ng court room para tawagan ang anak since wala pa si Judge. Nagtext kasi ang yaya ng anak niya at sinabing nagta-tantrums daw ito dahil di siya nakita pagkagising. Maaga kasi siyang umalis kanina kaya hindi na niya nahintay na magising ito. Kaya naman para huminto na ito sa pagmamarakulyo ay tinawagan niya saglit.

Katatapos lamang niyang kausapin ang anak nang may biglang tumikhim sa likod niya na nakapagpagulat sa kaniya. Hindi niya inaasahang may tao sa likod niya kaya naman bigla siyang lumingon dito.

Hindi niya akalaing ganun ito kalapit kaya bahagyang bumangga siya rito sa biglang paglingon niya causing her to lost her balance. Bago tuluyang matumba ay naramdaman niya ang matitigas na braso na umalalay sa kaniya at inayos siya sa pagkakatayo.

"Careful", narinig ni Cassey na wika nito.

Napasinghap si Cassey nang marinig ang boses nito. Kilala niya ang tinig na iyon. Nag-angat siya ng tingin at ganun na lamang ang gulat niya nang makita ang taong nasa harap niya.

"Cassey...", narinig niyang lumabas sa labi nito.

Bahagyang umatras si Cassey to put distance between them.

"Mat", aniyang bahagyang tumango.

Agad namang nakabawi sa pagkabigla si Mathew. He immediately composed his expression.

"Sorry, nagulat yata kita", Mat said in a cold voice.

"Medyo lang", ani Cassey na bahagyang nakabawi na rin sa pagkabigla. Tumabi siya upang makadaan ito.

"Sige mauna na ako sa loob", ani Mathew nang mapansin ang pagtabi nito at nilampasan na ito, taking care not to touch her.

Nang makadaan ang lalaki, Cassey took a deep breath to calm herself more. She needs to compose herself. She can't let him know that he can still affect her, just by his mere presence, let alone by his touch.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon